12:49 p.m. 01/01/2013
Disclaimer: Isinulat ko ang akdang ito na
may permiso mula sa babaeng naka-date ko nun. Pero pinili ko na hindi ilahad sa
blog na ito ang litrato naming dalawa at ang tunay na pangalan niya bilang
paggalang sa pagkakakilanlan niya.
Minsan, natutuklasan talaga ang pag-ibig sa
first date. Wala nang ligaw-ligaw pa (anak ng pating, uso pa ba iyun?). Nasa
uganayan lang yan kasi, bilang kapwa taong nagmamahalan at bilang kaibigan na
rin kung magturingan.
Parang karanasan ko lang. Ika-1 ng
Disyembre nun, isang maalinsangan na Sabado ng hapon. After lunch ang usapan
naming nun sa isang mall sa lungsod ng Mandaluyong. Sa unang tingin nga e,
nakakapagtataka lang nun. Dahil alam ko hindi naman siya interesado na mga
bagay na gusto ko, tulad ng mga libro at may kabuluhan na kalokohan. At siguro,
naiisip niya nun na sa dinami-dami ba naman ng babaeng nakasalamuha ko sa text,
Facebook, Twitter at personal… e bakit siya pa daw?
Hindi ko mawari e, basta ang alam ko nun ay
interesado ako na kilalanin siya. Bago ang lahat, siya si Ms. Whippedream, o
mas tawagin na lang natin na Kablag. 21 anyos, isang registered nurse na
naghahanap pa rin ng trabaho. Magkapareho kami ng eskwelahan noong kolehiyo
bagamat magkaiba kami ng branch na pinapasukan. Ang nakakaloka lang nun ay may
isa pala kaming kaibigan in common pero hindi naman yun ang naging pamamaraan
para maging magkakilala kami (o nireto, ika nga). Sa totoo lang, nakilala ko
lang siya sa pamamagitan ng isang text clan. At isang bagay pa ang common sa
aming dalawa – pareho kaming blogger.
Pero fast forward tayo sa petsa ng a-uno.
Nasa gitna na ako ng pagmamadali ko papunta sa mall na iyun. Nakakahiya, first
date mo slickmaster, e na-late ka! E ikaw ba naman kasi ang mapunta kaagad sa
isang photo studio para lang kunin ang soft copy ng mga litratong kinunan para
sa iyong graduation pictorial noon.
Ala-una ng hapon nun nang makarating na ako
sa destinasyon ko. Halos maligaw pa ako sa naturang mall (aba, e ikaw ba naman
ang mapunta sa isang lugar na hindi pamilyar sa kamalayan mo e) habang katext
siya kung saan siya eksakto. Pagbaba mula 4th floor papunta sa 2nd,
sa may bandang fountain area, agad ko siya napansin. Pamilyar na ang kanyang
itsura sa akin dahil sa kakatingin sa kanyang profile picture sa Facebook at
Twitter. Pero bago ko man siya surpresahin e agad na rin niya pala ako nakilala
(ayan, magte-text ka pa ng “look behind you,” ha?). Unang move kay Kablag,
pahiya ka na, slick. LOL!
So, ayun na nga ang nangyari, nagkakilala
kami. Agad hinanap ang book launching event na pupuntahan ko nun (dahil trip ko
lang, maliban pa sa katotohanan na isa na rin sa mga iniidolo ko ang awtor ng
Pogi Points na si Stanley Chi), nasa isang bookstore yun sa nasabing mall. E
ang aga lang namin nun. Haha! Napabili lang kami ng libro nun, then trineat ko
siya ng lunch sa isang fastfood na malapit lang sa bookstore na yun (sa loob ng
naturang mall, siyempre).
Matapos ang book launch na yun (na tumagal
ng 4 na oras pero astig lang ang hapon na yun dahil sa sobrang laughtrip na
dala nila Stanley Chi, Ramon Bautista at Papa Dan ng Baranggay LS at kung
anu-ano pang kamundohan nun), e para kaming ewan na hindi alam kung saan kami
susunod na pupunta noong gabing iyun. Hanggang sa napagdesisyunan na magpunta
sa kabilang mall. Mamasyal lang sa kung saan-saan, kumain ng pizza, magkwento
ng kung anu-anong bagay lang, malalim na bagay man o mababaw. Kulang nga e
manood kami ng sine nun kung maaga pa lang sana ang gabi nun. Hati na kami sa
dinner namin na pizza (ako sana talaga ang sasagot nun e kaya lang mahirap na
ang ma-short lalo na kakasweldo ko lang nun).
Ano pa ba ang mga naganap? Ayun lang naman.
Sa madaling sabi, nagkamabutihan. Basta, sinigurado ko lang nung gabi na iyun
na kahit papaano e magaanda ang impresyon ko sa kanya sa pamamagitan ng
pagkakapataotoo sa aking sarili. At sa totoo lang nun e hindi ko na iniisip
kung may susunod na date na magaganap pa sa pagitan namin ni Ms. Whippedream o
wala. Nasa sa kanya na iyun.
Pero mali pala ako, dahil hindi ko inaakala
na siya talaga ang magpapatibok ng puso ko nun. Siya ang tanging naging
pinaka-kaibigan ko sa lahat ng aking mga kaibigan ko.
Namiss ko siya bigla. Sa sobrang pagkamiss
e napagawa ako bigla ng one-liner.
“Just a second after we parted ways, I just
realized something – I missed you already.”
Akalain mo yun oh. Matapos ko siya ihatid
sa terminal ng FX nun, para lang akong batang naagawan ng lollipop (pero walang
akto ng iyak, syempre) nung sinara na niya ang pinto ng naturang sasakyan at
umalis na pauwi ng bahay niya. Ang naisip ko na lang, magtetext din yun pag
nakauwi na siya. Hindi lang text pala, nagmissedcall. Aba. Ayos ah. Kala ko
dito na lang matatapos ang first date na iyun.
Akala ko din e. Mali pala ako. :-)
Author: slickmaster | © 2013 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!