11/19/2012 09:57 AM
“Hoy, hoy, hoy! Mister Kenkoy, bakit ka nangangamoy? Hoy, hoy, hoy, Mister Kenkoy! Ikaw ay nangangamoy kenkoy!”
Ang nasabing linya ay halaw mula sa (circa) 1976 na kanta ni Mike Hanopol - ang “Mr. Kenkoy.” Lumabas ito sa
kanyang iba’t ibang mga compilation of hits album.
Isang kanta na sumasalamin sa kabulukan ng isang tao sa
kanyang lipunang ginagalawan. Halaw sa impluwensya ng isang komikal na tauhan
sa pahayagan ang salitang “Kenkoy.”
Unang lumabas ang salitang ito bilang monicker ng isang
cartoon character na nilikha nila Romualdo Ramos, isang batikang manunulat at
ng isang cartoonist na si Antonio “Tony” Velasquez noong 1929 na nagngangala’y
Francisco “Kenkoy” Harabas, at tinaguriang unang tunay na pop icon ng Pilipino.
Ang ibig sabihin ng naturang salita ay isang nakakatawang tao, as in “joker” o “jester”
ba.
Pero hindi lang sa patawa ang pinakapatutsada ng antigong kanta
na ito, dahil kung maalala niyo ang panahon ng dekada ’70, ito ay ang panahon
na nagsisilabasan ang mga mga palabas at kanta na may mala-pulitikang tema. Isa
ang Mr. Kenkoy sa mga ito, at makikita ito sa lyrics niya.
At mapahanggang ngayon, applicable pa rin ang kantang ito. Dahil
marami pa rin ang mga umaastang kenkoy sa lipunang ito. Siya, ako, ikaw, tayong
lahat (maliban na lang kung ikaw ay likas na malinis ang budhi at sadyang napakaseryosong
tao). Pero matinong usapan ba? Marami diyan.
Mula sa mga nagpapakatanga sa mainstream para lang sumikat;
mga pulitikong mandarambong; mga mababango ang dila pero ang babaho naman ng
mga motibo sa buhay; mga nagtatago ng kanya-kanyang mga kagaguhang nagawa sa
kapwa man at/o sa lipunan, ke isa kang ordinaryong nilalang o kilala sa
lipunang ginagalawan; mga nasobrahan sa pagtakas sa problema ng kanyang
realidad; mga nasobrahan sa pakapalan ng mukha; mga nasobrahan sa kaalalaman; mga
backstabber, hipokrito’t epal at kung anu-ano pang mga kabullshitang nagaganap
sa ngayon, isama mo na dyan ang gumagawa ng mga lata-na-hangin-lang-ang-laman
sa mainstream.
Pero mas patama ito
sa mga nangyayari sa pulitika e. Hindi na kailangang ipaliwanag, andyan na
nga sila sa mga papoging streamer nila pati na rin sa mga headlines ng pambalitaan.
Hindi pa ba sapat iyun?
Ay, ewan. Basta, sila… kenkoy. Ito na lang ang sa kanila. (sabay
pinatugtog ang kantang Mr. Kenkoy ni Mike Hanopol, sabay nasa full volume
pagdating sa chours)
“Hoy, hoy, hoy! Mister
Kenkoy, bakit ka ngangamoy? Hoy, hoy, hoy, Mister Kenkoy! Ikaw ay nangangamoy
kenkoy!”
Tamaan nga naman sana ng lintik ang mga ‘to para matuahan,
ano?
P.S. Pasalamat nga ako sa kantang ito dahil dito ko nalaman
ang salitang “switik.”
REFERENCES:
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!