Sa
pang-apat na pagkakaton sa kasaysayan ng boxing, dalawang mama na naman ang
makikipagtunggalian sa isa’t isa. Isang parte na naman ng epiko ito dahil sa,
as usual na rivalry sa pagitan ng bansang Pilipinas at Mexico – ang labananang
Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez 4.
At sa halos
lahat ng mga karibal ni Pacman sa boxing rin, ito ang isa sa mga
pinakamatimbang sa lahat – dahil ito ay laging nagiging parte ng maiinit na
balita. Oo, kontorbersyal nga.
Pero bakit
nga ba naging ganun?
Dahil
umangal ang Mehikanong boksingero matapos siyang matalo sa pambansang kamao? Not
just once, but twice?
Dahil din
ba naging draw ang resulta ng isa sa mga laban nila nun kahit ilang beses na
napatumba ni Manny sa canvas si JuanMa?
Hmm... sa
kartada bago ang ika-apat na duelo ng dalwang ito e, may dalawang panalo kay
Pacquiao, habang hindi pa nakakaiskor ng panalo sa nasabing trilogy si JuanMa. Pero
sa kabilang banda, ang draw ang nakapagpasira ng record ni Pacquiao sa
tunggaliang ito.
At take
note, sa huling laban ng dalawang ito, nanalo si Manny Pacquiao – kahit taliwas
ito sa nakikita ng karamihan. Kung maalala niyo kasi e hindi rin maitatanggi na
mas lumabas ang kalakasan ni Juan Manuel Marquez sa labang ito via majority
decision. Pero bakit nga ba siya nanalo? At sa mala-kontrobersyal na pamamaraan
na naman ito naganap?
Hindi ba
tanggap ng tao ang kartada ng mga husgado? (114-all kay Robert Doyle, 115-113
at 116-112 mula kila Dave Moretti at Glenn Throwbridge – in favour kay Pacman)
Kung ang
sports media kasi na nagcover ng laban ang pagbabasehan, dapat daw ay si
Marquez ang panalo.
Sa sobrang
badtrip nga ng nakararami e naging trending ito sa Twitter. At ang mga
Meksikanong mamamayan na nanood sa Las Vegas nun? Ayun, sobrang badtrip lang
nila na winagayway pa nga ng isa ang kaniyang gitnang daliri sa harap ng press.
At kahit
ang ilang mga Pinoy na nakasaksi sa laban na yun ay hindi makaget-over sa
resulta nito. Aniya, dapat raw nanalo si Marquez nun.
At diyan
din na-uso ang pagiging instant sports analyst ng karamihan. Nagiging aware
sila sa mga naganap nun. Sobrang awareness nga lang kasi kahit tapos na ang
isyu e pilit pa rin nilang pinag-uusapan ito. Ke... “Luto raw ang laban.”
Ganun? Sabagay,
noong mga nagdaang taon din kasi e nasanay tayo sa mga laban ni Manny Pacquiao
na panay pabor na pabor sa kanya ang resulta? Yung tipong nagnanaknak na ang
mukha ng kanyang mga kalaban. Yung tipong nanana-knock-out niya tulad ng ginawa
niya kila Miguel Cotto, Oscar Dela Hoya at Ricky Hatton. Noong panahon na
bato-bato na ang mga nakakabangga ni Pacquaio tulad ni Joshua Clottey hanggang
sa kontrobersyal na pagkatalo kay Timothy Bradley e parang unti-unti nang
lumamya ang performance ni Pacquiao para sa atin.
Hmm... ganun?
So ang lumabalas e tumaas na rin ba ang ekspektasyon natin sa mga laban ni
Pacquiao, tama ba? Kaya tulad ng kasabihan na “too much expectation can lead to
disappointments,” e ganun nga ang nangyari sa malayang demokratikong lipunan na
sumusubaybay sa laban ni Manny?
Kaya ito
lang naman ang mga napapansin ko na katanungan pagdating bukas, a-9 ng
Disyembre, 2012 oras sa Pilipinas:
Titigil na
naman ba ang takbo ng mundo ng karamihan sa mga Pinoy, mula sa mga trapiko sa
kalsada hanggang sa mga crime rate?
Magiging “instant
boxing analyst” na naman ba ang mga tao nito? (sabagay, walang masama dun. In
fact, ito ang kagandahan sa isang demokrasya. Ika nga ng isang EP ng Word Of
The Lourd, “lahat may kanyang kuro-kuro.")
O magiging
interesado pa ba ang taumbayan sa kabila ng mga naglalakihang streamer at
pakulo na may kinalaman sa labanang Pacuqiao-Marquez IV? Kung papansin kasi e
hanggang trilogy lang tumatagal ang karamihan sa boxing. Ilang dekada na nga
yata mula noong huling nakasaksi ang mundo ng matinding rivalry sa boxing. Kung
hindi pa ako nagkakamali nun ay 5 serye pa ito umabot.
Ay, ewan ko
lang ha.
07:44 p.m.,
12/08/2012
Author:
slick master | (c) 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!