11/15/2012 09:26 AM
Hindi na bago ang mga ganitong klaseng insidente sa internet ngayon. Nagsilabasan ang mga tao na malalakas manghusga sa kani-kanilang kapwa na akala mo ay walang pinagkaiba sa kanilang pinaggagagawa.
And not to mention, isa na naman ito sa mga pauso ngayong taon na walang kaatorya-torya. Mga tipong nakakabobo ba.
Ito ang mga aral na dapat matutunan ng sinuman, hindi lang ng nakastigo ng mga netizens sa pangalan ni Paula Jamie Salvosa, ang lady security guard ng Light Rail Transit Line 2 Santolan Station na si Sharon Mae Casinas, ng video uploader na si Grgory Paulo Llamoso at ng lahat ng netizens na pumatol at pumanig sa kung saan-saan. Na…
- Ang level ng isang ordinaryong mamamayan na nakakapag-Facebook, Twitter, YouTube at kung ano pa ang kanyang mga account sa world wide web ay kahalintulad na sa mga celebrity na napapanood mo sa TV at pelikula, napapakinggan sa radio o ni ultimo yung mga nababasa mo sa mga pahayagan. Ibig sabihin, lahat tayo ay pantay-pantay na.
- Ika nga ng blog ni Lourd de Veyra nun na nailimbag sa librong This Is A Crazy Planets, “it takes only one – and only one loss – just one humiliating knockout, for the entire empire to crumble.” Anong konek? Siymepre, alamin mo. Ang lakas mong manghusga sa mga bagay-bagay pero ‘yang ganyang salita hindi mo maintindihan? ‘De. Ang punto niyan ay kayang patumbahin ng isang pagakakamali (as in isang katiting lang na kamalian) ang reputasyon ng isang tao. Kumbaga, ingat-ingat din kasi sa mga kinikilos.
- Hindi lahat ng mga nagrereact ay alam ang kanilang ginagawa. Yung iba diyan, pustahan – halatang nakikiuso lang. Mga feelingero at feelingerang affected lang. At hindi na bago ang mga “nakikiuso” mula sa advent ng FlipTop (na dumarami ang mga wannabe judge na ke luto daw ang laban pero wagas kung makademand), mga nagreact sa iba’t ibang mga kaso na tulad nitong AMALAYER na ito, (i.e. Ahcee Flores, Dislike video ni Jimmy, atbp.), at kung anu-ano pang mga pautot na trending sa internet. Kung tutuusin dapat nga ang mga tulad ko ay hindi na dapat magrereact e, pero dahil sa dumarami na naman ang mga umaasal na mga mangmang pagdating sa pagpatol ng mga isyu, e sorry na lang sila. Bakit? See next item.
- Mas may karapatan na magreact ang mga tao na nakasaksi sa insidente mismo. Sila ang mas nakakaalam ng pangyayari, sila ang mas nakakaalam ng kung ano ang tama at mali sa mga naganap. Ganun kasimple. Ika nga, don’t speak as if you know everything. Pero kung hindi makapagpigil, siguraduhin na alam mo ang iyong limit. Kung sa insidente lang ng video ang tinatalakay, doon lang pwede magbigay ng iyong take.
- Para sumikat ka, ‘wag mag-audition. Gumawa ng kaistupiduhan na bagay, tulad nun. (sabay lingon sa video) pero…
- Kahit sa advent ng citizen journalism, dapat umiiral pa rin ang “responsibilidad.” Buti na nga lang yung ilan sa mga newscast e nagawang i-blur ang pagmumukha ng taong gumawa ng kalokohan e. Kasi alam nila na isang malaking sampal sa kanila yan kapag nilantad nila yun. Ano pa ba ang silbi ng tinatawag na “media ethics” sa kanila kung ganun? At buti nga may nagce-censures kahit papaano e. Kadalasan kasi sa mainstream e… alam niyo na. At kahit na rin pala sa social networking, dumarami ang mga balatuba. Nga pala, additional lang din sa item na ito, matutong maglagay ng applicable na pamagat. Yung may aakmang salita sa content nito. Paano mo masasabi na “rude passeneger” siya sa LRT? E wala nga sa tren mismo ang setting? Paano kung may hinihintay lang pala na tao? Rude passenger ba na maituturing porket siya ay nasa vicinity ng Santolan Station ng LRT? My goodness!
- Kung ayaw mong may sungitan ka, ‘wag kang magtrabaho o gumala. Bakit? Makakapangdamay ka pa ng ibang tao sa pagkakaroon mo ng bad vibes. Kawawa naman sila.
- Hindi porket nagka-TRO na ang cybercrime law e tuloy-tuloy kayo sa pangsa-cyber-bully niyo. Palibhasa hindi niyo alam kung ano ang pakiramdam ng taong nabully na ni minsan sa internet. Pero teka, masisi ba natin ang social media? Sa panahon ngayon, hindi na rin e. Dumarami man ang tao e iba-iba rin kasi tayo ng pag-unawa sa kada problema o mga balitang nakikita e. Ayos lang sana e, kaso dumarami din ang mga asal-gago.
- Bago ka tumawag ng "foul," isipin mo muna kung ano ang nagawa mo, dahil usong-uso pa naman ang tinatawag na “instant digital karma.” Self-explanatory, marami na nga ang nasampulan niyan e.Kailangan pa ba mag-drop ng mga pangalan?
- Wala kaming pakialam kung edukado ka o kung saan eskwelahan ka galing. So the fuck what kung may pinag-aralan ka, o mas nagsasalita ka ng Ingles kesa sa amin? E slang naman! Alalahanin mo, hindi lahat ng edukado ay matitino at hindi lahat ng matitino ay mataas ang pinag-aralan. Parang ito lang, “aanhin mo ang edukasyon kung mas ang tao namang ito ay mas masahol pa sa hayop?” Uso ang manners, pare at mare, unless kung balahura siya mag-approach sa iyo, dyan lang applicable ang maging straightforward. At speaking of English, ito lang yan e.
- Bago ka manghusga, siguraduhin mo na kaya mong magsalita ng tama. Alamin ang tamang pronunciation sa mga bawat salita. At alamin rin pala ang tamang grammatika. Oo titira-tira ka pa ng AMALAYER dyan, e spell mo nga ang salitang LIAR? Baka hindi mo pa magawa. Siraulo ka pala e!
- At bago ka rin pala manghusga, siguraduhin mo na hindi ka rin tulad niya. Dahil kung ganun lang din ang gawain mo sa kada istasyon ng LRT o sa kung saang establisyamento pa iyan, e wala ka rin palang pinagkaiba sa kanya e. Kung gago siya, e mas gago ka naman! Worse? Ipokrito ka. Huwag magmalinis na parang isa kang banal na tao.
- Matuto manghusga ng tama. Tutal hindi naman applicable ang kasabihan na “Don’t judge the book by its cover.” At madalas sa mga pagkakataon ay mahihilig tayo mag-overthink kaagad sa mga kaso na tulad nito. Absent na ang tinatawag na “benefir of the doubt.” (Sabagay, uso pa ba yun sa advent ng mga videos na lumalabas sa YouTube?)Di ba nga may kasabihan din nun na laging binabanggit ng mga tulad ni Papa Jack, na kayang sirain ng isang pagkakamali ang pagkatao mo at makalimutan ng mga yun ang sampung tama na nagawa mo? Pero ito lang yan e, kung marunong kang manghusga ng tama, hindi ka dededepende sa mga negatibong bagay o sa isang panig lang. Titimbangin mo ang mga ito , pag-aaralan at doon ka matuto kung paano gumawa ng tinatawag na “constructive criticism.”
- At sa kada usapin na tulad nito, uso ang mag-move on, lalo na kung wala naman talagang kwenta ang pinag-uusapan… tulad ng AMALAYER na iyan. Sa totoo lang, eberiwansalayer… este, everyone’s a liar naman ha. Ops, ulit… ‘Wag magmalinis. Sabunin kita dyan e.
Yan ha? Okay lang tawanan ang problema (minsan lang din naman yan e) pero natuto naman sana tayo.
(This article was posted at the community blog site Definitely Filipino dated November 15, 2012.)
(This article was posted at the community blog site Definitely Filipino dated November 15, 2012.)
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions
Ang dami ko ng nabasa tungkol kay AMALAYER pero binasa ko pa rin ito... iba rin kasi ang pagkakasulat mo hehehe
ReplyDeleteSana maka move on na ang lahat.... hanggang ngayon yata napag uusapan pa rin siya...
Isa itong lesson para sa lahat...
salamat sa pagbasa at pag-appreciate po nito. Tama po kayo, dapat magtanda na ang tayo. Nakakgulat nga lang kasi ang init ng feedback nito sa aking version sa Definitely Filipino blog. pero etiher way kasi, for me, hindi lang ang gwardya at ang naging OA na estudyante ang may mga malalaking pagkakasala dito e. kundi pati na rin ang mga tao na pumatol. Lahat nga may karapatan na magreact sa mgha pangyayari sa lipunang ginagawlaan nila pero kung panay death threat, personal na tirada lang ang sasabihin ng mga 'to, wala silang karapatan.
Delete