12:21 A.M.
01/22/2013
Isa sa mga
nakakaurat na tanong sa realidad at panahon ngayon ay ang bakit ba ang hihilig magreact kaagad ng ilang mga tao kahit hindi pa
man nila naiintihindhan o ni nabasa man lang ang kwentong pinuputakte nila?
Anak-ng-puta. Ang tatanga lang nila ha? Ayos na sana e.
“Don’t judge a book by
its cover,” ika
nga ng isang lumang kasabihan. Pero uso pa ba ito sa modernong panahon na halos
kahit sino na lang e instant critic na, lalo na kung nakapagbasa ito ng isang
artikulo na may matinding nilalaman? Ito lang naman ang napapansin ko sa halos
isang buong taon na pagmamasid sa isang community blog page sa Facebook. Basta either
isang kontrobersyal, napapanahon o minsan ay matinding pagtaliwas sa nakararami
ang nakapaskil, pinuputakte ng sari-saring reaksyon. Okay lang sana e,
halimbawa:
Nagpaskil ka
ng isang anti-romantikong blog, “bitter” ang ibabato kagad sa iyo. Minsan pa
nga ang sasabihin sa’yo e “Pakamatay ka na! Wala ka palang lovelife e.” E kung
ikaw na lang gumawa niyan tutal ikaw rin naman ang nakaisip e.
Nagsulat ka
lang ng opinyon mo ukol sa isang napapanahong isyu, at kontra naman ang mayorya
sa mga pinunto mo, sige pa rin ang pagbibitaw ng kanilang kuro-kuro. Sabagay,
sabi nga naman sa isang noontime show, “It’s a free country, you can do what
you want!”
Kung
matinding rant pa ang binitawan mo, expect a bunch of superficial fools ahead
for you to react. Oo, maraming magrereact. Yun nga lang, karamihan pa sa mga ‘di
sasang-ayon diyan e pustahan, hindi binasa ang kabuuan ng write-up mo. Parang
mga gago na “may masabi lang” sila.
At kung kontrobersyal
na paksa naman ang usapan tulad ng sex, prostitusyon at iba pang may
kahalintulad sa mga nabanggit? Tahasang magrereact na ang mga ‘to.
Oo, lahat
niyan, may masasabi na kaagad sila KAHIT
HINDI PA NGA NILA NABUBUKLAT KUNG ANO TALAGA ANG NILALAMAN NG BLOG MO.
Maliban pa
diyan, sa mga Facebook page din ng mga balita. Usong-uso din ang breed nila.
Hindi ko
alam kung sila ba ang tinutukoy ni Mga-Sulat-Kamay sa kanyang “Anong Klaseng Blog Reader Ka?” na mga title-holder o may pagka-sadyang epaloids lang talaga.
As in grabe
lang ang paglipana ng mga ito. Kala ko ba ginagamit ng mga ‘to ang internet
para kahit papano e mahimasmasan naman ang utak at kamalayan nila? At hindi sa
pagiging elitista ang dating ha? Pero... bakit naman ganun?
Ang excuse
ng ilan ayon sa isa sa aking kaibigan sa pagba-blog, mobile users kasi sila e. Kaya
minsan, nanghihingi sila ng buong artikulo na ilahad sa fb.
Ganun? Okay,
considered excuse na iyan maliban na lang kung sandamukal naman ang load mo
para makapagbrowse outside sa mga social networking account mo at may time ka
naman makapag-internet talaga.
Ayos lang
din sana kung ang kumento nila ay tulad ng “Teka, di ko pa nababasa ng buo ito (o
di naman kaya ay “mamaya, babasahin ko ito...”). Pero ang masasabi ko ay...” Yan talaga kelangan pa ng kunsiderasyon. At least, responsable sila.
Yung iba,
sadyang tamad lang talaga. Ugali na nga ng ilan yan e. Pucha, ano ba naman ang
mahirap sa i-click lang ang artikulong babasahin para maintindihan mo ang lahat
at hindi yung mga paunang salita, pangungusap o talata lang ang iyong nakikita
sa halip? Mamamatay ka ba kung hindi mo ikahihiya ang pagpindot ng link o ng “read
more?” Hindi naman siguro, ‘di ba?
Iba-iba
kasi ang lebel ng pag-unawa ng tao e. May malalim at meron ding mga “skin-deep.”
Sa madaling sabi, mabababaw. Superficial. At sad to say, karamihan yata ng sa
ngayon ay nagpo-fall sa nabanggit na huling kategorya. Yun lang.
Kaya ano
ang pinupunto ko dito? Magbasa kasi bago
magreact. Intindihin ang kwentong binabasa o puputaktehin (oo, anudn rin
lang naman kayo e sagarin niyo na). Minsan nga binibigay na sa inyo ng buong artikulo
para lang makaintindi kayo e (Pasalamat pa kayo dahil hindi kayo sinisingil ng
mga yan pero ‘wag din kasi aabuso o “asa sa libre” na attitude). Natuto naman
siguro kayo sa mga comprehensive exams niyo noong nag-aaral pa kayo ‘di ba? O
aminin niyo... natutulog kayo sa pansitan nun?
Ang
paglalahad ay parte ng ating demokrasya. Karapatan natin ito bilang tao. Pero ang
lahat ng kalayaan natin ay may kaakibat na responsibilidad na dapat maliban pa
sa naipapakita natin kung sino tayo bilang isang indibidwal, ay ang pagkakaroon
ng saktong lawak ng komprehensyon sa mga bagay na binibigyan natin ng kuro-kuro
at pansin.
Kung ako
lang ay magiging isang mambabatas, magpapanukala ako na dapat sikilin ang
karapatan ng mga taong “may masabi lang.” Oo, wala silang karapatang magsalita
hanga’t hindi nila naiintindihan ang mga bagay na pinupuna nila.
Masyado bang
mapagmataas at malupit? Dapat lang. Hindi na dapat uso ang pagiging tamad no?
Author:
slick master | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!