Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

21 November 2012

KKK (Kapabayaan, Kamangmangan, at Katangahan)

11/21/2012 01:20 AM 

Tama si dating Land Transportation Office (LTO) chief Alberto Suansing na 3 bagay ang kailangan ng tao para makaiwas sa mga sakuna sa kalye, lalo na yung mga sumasakay at nagmamaneho ng motorsiklo. Anu-ano ang mga ito? Disiplina, respeto at kurtesiya (o courtesy). 

Kung sa news item na binalita ni Shalala yan sa kanyang programa na Todo Bigay noong madaling araw ng Miyerkules, a-21 ng Nobyembre, taong 2012, ito ay pag-iwas sa Kapabayaan, Kamangmangan at Katangahan.

Tunog Katipunan a la “KKK” ba?

Actually, tama lang din e. Sino ba naman ang hindi mababahala o ni mauurat man lang sa mga balita na laging nagkakaroon ng aksidente sa daan?

At sa totoo lang, hindi lang sa kaso ng motorcycle-related and road accidents ito applicable. Maging sa pangakalahatan na aspeto ng buhay natin sa kasalukuyan. Oo lalo na ngayon, na usong-uso ang anumang kalokohan at kababawan sa lipunang ito, na repleksyon ng mundo sa pangkalahatan na aspeto.

Kapabayaan. Sa konteksto kasi ng aksidente sa kalye, marami ang mga harabas kung magmaneho, kaya laging nagkakaroon ng kaso na "reckless imprudence" eh. 

Isa pa - Maraming tao ang nagiging iresponsable sa kanilang ginagawa, mula sa trabaho, sa relasyon, sa mga sitwasyon na kinakailangan ng agarang lunas at aksyon, at ultimo pagdating sa sex. Isa sa mga pinakamalala at pinakamalaking kasalanan na nagagawa ng tao. Nang dahil sa kapabayaan, maraming bagay ang nasisira, buhay na napupunta sa alanganin, at kung mamalas-malasin pa – namamatay. Kaya, maging maingat sa mga kilos na ginagalawan.

Kamangmangan. Sa dami rin kasi ng motorista, hindi nila alam ang mga traffic signs, kung ano ang gagawin mo pag nag-dilaw na ang traffic light, at kung anu-ano pa. E teka, bakit nbga ba nagkaroon ng prebilehiyo ang mga bwakananginang mga mokong at lokang ito na magkaroon ng lisensya para magmaneho? Pambihira naman oh. 

Kamangmangan... oo, dapat iwas-iwasan na natin ang pagpapahalata na salat tayo sa kaalaman, maliban na lang kung talagang hindi mo alam ang gagawin. Ika nga ng kasabihan, “ignorance of the law excuses no one.” Ibig sabihin? Kahit sinong tao na mahina ang kukote pa yan, walang lusot pagdating sa batas. 

At lalo na sa panahon ng internet na mas pipiliin pa yata ng mga bata ang mag-dota o magbrowse sa internet sa umaga kesa sa mag-almusal at pumasok sa eskwela. Ika nga ni Lourd de Veyra sa klanyang congratulatory speech na dineliver nya para sa mga graduates ng UP Diliman noong Abril 22 nitong taon lang, “BAWAL MAGING TANGA. Nagtatampisaw tayo sa baha ng impormasyon.” At ito pa, “Sa mundong umaapaw sa datos, wala na tayong excuse maging mangmang.” 

Kung panay tanong ka na lang palagi dyan ng tanong pero wala ka namnag ginagawang hakbang pagakatapos, ito na lang ang tanging sagot naming dyan: IGMG. Ano ‘yan? I-Google Mo, GAGO! (Pero ‘wag magagalit kagad, kasama kasi talaga yan sa kanyang graduation speech at yan ang kahulugan ng acronym na iyan)

Katangahan. Kailangan pa bang i-memorize... este, i-esplika yan? Basic road safety at courtesy lang. Kung maiba naman ang usapan, eh... ‘tol, matanda na tayo. Alam na natin ang tama sa mali. 

Kung tutuusin nga, dapat self-explanatory na nga ito e. at kahit pa sa numero unong paksa ng usapan – ang pag-ibig. Sa totoo lang, hindi ako ganap na nainiwala na nagiging tanga ang isang tao pagdating sa pag-ibig. 

At pwede ba, huwag niyong isisi sa pag-ibig ang anumang kagaguhang nagawa mo? Nanahimik ang malinis na reputasyon nito oh, sipain kita diyan e. At oo nga pala, ito pa - hindi porket uso ang katanagahn e makikiuso ka na rin.

Hindi sa pagiging perfectionista ha? Ito lang kasi ang hirap diyan e, ika nga ni de Veyra, “iba ang impormasyon sa karunugan – ganap na talino at dunong.”

Pero sa kabilang banda, hindi na po uso ang dahilan na parang kanta lang ni Marlon Loonie Peroramas – Tao lang. Alam ko nagkakamali tayo ng ilang beses sa ating buhay, pero ika nga rin ng isang kasabihan, minsan ka magkamali ay ayos lang, pero kapag umulit ka pa sa parehong pagkakamali, e kapabayaan na, kamangmangan at kanatangan na iyan sa parte mo. Hindi mo kailangang magpakadalubhasa para at elast ma-minimize mo ang kasablayan mo sa buhay, ang pinakakailangan mo lang ay ang tinatawag na “sentido kumon.” Kung ‘di mo magets, nasa common sense lang yan.


Sources:


Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!