10:45 a.m., 01.01.2013
Sa wakas, bagong taon na naman! Panagdag
taon sa ating buhay at alaala. Masaya, ‘di ba? Eh kaso… ano naman ngayon?
May nagbago ba sa ating mundong
ginagalawan? Eh kung tutuusin ganun pa rin naman ang takbo ng araw at gabi, ha?
Sumisikat ang araw sa umaga habang nagpapakitang-gilas naman ang buwan sa gabi.
Gayundin naman ang mga operasyon ng mga makamundong bagay sa ating lipunan,
mula sa biyahe ng mga sasakyan, sa oras ng pagpapatakbo sa isang kumpanya at
negosyo, klase sa eskwelahan, at kahit ang istilo ng mga kawatan,
paglalambingan ng magkasintahan, at kung anu-ano pang kaechosan. May nabago ba
talaga? Well… meron pa rin naman. Ang aura ng tao at ng araw mismo depende kung ano ang nakatakdang petsa. Pero…
Bagong taon na, eh ano naman ngayon?
Kumpleto pa rin ba ang daliri mo? Virgin ka pa rin ba? Magandang nilalang ka pa
rin ba? Mabait na tupa ka pa rin ba? Hindi pa ba nagsasawa sa iyo ang asawa mo?
Nauurat ka pa rin ba sa trabaho mo? May tagpi na ba yang butas ng bulsa ng
pantalon mo, at kung anu-ano pang mga tanong na pwede mong pagnilay-nilayan.
Bagong taon na! Eh ano naman ngayon, palagi
naman may January 1 sa kada taon eh. 365 days pa rin naman (at 366 kung leap
year) ang rebolusyon ng planeta natin sa axis ah. Daranas pa rin tayo ng
maganda at masamang panahon. Ang tanong, may nabago ba talaga?
Oo nga naman, ano? Ano naman kung bagong
taon na? May medya noche na naman (na magastos nga paghandaan pero worth it
naman kung ikaw ay masiba rin at the same time). Maliban pa dun eh gising na
naman ang diwa mo sa oras na dapat ikaw ay mahimbing na natutulog kasama ang
pinakamatamis at pinakamamasa-masang bagay na kung tawagin ay “panaginip”
(exception kung una, puyatero ka palagi, at pangalawa, sadyang night person ka
lang talaga). Mauuso na naman ba ang new year’s resolution? At may magbabago ba
talaga sa ating buhay? Kunsabagay, ika nga ng kantang “Ang Pasko Ay Sumapit,”
bagong taon ay magbagong buhay, nang lumigaya ang ating bayan.
Pero kung tutuusin… nagbago lang naman ang
ating kalendaryo. Nadagdagan lang naman tayo ng isang taon, which means may
panibagong taon tayo para mamuhay ng ayon sa ating kagustuhan. Mula sa
relihiyosong holiday, hanggang sa pang-nasyonal na pag-alala, at kahit sa mga
araw na sagrado sana pero nilamon na ng ideya ng kommersyalismo.
At pustahan, same routine pa rin lang tayo
tulad ng mga nagdaang taon, maliban na lang kung ikaw mismo ay may planong
gawin “for a change.” At ang tinatawag na new year’s resolution? Walang kwenta
kung hindi isinasagawa ang mga isnaad mo dun no! Maniwala ako sa iyo na hindi
ka na maninigarilyo, o iinom ng alak sa hindi disenteng lugar. Maniwala ako na
simula ngayong bagong taon e hindi ka namanchi-chiks, mag-aaral ka ng mabuti,
magsisikap ka sa iyong trabaho at sususentuhan mo ang anak mo sa kabilang
pinto, eh pagkalipas ng ilang mga linggo ay balik ka na naman sa dating gawi.
Anyrae sa mga salita mo, tsong at tsang?
Bagong taon na, eh ano naman ngayon?
Maraming mga pangayayari. May magaganap, ke inaasahan man natin yan o
“suprprise” lang. Alalahanin natin na kahit pare-pareho na lang ang takbo ng
araw at gabi sa buhay natin e, iba naman ang posibleng maranasan natin.
“Tomorrow will be different,” ika nga. Isa pa, walang permanenteng bagay sa
ating mundo. Kung mag-i-Ingles na naman ako dito e, “Nothing is permanent in the
world except change.” Sa madaling sabi, may pagbabago pa rin. May bagong
nagaganap at may pagbabagong magaganap.
Bagong taon na, eh ano naman ngayon? Kung
ikaw ay isang relihiyosong nilalang e magpasalamat ka na lang sa iyong Dakilang
Maylikha. At least, hindi pa tapos ang misyon sa mundong ito. May panahon ka pa
para mag-enjoy.
Bagong taon na, eh ano naman ngayon? Swerte
mo kaya no? yung iba dyan nangangarap na gusto mamuhay ng mahabang panahon pero
pagdating ng holiday e kinapos na. Pasalamat ka no!
Ayun, bagong taon na! Eh ano naman ngayon?
Eh di…. HAPPY NEW YEAR! Magsaya ka na lang, no!
Author: slickmaster | © 2013 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!