http://paulignatius.files.wordpress.com |
Minsan ko
lang nasubaybayan ang ilang mga programa tulad ng Digital LG Quiz at Battle of
The Brains noong bata pa ako. At maliban pa sa eskwelahan, dito ako madalas
nagpapakanerdo para lang matuto kahit ang majority sa mga napapanood ko nun ay
akma sa mga nakakatandang mga estudyante. Naalala ko lang ang panunood sa
Battle Of The Brains ng Channel 9 na ang host ay hindi ko kilala (hanggang sa
nalaman ko na isang David Celdran pala iyun) habang nalatambay sa opisina nila
nanay at tatay nun. Ang Digital LG Quiz (na naging Digital LG Challenge) ay tuwing
Linggo ng umaga sa GMA at host nun ay sila Paolo Bediones at Regine Tolentino,
pero madalas naman e sa bahay ko lang pinapanood ito n’on.
http://logothailand.tarad.com |
Pero sa mga
nakalipas na taon e unti-unti na ring nage-evolve ang programming ng television
sa Pilipinas, partikular na sa primetime slot. Siguro dala na rin ito ng
paglipana ng mga cable services at kung anu-ano pang nakapagpabago sa taste ng
tao.
superhangin.tumblr.com |
Pero ang mas
masaklap ay tila bumabaw at dumausdos pa yata ito. Magmula na rin noong pinaunlakan
ng media outlet ang lubos na kagustuhan ng tao. Siyempre, entertainment for audiences’
satisfaction’s sake. Wala sanang masama dun, maliban na lang sa katotohanan na
ito na rin ang naging dahilan kung bakit dumarami ang mga tamad mag-aral at mga
nagpapanggap na mangmang sa lipunang ito (yan, nasobrahan sa kaka-Facebook at
pagdo-DoTA). Nagkaroon na yata tayo ng imbalance sa pagpo-produce ng mga
palabas sa TV magmula siguro noong nag-fold ang mga palabas na tulad ng
nabanggit ko sa itaas. Ewan ko lang kung may ganito pa ngayon.
reality-tv.findthebest.com |
Sabagay, sa
kabilang banda kasi hindi mo rin masisisi ang mga tao na nasa itaas na
nagpapatakbo ng mga istasyon ng telebisyon. Hindi naman sila gagawa ng mga
palabas na hindi sila magbebenefit in the end. Sa madaling sabi, it’s business.
Sa madaling sabi, kelangan rin nilang kumita at ang mga palabas na nakikita mo
ngayon (kahit nakakatanga na kung ikaw ay may parehong sentimyento tulad ng
inyong lingkod) ay may sandamukal na ad placement (sa madaling sabi,
commercials) kaya mabenta siya sa totoo lang.
Yun nga
lang, ang labis na pagiging mabenta ay nakakasama din. At hindi naman lahat ng
mabenta ay maganda. Lalo na sa panahon ngayon, ang mga maappeal sa mata ng tao?
Asus, asa. Lumabis na yata sila sa mga bagay na tulad ng commercial value at
entertaining factor to the extent na kulang na lang e yung tahasang ipagmukhang
tanga ang mga manonood sa mga nakikita nila na sandamukal na segment na
nagpapakita kung gaano ka magpapakatanga para lang sumikat sa TV tulad ng mga
nasa variety at game shows. Isama mo na rin ang jeskeng telenovela na naging
ugat ng pagiging sobrang emosyonal ng masa at maling pananaw nila sa pag-ibig.
At ang mga
game show ngayon? May kwela factor nga, (which is good) pero hindi lahat ay
may kakayahan na pakainin ang utak ng tao. Madalas lang d’yan ay parang
pampagana ng kapraningan. (Buti pa ang Pinoy Henyo kahit papano e saka yung Pilipinas, GAME KNB?) Merong
pang-tanga lang talaga, pero mas masaklap ay mas marami ang mga tulad niyan. Anong
idadahilan? Ke dahil hindi naman lahat ng mga magagalingna tao ay nakatapos ng
pag-aaral? Given, pero doon nga dapat pumapasok ang role ng media e – ang maliban
sa mag-entertain, ang mag-inform (at hindi pagbabalita lang ang tinutukoy ko ditto
ha? Isa pa yun e).
khantotantra.blogspot.com |
Oo nga naman, ika nga ng isang slogan ng Net25 nun… “feed your mind.” Ang sama na nga ng
reputasyon ng TV (ayon na rin sa ilang mga tao, “idiot box” kasi ang isa sa mga
kilalang termino na inaassociate palag sa telebisyon) e pasasamain pa lalo ng
mga programming ngayon? Kelangan na ulit ng mga ganitong palabas sa ngayon. Hindi
excuse ang dahilan na “may internet naman e.” Oo nga, may internet nga pero
tulad din ng mga nangyayari sa radio at TV, naglipana rin ang mga gunggong at
ginagamit din ang internet sa katangahan at kababawan nila.
Baduy naman nun.
** http://definitelyfilipino.com/blog/2011/10/01/teleche-novelas-and-soap-choleras/
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!