“’di bale nang masungit o suplado, kesa naman sa laging inaabuso
o naaagrabyado.”
Parang mas okay pa ang maging prangkang nilalang,
straightforward, maangas na kala mo ay isang siga kesa sa pagiging anghel palagi
(yung tipong “hindi makabasag-pinggan” ba), o kung sa mata ng mga romantiko e “gentleman,”
at underdog ang effect. At by the way, hindi ito usapin ng pagkakaroon ng “pleasing
personality,” ha? Iba yun.
Bakit kanyo? Simple lang.
Nakakasawa na rin ang pagiging
mabait e. Pakakasawa in a sense na mapapatanong ka na lang sa sarili mo habang
nagmumuni-muni ka mag-isa sa isang sulok ng kwarto mo, o pag nakatingin ka sa
salamin (na hopefully e hindi mabasag sa isang sulyap mo lang). Parang….Bakit nga ba ganito ang iilang mga tao, ano? Kapag mabait ang nakakasalamuha nila, inaabuso ang kabaitan nila. Pero kapag sumabog ito (yung tipong napuno na. Come on, kala mo porket mabait e hindi siya nauubusan din ng tinatawag na “pasensya?”), parang lintik ang mga kumag na hahanap at gagawa ng butas para lang siraan siya. Palibhasa mas tumatatak pa sa isipan ng mga ‘to ang mga negatibong bagay kesa sa mga magagandang nagawa.
Ano ‘to? Ganito na ba kakakitid ang utak ng mga mokong na ‘to?
Sa totoo lang… ang inyong lingkod ay ilang beses nang nagging
biktima ng ganitong pagkakataon. Pag nice guy ka, parang wala kang puwang sa
mundong ito. Lagi kang nagiging butt ng jokes. In short, binu-bully. At bakit
ganun ang nangyayari sa akin?
Wala e. Likas kasi na mabait ako e.
At maliban pa sa naranasan ko e ganyan din ang naoobserbahan
ko sa lipunang ito. Madalas pa kamo nabibiktima ang mga taong walang
kamuwang-muwang. Yung mga mukhang mabait. Kawawa naman tong mga ‘to, bagamat
kung sa kabilang band aka titingin – yung tipong perfectionista ang punto de vista
mo – e mabibira mo pa sila na mga “tatanga-tanga.” Oo, tatanga-tanga kasing
yan.
Ito pa, kapag dinaan sa diplomasya, hindi ka pakikinggan. Pero 'pag dinaan sa dahas, sila pa ang may ganang magreklamo. Ni hindi sinubukan na intindihin ang mga bagay-bagay bago umangal? Sapatusin ko kaya ang mga bunganga nito?
Ito pa, kapag dinaan sa diplomasya, hindi ka pakikinggan. Pero 'pag dinaan sa dahas, sila pa ang may ganang magreklamo. Ni hindi sinubukan na intindihin ang mga bagay-bagay bago umangal? Sapatusin ko kaya ang mga bunganga nito?
Ang mas masaklap diyan, kung sa pag-ibig pa ang usapan,
dalawang bagay lang yan: mape-friendzone ka dahil sa sobra mong kabaitan, o
lolokohin ka lang ng jowa mo balang araw (oo, pag dating ng panahon na sa
sobrang pagiging mabait mo e mauumay na siya) – well, maliban na nga lang kung
sadyang matinong nilalang din ang partner mo.
Kaya minsan, sabi ko na lang ay “tama na ang pagiging
ganito. Hindi tayo isasalba ng karma mula sa itaas kung tayo mismo e hindi rin matututo
at magtatanda. Kung kailangang gumanti, e ‘di gawin!” At hindi ko sinasabi ‘to
para magkaroon ng away, ha? Ang punto kasi dito e kelangan din malaman ng mga
abusadong ‘to na hindi tayo basta-basta tao lamang. Oo, hindi nga ako
ipinanganak para mangagrabya ng kapwa ko, pero hindi rin ako namuhay sa mundong
ito para tapak-tapakan lang ng mga mukhang paa na mga asungot, este, abusadong
nilalang na tulad ng mga ‘to.
At bakit ganun na lang ang pananaw ko, na alam ko may bibira
dyan na sobrang taliwas sa nakararami ang anumang paniniwala ko sa puntong ito?
May kasabihan, “nice guys finishes last.” At uso kasi ngayon
ang mga tipo na agresibong lalake. Aggressive in what? Well, alam niyo na yun,
liberated na rin kahit papaano ang kaisipan ng mayorya e.
At ika nga ni Stanley Chi sa kanyang librong POGI POINTS, “Kung masaydo kang good boy, iisipin nilang
nagpapanggap ka o madali kang mauto! Either way, talo ka.” Ano ibig sabihin
nito? Ang sobrang kabaitan ay nakakasama rin pala.
Kaya minsan, pa entrance-exit na lang ang mga salita ng
sermon ng ermat ko sa tenga ko kapag napansin niya na maangas na ako kung
umasta. Katulad na nga lang ng sinabi ko kanina, ‘di bale nang suplado, kesa naman sa laging naagrabyado.
At how I wish na maintindihan ng mga tao yan mula sa akin.
Kaya kung napapansin niyo na ganito ako kaangas ang asta ko
ke sa personal man o sa harap ng modernong teknolohiya (na minsan e
napapagkamalan pa akong nawawalang utol ng Tulfo brothers ayon sa aking Ate
Dhors sa DFBI), e at least alam niyo na ang dahilan.
02:58 p.m. 27/12/2012
Author: slick master | © 2012 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!