Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

29 January 2013

Mind Your Own Lovelife!



10:02 a.m. | 01/29/2013

Isa sa mga nakakabuwisit na pangyayari sa araw-araw ay ang pangingialam ng lovelife ng ibang tao sa lovelife mo. Well...

Walang sanang masama sa pakikialam sa buhay ng ibang tao. Pero maliban na lang kung ang usapan ay tungkol sa lovelife nito, at kung pribadong tao siya at isa yan sa mga paksang isinasapribado niya. Napapansin ko lang, dumarami na naman ang barabrong nilalang pagdating sa lovelife ha?


Palagiang tanong ng mga ‘to ay “Kumusta lovelife natin?” O kung alam na inlove na inlove ka, magtatanong pa rin ng mga “pa-obvious” (Gusto mo birahin kita ng snappy answer dyan?).

Ito pa ang hirap dyan e. Kapag nagbitaw ka ng sagot, hahalukayin pa ang topic na yan. At mas mangungulit pa sa iyo kapag sinabi mo na “Ayaw kong pag-usapan iyan. Period.”  Minsan pa nga e nahuhusgahan ng isa ang sekswalidad ng ibang tao depende sa lovelife nito. Kung ang isang tao ay pinili na hindi magkaroon ng karelasyon, iisipin ng mga kumag na bakla siya. Punyetang lohika yan!

Hindi sa pambabasag ng trip o pagiging bitter ha (Pero supot lang ang utak ng mag-iisip nung sinabi ko sa pangalawa)? Pero bakit nga ba ang daming makukulit na nilalang ang mahihilig pumutakte ng lovelife ng ibang tao?

Una, kung sino pa ang nakikialam ng lovelife ng ibang tao e sila mismo ang wala nito. Oo, sila nga ang mga walang lovelife. Mga inggitero at inggiterang palaka. Either curious sila o gusto lang nila mamutakte. Ah, so ang sa lagay ba e inaalam nila ang feeling na magkakaroon ng lovelife mula sa karanasan ng ibang tao? Maaring oo, at maari ring hindi.

Pwede rin ang pinakadahilan ay dahil gusto lang sila makaramdam ng kilig. Aba, kapal ng mga ‘to ha! Kayo ang kasintahan, mga ate’t kuya? Pwede naming umihi na lang sila diyan sa CR e.

Pangalawa, “concern” lang sila. Okay, given. Pero ang pagiging concern ay tulad din ng ibang bagay – dapat nilulugar. Hindi pwede sa lahat ng oras ay lagi dapat pupunahin ang mga kaganapan sa lovelife. Anong excuse? Dapat raw maging “open” ang tao pagdating sa usapang iyun?

Weh! Open mo yang mukha mo. Ang pagiging “open” ay may kaakibat na pagrespeto sa pananaw ng iba na isapribado ang mga bagay na tulad nito. Kung hindi mo ma-take yun, get off from him/her.

Pangatlo, wala lang silang mapag-usapan. Ang boring ng mga bagay na tulad ng asignatura sa klase, o mga nagbabagang balita para sa kanila, (at parte na rin ng pagiging demokratikong lipunan natin ang mga taong pinili na maghing parte ng mga salot na kung tawagin ay “walang pakialam.”) Mas interesado pa silang makialam sa lovelife ng iba kesa sa kung ano ang gagawin nilang diskarte para magkaroon ng pagkain sa hapag-kainan. Tsismis, ika nga. Para may makwento lang ang mga mokong at loka sa iba. Sarap lang sabihan ng mga katagang “Pwes! Hindi ako sikat na tao para putaktehin ang lovelife niyo.” Baka showbiz pa yang sagot na iyan ha? Pektusan kita diyan e.

At oo nga pala, kung lovelife ang usapan e parte rin ako ng mga salot sa lipunan sa mata ng mga apaw-apaw-na-emosyonal at sobrang-romantiko. Oo, mga “walang pakialam” nga ang tinutukoy ko.
Pang-apat. Hindi sila marunong maghintay. Hindi lang sa paghihintay na dumarating ang lovelife sa kanila, kundi ang maghintay rin na ang pagkakataon na mag-open ang tao mismo sa usapan na iyun. Gusto nila, sila mismo ang mauuna na makikialam nang makikiaalam (kahit sa totoo lang e hindi naman talaga dapat ito pinapakialaman). Ke may nabasa lang sila na patamang status sa Facebook o sobrang nakakapagdamdaming mga kataga na tweet... hala sige, open forum na yan!

Ang pakikialam sa lovelife ay may tamang lugar at panahon. Hindi porket ayaw niyang i-open yun e sarado na ang utak niya. May mga taong likas na hindi binubuklat ang mga iyun sa publiko, lalo naman kung hindi naman kailangan talaga. At huli, dapat iginagalang din. Kung hindi niya trip na pag-usapan ang lovelife niya, irespeto niyo yun.

Kaya utang-sa-boundary naman, pwede ba... MIND YOUR OWN LOVELIFE!

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!