New Year’s Resolution?! Uso pa ba iyun?
Uso yan, kung ikaw ay estudyante ka pa lang sa elementarya,
tulad namin noon. Kapag unang araw ng klase sa buwan ng enero nun, ang panuto
ng adviser-slash-homeroom titser namin ay “get one whole sheet of paper, and
write your new year’s resolution.”
Patay. Ako pa naman nun e speechless pagdating s mga new
year’s resolution. E kung sa wala maisip e. besides, ano bang babaguhin ko sa
sarili nun? Maliban pa sa matinong bata namana ko nung mga araw na iyun (pero
average student nga lang)? Tsk.
At pagdaan ng taon, kung kelan naman may naiisip akong
baguhin sa aking sarili nun, (yun ang tulad ng mga sumusunod: maging maangas,
i-minimize kahit papano ang magmura, magtipid, kumain ng marami, manala ng
kaibigan dahil naglilipanan sa network ko ang mga “plastik” na nilalang,
mag-aral, huwag basta magpadala sa bugso ng emosyon, at iba pa) saka ko naman
hindi naisusulat ang new year’s resolution ko. Nasa utak ko na lang ang mga
iyan, pero mas naisasagawa ko naman kesa sa mala-planadong pagbabago.
Sa totoo lang, isa sa nakakatawang parte ng ating buhay ay
ito – gagawa ang isang tao ng new year’s resolution para sa darating na bagong taon
(siyempre), pero wala pa nga sa kagaitnaan ng taon e hindi naman niya
naisasakatuparan ito. Hindi nasu-sustain o nagiging “inconsistent” ang mga
salitang plinano. Anyare?
Kaya ang dating e parang hanggang plano lang ang karamihan sa mga tao na
gumagawa nito. (Hindi naman siguro lahat ng tao ay ganyan ano? I mean may mga
tao rin naman na nagagawa nila ang mga resolusyon nila.)
Siguro, bago nila alisin ang bisyo nila (legal man o bawal),
magpayaman, magpa-sexy (o magpa-chubby), maging matinong
kaibigan/asawa/anak/kapitbahay sa kanilang kapwa, e ito ang dapat nila maikunsidera
bago gumawa ng new year’s resolution: DISIPLINA sa sarili. Dahil kung gusto nga
ng pagbabago ng isang tao sa sarili niya e dapat matuto siya kung paano
kumontrol sa kanyang sarili.
Maganda nga naman ang may plano ka sa iyong sarili sa mga bagay-bagay
na may nais kang baguhin. At least may ideya ka kung paano mo siya isasagawa,
‘di ba?
Pero alalahanin mo – ang pagbabago ay mas maganda kung
idinadaan ito sa gawa kesa sa salita. Oo, isinasagawa nga kesa sa tahasanag
paglalahad tulad ng isinusulat lang sa papel, gini-GM sa text, tini-tweet o
ginagawang status sa Facebook.
Dahil hindi mo ginawa ang mga yan at bagkus e wala naming
pagbabagong naganap sa iyo sa paglipas ng taon, tatlong salita ang tiyak na
possibleng tatama sa iyo pabalik: mayabang, hanggang salita, o hipokrito ka
pala e.
Kaya… New Year’s Resolution? Tigil niyo na yan!
Pero kung gagawa ka pa rin niyan, e siguraduhin mo lang na
magbabago ka talaga ha?
09:39 a.m., 31/12/2012
Author: slick master | © 2012 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!