Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

24 November 2012

Just My Opinion: Teen Pregnant Dolls on the loose?


Isang pasada lang sa isa sa mga naglabasang balita nitong mga nakaraang araw lang. Bagay na naka-agaw ng atensyon ko noong nakikinig ako sa isang programa sa isang istasyon ng radio nitong Biyernes ng umaga lamang.


Kamakailan ay naglabas ng matinding reaksyon ang National Youth Commission ukol sa isang laruan na hindi dapat ipinalabas sa merkado – ang manikang buntis na kung tawagin ay si Midge (ayon sa artikulo ng Manila Bulletin).

Aniya, isa raw itong masamang impluwensya sa merkado at sa mga mamimili. Sa isang eksklusibong ulat ni Jing Casatañeda ng newscast sa ABS-CBN na TV Patrol, may mga masamang mensahe na ipinapahiwatig ito sa sinumang tatangkilik nito.

Hmm.... teen pregnant dolls? Ano ‘to, panibagong pakulo ng mga negosyante? Agad ko itong hinanap sa internet, na-curious sa mga balita, at ultimo ang blog ng nanay-nanayan namin sa DF blog na itatago ko, este, sorry... ang pangalan pala niya ay mommyjoyce ay may take dito.

Bagay na sasang-ayon din ako kahit hindi ako taga-tangkilik ng mga anumang klase ng laruan sa ngayon.
Kung tutuusin, isa ito sa mga matitimbang na halimbawa sa isang totoong kasabihan na hindi lahat ng mga patok na bagay sa ngayon ay may katuturan o tama para sa ating kamalayan.

Mabenta nga siya, lalo na ngayong darating na ang Kapaskuhan. Pero tila may dala itong masamang impluwensya, lalo na sa panahon ngayon na ang daming mga bata ang nabubuntis sa murang edad lamang.
At sa halagang P120 para sa isang Teenage Pregnant beautiful? ‘Tol, nagugutom na ang anak mo, iyan pa ang nagawa mong atupagin?

Sabagay, kakaiba nga e. Ika nga ni Castañeda, mabentang-mabenta ngayon  na pang-regalo ang yung mga kakaiba. Well, tulad nung manyikang iyun.

At kung iko-quote ko ang blog ni naymj, sinusukukan lamang nito na i-raise ang awareness ang mga kabataan sa ganitong suliranin na buntisan sa murang edad. Social commentary ba.

Ah.. ganun? Sabgay, marami rin kasi sa kanila ang sabak lang ng sabak sa sex, pero pag nagkaaberya... ay, naloka na.

At oo nga pala, “laruan” lang pala ito no?

Ahh... laruan lang pala e. Pero alalahanin mo, na ang isa sa mga matitinding bagay na nakakapagpaimpluwensya sa isang bata ay ang mga laruan. Kaya ‘wag mo lang na ila-“lang” yan.
Pero still, hindi pa rin magandang ideya e.

Sources:
1 http://www.abs-cbnnews.com/video/lifestyle/11/22/12/excl-youth-commission-wants-'preggy-dolls'-recalled
2 http://definitelyfilipino.com/blog/2012/11/23/mga-manyikang-buntis-in-ba-or-out/
3 http://www.mb.com.ph/articles/382673/nyc-alarmed-over-proliferation-of-preggy-dolls#.ULA_4ORQHdQ
11:29 a.m. 11/24/2012
Author: slick master | (c) 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!