10/21/2012 09:25 AM
Minsan, hindi ko na rin pinaniniwalaan ang bagay na
naglalarawan sa mga tipo ng tao base sa kung gaano ito maglahad gamit ang
kanyang mga cellphone. Ayon sa mga nababasa ko, mga single daw ay mahihilig
mag-send ng group message, at ang pinakamadalang daw na magtext ay mga taong
taken o in a relationship. Maliban diyan, mga walang load o sadyang anti-social
lang ang trip.
Tama, hindi porket single ang isang tao ay mahilig na siya
mag-send ng tinatawag na “group message.” E pano kung wala siyang cellphone in
the first place? Mas maboka pa siya sa personal kesa sa maglapat ng letra sa
mga telepono gamit ang kanyang mga daliri? O hindi naman kaya ay hindi lang nya
trip ang nag-text?
E sa gusto niya, kahit hindi siya matalak. Walang basagan ng
trip!
At hindi porket mahilig mag-GM ay single din. Oo,
nagpapadaan nga ng text sa iyo, pero ang dami naman na pinapasadahang tao na
akala mo ay bumabati lang on-air sa radyo. At meron pa dyan na talaganag
nilalahad niya ang pagna-nag sa kasintahan nila, asaran at kung ano pa man
iyan. Well, ayos lang yun, as long as alam naman nila ang mga bagay na pwedeng
isapubliko sa mga kaisipan at kalokohan na dpaat ay isapribado.
Meron pa nga dyan, magpaparamdam lang sa iyo kapag may warla
sila ng boyfriend nya. Ay, wasak lang. Ano ‘to? Kinalimutan mo pansamantala ang
pagkakaibigan natin at saka ka lang mambubulabog sa amin kapag umiiyak ka na at
winiwikang “nag-away kami ng boyfriend ko!!!!”
Pambihira. Lame excuse!
By the way, ang mga sinulat ko dito ay base lamang sa aking
obserbasyon. Sa personal na pamamaraan man o bilang miyembro ng isang text clan
(bagamat, dahil hindi naman araw-araw e may pang-text ako e matumal din ako
kung maituturing e).
Ano ang napulot ko sa pag-oobserba na ito? Lahat ng tao ay
magkakaiba ang pamamaraan ng paglalahad. May kanya-kanyang personalidad na ang
kaakibat ay ang kanilang pamamaraan kung paano sila makikihalubilo sa kapwa.
Wala sa civil o kahit sa relationship status kung gaano siya kadalas
makipagtext sa kanyang mga kakilala.
Mayroon iba diyan, pag kinakailangan lang. well, tama lang.
Yan ay kung tunay ka ngang kaibigan.
Meron din ang para may makausap lang. Pero siyempre, depende
na rin sa mood ng parehong partido iyan.
At kahit ang inyong lingkod na single since birth ay
madalang lang magtext, maliban na lang kung bibigyan mo ko ng load, o kung
sadyang gusto lang kitang maging makapalagayan ng loob. (ops, wala nang hihirit
ng “yihee,” ha?)
Uulitin ko for the nth time: Hindi porket single ay mahilig
na mag-GM. ‘Wag manghusga kaagad kung katangahan naman ang magiging kalalabasan
niyan.
Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions
May point ka... di porket single eh mahilig na sa ganyan...
ReplyDeleteMinsan naman wala pang load hehehe
Tulad ko di rin mahilig mag GM o mag text hehehe
Iba iba din mga trip ng mga tao... ^^
Haha! Tama yan. Pareho tayong single since birth ;) pero hindi ako mahilig mag-text. Wala kasi akong cellphone eh haha. Kung meron man, hindi rin ako mambubulabog ng kung anu-ano para lang i-GM, sayang naman load, unless unli ka. =)Kanya kanya nga namang trip yan. Walang basagan. Haha!
ReplyDelete