11/05/2012, 10:50 AM
“Sila sila na lang!” Yan ang litanya ng magulang ko, at pati
na rin ng ilang mga mamamayan na maalam sa mga maiinit na balita ukol sa
magaganap na Midterm Elections sa Mayo 13, 2013.
Ano ba yan? Parang sila na lang ang magkakalaban at
magkakapartido sa darating na halalan ha?
Oo nga e. Sino o sinu-sino ba ang mag-aakala sa ganito? Ang
tatakbong mayor ay anak ni congressman? Yung asawa ni mayor, kakalabanin naman
ang kabilang partido na tatakbo naming congessman? O gobernador, city councilor?
Palibhasa may pangalan at kamag-anak na sa nasabing larangan e.
Pero matagal na kaya ang isyu ng political dynasty sa bansa.
Oo, since time in memorial, p’re’t mare. Usong-uso na mula sa mga lungsod, at
mas talamak pa nga ito sa mga probinsya. May mga pagkakataon pa nga na minsan,
kung sino pa ang magkakadugo, sila pa ang magkakatunggali. E alam mo naman ang
kalakaran d’yan. Sa ngalan ng kapangyarihan, may mga tao talaga na hahamakin
ang lahat, makuha ang puwestong hinahangad.
At teka, ang pagkakaalam ko ay may tinakdang alintuntunin sa
ating saligang batas na nagbabawal sa ganyan ha? Ika nga…
The state shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may defined by law.
Iyun naman pala e. BAWAL, sa madaling sabi.
Pero ang sey naman nila dyan, “eh ang tao (mamamayan) din
ang nagluluklok sa amin dito e.”
Hmmm… oo nga naman, ano? Tayo din kasi ang may kasalanan sa
ganito, kaya ‘wag tayo basta reklamo ng reklamo. Kung tayo ay nagpauto sa mga patutsada
ng pulitko, e talagang masasabi na tanga tayo. O kung mas partikular (dahil
hindi tayo pwede na humusga sa pangkalahatan ng basta-basta lang), tanga ang
karamihan sa mga botante. Sobrang laya ba kamo?
Pero may makikipagtalo diyan. Eh kasi sila na lang ang nasa
listahan ng kandidato e. Kapag hindi naman tayo bumoto, wala rin naman tayong
karapatang magreklamo.
Pero dahil sadyang pasaway tayo sa sobrang laya natin, buti
kamo naiisip mo pa ang ganyan, ‘no?
‘De. Ang punto kasi dito ay kung may mga pulitko naman diyan
na maprinsipyo sa mata natin, yung tipong makakatulong talaga sa pag-unlad ng
lupang kinatitirikan natin, e yun ang dapat iboto. Bagamat ang masaklap na
realidad lang kasi ay may mga tao din na may ganung kalidad, as in kwalipikado
siya talaga… pero dahil sa pangalan o reputasyon ng mga kaanak nya sa pulitika,
e talagang mapupunta siya sa alanganin sa ayaw at sa gusto niya. Bawal ang
political dynasty e. May magagawa ba siya?
Meron actually, yan ay kung kaya pa niya maibaligtad ang
ikot ng mundo. I mean, iwaksi ang tila stigma sa isyu ng dinastiyang pultikal.
At paano mangyayari iyun? Maghintay siya na dumating ang panahon na siya na
lang ang tatakbo sa ngalan ng angkan niya. ‘Wag yung tipo na ang erpat niya,
tatakong senador; ermat naman niya, kongresista; tapos ang utol niya, vice
mayor; habang siya ay plano
naman sa pagiging alkade ng lungsod. As in all of the same time. Masyado naman
tayong gahaman niyan.
One at a time lang, mga ma’am at sir. Alam ko gusto niyo
maglingkod sa taumbayan pero bilang respeto na rin sa saligang-batas, sundin
naman natin yun.
Author slickmaster | © 2012 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!