Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

24 December 2012

Does the world really need LOVE?


Sarap lang minsan makinig ng lumang kanta, lalo na papalapit na ang pasko, parang itong mga kataga mula sa Jackson 5 na “Give Love on Christmas Day.”

“But the world needs is love, yes the world needs your love…”

Isang tanong na napakadaling sagutin, pero mahirap ding patunayan (sa madaling salita, KUMPLIKADO pa rin). Kailangan ba talaga ng PAG-IBIG sa mundong ito?

Parang mas naiisip ko pa na ang pinakahiling ng karamihan sa mundo, maliban pa sa mga bonggang-bagong mga imbensyon, ay ang kapayapaan. Ika nga, What is my wish for Christmas… is world peace.

Pero… Pag-ibig? Kailangan ba talaga natin niyan?


Sa panahon ngayon na nagkakagiriian ang ilang mga bansa, nagkakawatak-watak ang mga samahan, nasisira ang relasyon (ke lovelife man yan o hindi), nagbabago ang kutura ng pamumuhay… OO naman. Kailangan talaga ng pagmamahal sa sinuman.

Pero ‘di ba, ang pag-ibig din kasi ang nagiging ugat kung bakit may mangilan-ngilan na kaso ng karahasan? Kung bakit marami rin ang naiispoiled na bata, imbes na mag-aral sa eskwela, e pinag-aaralan ang mga laro at application sa iPad at kung ano pang mga modernong makamundong bagay pa na iyan.

Kunsabagay, kapag lumabis kasi ang tao sa isang bagay, kahit anong kagandahan pa ang nilalaman at intension nito, nagiging masama pa rin. Oo, kahit sa apeto pa ng pag-ibig. Yan rin kasi ang hirap sa tao na hindi marunong makuntento sa isa, matuto sa kanyang mga tiwala’t salita, at kung ano pa na sumosobra na.

Yun nga lang, hindi ganun kalinaw ang pamantayan dyan. Kung kelan nagiging obsessed ang tao sa isang bagay na mahal niya.

Pero, does the world really need love? Oo naman, isipin mo kung walang pag-ibig sa mundong ito. Panay masasama at makamundong bagay na lang ang namamayagpag. Ewan ko lang kung mabubuhay ka pa sa dami ng mga gahaman at insekyurang mga nilalang diyan.

Isipin mo na lang kung ang mundo ay puno ng pagmamahal sa kapwa. Lahat ay at peace, nagkakaunawaan. Nag-aaway man sa pagkakaiba ng mga interes, pero sa bandang huli, nagkakasundo. Parang gusto mo na lang na humiga sa langit dahil sa sobrang kumportable.

Madaling humiling at magsabi ng mga bagay na kailangan natin ‘no? Kung masali lang sana natin maabot iyan.

11/11/2012, 09:52 a.m.
Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions
Follow slickmaster on Twitter at http://www.twitter.com/slickmasterph
Like him up on Facebook at http://www.facebook.com/theslickmaster28

1 comment:

  1. Nagsisimula din kasi yan, Pag may self-love ka, contentment sa sarili mo, then everything follows. Karamihan sa mga nilalang ay, hindi lang talaga alam ang unconditional love, mapa lovelife, friendship or family. Parang lahat na lang kelangan ng kapalit, mataas na expectations and sometimes, just the lack of attention from other people. These may lead you to wrong love, or mistaken as love, nagiging obsessed, and obsession is not love, it's selfishness. :)

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!