Sinasabi na
sa Disyembre 21, 2012 magkakaroon ng mala-apokaliptong kaganapan sa mundo. Kung
iba ang tatanungin, magugunaw daw ang mundo.
Hmmm.... ano
na namang kabalbalan ito?
Kabalbalan ba
kamo? May mga patunay raw, na base sa siyensa at relihiyon.
Ayon sa mga
propesiya ng mga Mayan, nakatakda na magtatapos ang kanilang kalendaryo sa ika-21
ng Disyembre 21, 2012. Pinag-aralan ng nasabing sibilisasyon ang mga
bagay-bagay ayon sa siklo ng araw.
Isa naman
sa mga prediksyon ay ang mga nagaganap na kalamidad. Mula sa hurricane sa
bansang Amerika hanggang sa matinding pagyanig sa Japan, at sa mga matitinding
pananalasa ng mga kalamidad sa iba’t ibang panig ng mundo kasama na ang
Pilipinas.
Isa pa? Ang
mga prediksyon mula sa Merlin, ang libro ng Revelation sa Bibliya, at ang
Chinese oracle na I Ching na nagpapahiwatig ng kung kelan magtatapos ang
panahon ng sibilisasyon.
Hmmm...
ganun?
Meron pa. Ang
mga hula ni Nostradamus.
O, ano
naman meron dun?
Marami kasing
nagawa na mga propesiya si Nostradamus. Andiyan ang mga posibilidad ng mga
paghhasik ng lagim, ke digmaan man at kalamidad ang usapan, ang mga bagay na
nangyayari sa kasalukuyan.**
Pero....
teka muna. Di ba dati may mga hula na rin na magtatapos ang panahon natin sa taong
2000? 1998?
O kahit sa Mayo a-21, 2011?
E kung
ganun... ANYARE?
‘Wag kasi
magpapaniwala sa mga ganyan.
Una, kung may pananampalataya ka sa Dakilang
Mayliha, Bathala, o Panginoon (o kung ano pa man ang tawag sa “supreme being”
mo), siya lang ang tanging may alam kung kelan ang panahyon ng
panghuhusga sa ating mga tao. Ibig sabihin? Gawin natin siyang bahagi ng ating buhay.
Ano pang sdilbi ng relihyon natin kung wala tayong paininiwala sa kanya?
Una-punto-kalahati,
kahit wala namang sinasambang relihiyon, wala
pa ring nakakaalam kung kelan mangyayari iyun. Yung iba dyan, baka
ginagawang gimik ang judgment day para lang may sumapi e. Wag naman po ganun.
Pangalawa, alagaan mo kasi ang kapaligiran mo. Tapon
ka ng tapon ng basura sa kung saan-saan e ang lakas ng loob mo naming isisi sa
gobyerno ang lahat pag binaha ang lugar na kinatitirikan mo. E kung sabihin ko
sa iyo na “ULOL! Ikaw rin gumawa ng ikapapahamak mo. Anak ng putang ina naman
oh!”
Pangatlo, huwag kasi masyado magpapadala sa mga
nakikita sa mainstream media. Anong konek? Ito lang yan. Ano ang mga
nakikita mo sa mga palabas ngayon, maliban sa mga walang kwentang telenobela na
lagi na lang pinapaikot ang istorya, at mga nilalang na handang pumatay ng tao
sa ngalan ng pag-ibig? Masasamang balita. Isama mo na rin pala ang mga sci-fi
movies na sadayang ini-inform ka lang na ganyan ang posibilidad na mangyayari
sa ating mundo kapag patuloy pa tayo magloko. Kaya pumapangit ang nasabing
genre kasi hindi maintindihan ng mga mababaw na nilalang ang kanilang
tinatangkilik e. Tsk.
Pang-apat... Magpakatino ka na kasi. Ika nga
nila, “Magbago ka na!” Self-explanatory.
At pang-huli...
It’s all in the mindset. Baka
sa kaka-isip mo na magunaw ang mundo, para tuluyan nga itong mangyari sa iyo
(oo, sa iyo lang at huwag mo kaming idamay). Dumating ang araw na mag-break kayo
ng syota mo, nang dahil dun magiging depressed ka at maaksidente ka, mawalan ka
ng malay, maging desperado sa kakaisip na “wala na akong silbi sa mundong ito,”
hanggang sa ma-deads. E kung ganyan lang din naman e hindi na rin ako
magtataka. Tignan mo yung tao na naaksidente sa plane crash sa pelikulang “the
secret” at maging halimbawa sana sa iyo
yun na masarap pa ring mabuhay sa mundong ito kung magkakaroon ka pa rin ng
positibong pananaw sa buhay na bigay sa iyo ng Diyos at ng magulang mo.
Kaya sa
totoo lang... isang malaking palaisipan,
este, kalokohan ang END OF THE WORLD.
Bakit kalokohan?
Simple lang. HINDI KASI AKO NANINIWALA
DUN.
10:10 a.m.
12/18/2012
Author:
slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!