12/25/2012 07:00 PM
(Alternate title: "Book Review: Stanley Chi's POGI POINTS the not-so-gentleman’s guide to looking good")
DISCLAIMER: This blog
is not directly promoting the book of Stanley
Chi which is entitled POGI POINTS the not-so-gentleman’s guide to looking good. The write-up actually is just a way of
expressing the author’s great (as in super great) impact infused and influenced
by the said book, just as similar to those “testimonial” remarks on
advertisements and commercials.
Aminado ako na lately lang ako nahilig sa pagbabasa ng
libro, at ang kadalsang tema na trip ko ay ang mga may halong kwela at may
kaatorya-toryang mga nilalaman (o kung tawagin ay ang “may sense”), mula sa mga
maiinit na pahayg ni Lourd de Veyra hanggang sa mga pagsagot ni Ramon Bautista
sa mga tanong sa kanyang Formspring.
Ni hindi ko nga alam kung sino ba itong si Stanley Chi na
ito e hanggang sa minsan napa-akyat ako sa stage sa isang book launch ni Ramon
Bautista para sa isang patimpalak nun na sad to say e nanalo ako (pero
siyempre, joke lang yun),
Hanggang sa inanunsyo niya pagkatapos ng event nay un na may
book launch siya, at ang kanyang pinakalatest na akda? Ay ang POGI POINTS.
Teka, ano nga ba itong POGI POINTS na ito?
Ilang araw bago ang book launch niya (at sakto na payday ko
nun) ay agad akong tumungo sa isang bookstore at bumili ng librong iyun.
POGI POINTS, the
not-so-gentleman’s guide to looking good. Sapul ba ako, porket isa akong
“not-so-gentleman” (baka mas akma pa sa akin ang terminong “gentle-mean” eh) na
nilalang?
Isang upuan ko nga lang nito e tapos ko nang basahin nag
mahigit isang daan (at something) na pahina ng naturang libro e. Basta, ang
pagkakaalam ko lang nun ay halos ibang-iba ang dating niya kung ikukumapra sa
kanyang mga naunang aklat na Suplado Tips.
Ang iilan na nakatulong sa akin actually ay ang mga
sumusunod:
- Kung may nililigawan ka, huwag mo na siyang bolahin. Sabihin mo na yung totoo para hindo mo na sinasayang ang oras niya. Amtutuwa pa siya sa’yo!
- Kung may kasalanan ka sa kanya, aminin mo na! Mas mapapatwad pa ka pa niya!
- Kung hindi ka pogi, idaan mo sa bait!
- Kung hindi bagay sa iyo ang hairstyle, huwag mo nang pilitin. Baka magsisi ka lang!
- Kung hindi ka niya type, ok lang yan. Isipin mo na lang… “It’s her loss, not mine1”
- Ang mga salitang “Babe,” “Honey,” at “Sweetie,” ay makamandag. Use it wisely para iwasa paasa!
- Ang gwapo at pogi ay parang lalake at bading; parehong may etits kaso magkaiba pa rin.
- Hindi porket na-friendzone ka, magmumukmok ka na; isipin mo na lang, na tataba din siya!
- Being pogi isa a choice… kung ayaw mong maging pogi, eh ‘di huwag!
- Manyak – Manyakis; Gentleman – Mahiyain na Malibog; Gentlemanyak – maginoong Manyak
- Huwag
mag-expect, para hindi ka magmukhang feeling!
Well, iilan lang yan sa sandamukal na nilalaman ng mga libro
niya. Maliban pa diyan ang may mga nilalaman pa siya na sari-saring kwentong
makwela, nilalaman ukol sa mga kalalakihan, at iba pa na nakaka-agaw ng pansin
para sa mga babae, turn on man o turn off.
Sandali ko lang nakadaupang-palad ang awtor na si Stanley
Chi sa kanyang book launch ng POGI POINTS noong Disymebre a-1 sa Shangrila-Mall
branch ng National Book Store (sa dami ba naman namin na nagpa-autograph ng
libro sa kanya e.); at naalala ko nga na ipi-feature ko sa mga blog ko ang mga
librong tulad ito.
Kung ako ang tatanungin, ayos din ang nilalaman nito ha? Seryoso, ]walang halong biro. Pa’no
nga ba naging malupit na libro ito para sa akin? Una, kung uunawain mo ang diwa
ng mga binabasa mo. Kung tama rin at akma ito sa personalidad mo, e di sakto.
Gamitin mo. Hindi siya parang “nagpa-impluwensya” o “nagpasakop” ang dating.
Ganyan ang nangyari sa akin.
Basta, may matinding factor ang librong ito para sa akin.
Maliban pa kasi dun e may dinate pa ako na babae kaya sakto ang timing para sa
akin ang librong ito. Pero hindi “pretending” ang peg ha?
Nalupitan lang ako kay Stanley Chi. At dahil diyan, hindi
man ako totally good-looking sa mata ng nakararami (unless kung nakilala mo ko
sa personal tulad ng mga tropa kong blogger sa Definitely Filipino), e…. ayun
na. Matindi lang ang naging epekto nito sa buhay ko. Parang naging matinong
nilalang tuloy ako nito, lalo na pag kaharap ko ang mga tao (at lalo na ang
babaeng dine-date ko dati na girlfriend ko na ngayon).
Ayun. so, saludo ako kay Stanley Chi para sa librong ito.
Final verdict: 4 and ¾ stars out of 5.
Stanley Chi’s book
POGI POINTS is a book published by PSICOM Publishing, Inc.
All the mentioned
bulleted excerpts in this blog are courtesy from the book of Stanley Chi which is entitled POGI POINTS.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!