You only live once, ika nga ng acronym na YOLO, isa sa mga
naging trending na salita sa taong ito. Pero hindi ito usapin ng isang pausong
nakakabobo. Parang kahit papaano pa nga ang mga ganitong kataga kesa sa mga
jeskeng PBB teens, epic fail, o kung ano pa man iyan. Pero minsan nga lang ay
annoying ang approach. YOLO?!
As in literal.
Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito sa ganitong
katauhan natin. Unless kung sa tingin mo ay na-reincarnate ka at nade-déjà vu
sa ilang mga bagay-bagay na nangyayari sa iyong buhay.
Oo nga. Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito, kaya
sari-saring mga pangyayari ang ating napagdadaaanan. Iba’t ibang karanasan,
mula sa first time hanggang sa pinaka-latest, mga tama at mali, mga hindi na
talaga mauulit hanggang sa parang sirang plaka dahil sa pauilit-ulit na lang
silang nangyayari.
Iba-iba talaga. Minsan tatayo tayo, maya-maya, madadapa, then
tatayo ulit, madadapa muli, at aahon sa kahuli-hulihang pagkakataon o same
cycle lang to the nth time.
Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito. Kaya marami rin
taong matitino dati ang ngayo’y nagloloko. Kung dati siyang nerdo, ngayon ay
numero uno na siyang bulakbol. Kung dati ay iniiyakan niya na pag-iwan sa kanya
ng syota niya dahil sa na-late lang siya sa date nila… Aba , baka ngayon e siya pa ang hinahabol ng
mga tsikababes kahit na iba-ibang mga babae ang katawagan nya sa cellphone.
Minsan nasa taas, minsan nasa ibaba.
Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito. Kaya nga ang
ibang gago ay nagpapakatino na dahil natatakot kay Lord at sa tinatawag na
“karma.” Tama nga naman.
You only live once. At kahit magpakapusa ka sa pagkakaroon
ng nine lives, e baka masagasaan ka lang ng isang bisikleta na tumatakbo sa
trenta-kilometro-kada-oras, ma-dedo ka na. ‘Wag kang pasiguro sa sinasabing
“second life” ng nasa taas kung una, ay hindi mo pa nga nararamdaman kung tapos
na ba talaga ang oras mo dito; at pangalawa, kung hindi mo pa nga talaga alam
kung ano ang misyon mo sa mundong ito.
You only live once. pero hindi ibig sabihin nun ay
magpapaka-adik ka na sa bagay na gusto mo. Tandaan, ang lahat ng sobra ay
nakakasama. Kaya siguro ang dating marijuana na talagang nakakagamot at
ipinagbawala na sa bansa dahil sa mga mapang-abusong nilalang (Buti pa sa mga
bansa tulad ng Estados Unidos). Balang araw, ang paggamit ng motorsiklo at
social media ay maihahalintulad na rin sa adiksyon na ito dahil sa ginagamit
ito sa mga kalokohan at panggagantso ng mga putok-sa-buho sa lipunang ito. ‘Wag
naman sana .
Minsan ka lang mabubuhay, kaya hindi ka puwede na
habang-buhay kang maglupasay sa mga bagay-bagay na nakapagbigay sa iyo ng
kasawian, hindi lang sa palad, kundi sa iyong buong pagkatao. Alam ko na
masama, masalimuot, at masakit ang realidad ng panahon ngayon, dala na rin ng
masasamang balita, walang pera, human nature, at kung anek-anek pang mga bagay
na negatibo tulad ng reklamo. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na
ngingiti, mag-iisip ng mga magagandang bagay na makikita lamang sa psoitibong
aspeto ng ating buhay. Malay mo, sa pagkakaroon ka ng positive thinking mindset
pala ang pinakasusi ng iyong mga kaligayahan sa buhay. Parang yung libro lang
na nag-quote nun.
You only live once, kaya ang mga walang kwentang bagay na
ginagawa mo na nun… e wag mo nang gawin ng mas madalas pa ulit. Na-experience
mo na pala e. Tama na, dahil nakakatanga na, t****’n* naman. Magbigay ng
panahon sa mga makakabuluhan. Yung may matututunan ka, yung makakabenta ka,
sisikat ka (kung magkataon man), yung tipong makakapagpa-fulfill ng buhay mo.
Oo, minsan ka lang mabubuhay sa mundong ito. Gawin mo na
kung ano ang nararapat, yung tama at may kaatorya-torya. Yung may nilalaman ba.
Yung tipong makakapagpaalala sa ibang tao kung anong kabutihan ang ginawa mo
para sa kapwa mo, at hindi dahil parang nagmistulang stigma na ang reputasyon
mo (parang yung hindi na-inform sa pagbaha sa kalyeng dadaanan at pati na rin
yung nanindak ng MMDA enforcer). Yung tipong maalala ka hindi lang dahil sa mga
billboard na naglalarawan sa iyo kung gaano ka ka-sexy (as in sing-pigura mo
ang bote ng isang softdrink), o kung gaano katindi ang binago sa iyo ng isang
doctor, o ultimo ang mga tarpaulin na kumokontra sa anti-epal bill ng lola mong
si Senator Miriam Santiago.
You only live once, ika nga. Parang mundong ginagalawan mo na
naghihingalo na ng dahil sa mga plastik at mapapel, yung mga taong pinaglihi
yata sa basura dahil sa walang modong paglalapastangan sa kalikasan. Dapat yata
ay matuto sila mapakinggan ang kanta ng banda ni Ely Buendia na Pupil at ang
pamagat ay “Sala.” O mas maganda, yung epikong mga awit ng bandang Asin. Oo,
nang sa ganun ay matauhan ang mga yan.
Tama, you only live once. Yun na.
10/31/2012, 02:36 p.m.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!