Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

03 January 2013

Nakakabobo.


10:22 a.m. 01/03/2013

Ang blog na ito ay may halaw na konspeto at inspirasyon sa kantang “Bobo Song” ni Marlon “Loonie” Peroramas.

Sadya bang ganito na ang panahon ngayon? Ang daming saliwa. Mga bagay na nakikita ay sobrang taliwas sa mga bagay na minimithi ng bawat isa? Kada araw na lang, paulit-ulit na... kaya ayun, nakakabobo na nga.


Una, ang buhay ng isang tipikal na pamilya sa lipunan ngayon ay mahahalintulad sa isang telenobelang ipinapalabas sa telebisyon? Na laging may bida, kontrabida at sandamukal na mga extra? Isama mo pa ang pinapaikot na kwento (oo , lagi na lang). Dumarating sa punto na sobrang marahas na ang ginagawa ng mga taong ayaw sa bida, at ito naming si bida e pa-underdog effect? Maghihiganti nga pero kailangan pang masaktan ng matindi?

Mga Juan Tamad kung maituring. Nakatutuok na lang sa mga dramang palabas, imbes na tutukan ang sinasaing na bigas.

Mga Pilipino nga, pero mas tinatangkilik pa ang mga banyagang bagay kesa sa sariling atin. Mga self-proclaimed na Kayumanngi dati pero itinatanggi na para maging wannabe chinito at chinita. Akala mo namn, bagay sa kanilang itsura.

Mga tipong pumapasok na lang sa eskwelahan pero walang natututunan. Kaya ba madalas ito rin ang dahilan kung bakit tinatamad na ring mag-aral ang mga estudyante? Maliban pa sa “baon” na lang ang dahilan kung bakit kahit papaano e sumasaya sila?

Ni hindi na yata natin alam kung may linya pa ba na naghihiwalay sa magkaibang mundo ng showbiz at pulitika sa ating lipunan. Ang artista ay may kaakibat na okupasyon na pagiging “public servant (kuno)” pagdating ng pangangampanya at lalo na pag nanalo siya sa halalan. Meron din naming mga nakaupo sa pwesto na inookupa ang mga entablado na dapat sana ay nakalaan para sa mga taong umaarte dun.
Ito nga rin ang panahon na para ang isang tao ay sumikat e, ‘wag mong ipakita ang talent mo. Ano ang dapat gawin mo? Magpakita ng akto ng katangahan at pakapalin ang mukha (at patatgin ang loob) sa darating na batikos at pangungutiya sa iyong harapan. Uso kasi e.

Mas mahilig pa nga yata ang karamihan ng mga tao sa tsismis kesa sa atupagin ang mga takdang gawain sa kani-kanilang mga bahay at kaniya-kaniyang mga buhay, mula sa magkakapit-bahay hanggang sa mga balita sa showbiz, walang pinapalagpas. Mga naganap kina Aling Nena, pinag-uusapan nila Manang Sonya sa halip na pansinin ang kaniyang mga labada.

Tapos ang mga tumatangkilik naman ng mga nakakabobong palabas na ito e sumusunod na lang sa agos, kahit alam na nila na hindi na tama. Nagpapimpluwensya sa mga nakikita, kaya ayun. Sing-tulad ni Coco Martin at Marian Rivera (at kung sinumang aritsta pa iyan) kung makapagdrama sa harap ng magulang.

At saka mo lang naappreciate ang mga bagay-bagay sa ating kamalayan kapag maganda ang resulta nito. Parang nagiging proud to be Pilipino ka lang kapag nananalo si Pacquiao sa mga laban niya. Naku, sino kaya ang niloloko mo, ‘no? At pa’no yan kung natatalo na ang pride natin, katulad ng 0-2 win-loss record niya last year?

Sa kabilang banda, ikaw naman ay natatakot. Takot mag-tanong, magpaulit, sumagot sa pagsusulit. Dapat ka nga ba matakot na gawin ang mga ’to, e tao ka pa rin lang naman, at kahit papa’no e hindi nagmamarunong? Matututo ka pa, ‘di ba?

Maraming aral ang kantang ito, na kung inaakala mo sa unang pagdinig e dini-diss o kinamumuhian niya ang lahat-lahat ng nasa popular na kultura at mainstream media (well, mali ka sa unang impresyon mo, tsong.). At nasasaad ito sa ilang mga linya nito.

Hindi porket Tagalog o nasa lokalidad natin e baduy na kaagad. At lalo naman hindi ka itataas ng pagiging Inglisero mo. Feelingero ka na nga, mas baduy pa tignan.

Hangga’t wala kang nagagawang hakbang sa bawat araw na lumilipas sa buhay mo, e talagang masa-stucked up sa mga bagay na sa tingin mo e nakakabobo. Ibig sabihin, ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong landas, at kung hindi mo babaguhin iyan, ikaw mismo ang biktima ng sarili mong katangahan.

“‘Di naman importanteng magpakadalubhasa, ang sa’kin lang naman ikaw ay malinawan.” Ibig sabihin? Hindi mo kailangan alamin ang lahat. Ang importante e may alam ka. (Malabo ba? Intindihin mo kasi.)

“’Wag na ‘wag mong gawing dahilan ang kahirapan. Maniwala, pero ’wag umasa sa himala. Wala pang nananalo sa lotto na ‘di tumataya.” Sabagay, may kasabihan kasi na choice mo mamuhay sa kung saan mo gusto. Kung ginusto mo maging mahirap, e magiging mahirap ka talaga. At hindi ko tinutukoy dito ang mga materyal na bagay lamang ha? Okay, sabihin na natin na, “Oo nga naman, lahat naman kasi tayo ay naghihirap din e.” Pero huwag kang umasa na isasalba ka ng iyong panalangin kung wala ka naming ginagawang hakbang para mairaos ang iyong buhay. “Hindi porket mahirap ka e hanggang d’yan ka na lang.”

At walang masama magtanong (basta sensible na tanong ha?) kung ikaw naman ay namomroblema sa kung ano ang dapat gagwin mo? “Tandaan, Mas masahol pa sa bobo ang bobo(-ng) nagmarunong.” Magmamarunong ka pa, e bobo ka rin naman! “Kung ang pag-iisip para sayo’y nakakangawit,
Ibenta mo ang utak mo kung’ di mo ginagamit.”
Siyempre, gamitin kasi ang utak, no!

At hindi porket lahat ng mga nakikita mo sa TV e tama na rin para sa iyong kamalayan. Huwag kang magpadala sa mga bobong palabas, kommersyal, at ultimo ang mga personalidad na nakikita mo sa tinatawag na “idiot box.” Lalo na kung buong araw kang nakatunganga sa harap niyan.

Kung lahat na lang ng nakikita mo e nakakabobo… e di ikaw mismo gumawa ka na ng hakbang para baguhin ito. At least, simulan mo iyan sa sarili mong gawin sa buhay.

Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!