01/01/2013 11:27 AM
Isa sa mga bagong kanta noong 2012 sa genre
ng hip-hop dito sa Pinas ay ang single ng rapper na si Ron Henley. Ang kantang
Biglang Liko ay isa sa mga kantang ginawa ng FlipMusic sa nakaraang taon.
Kasama rito si Pow Chavez. Inuplaod ang music video nito sa YouTube noong
Pebrero 14, 2012.
Ayos din ha? Sa sobrang patok kasi nito e
naging parte ito ng mainstream music o sabihin na natin na popular na kultura.
As in naging parte ito ng mga nirerequest sa music channel na Myx, at minsan
narinig ko pa nga ito sa isa sa mga istasyon ng radyo. Well, pumatok din pala
‘to sa masa ha? Hindi na masama (pero mas okay sana kung maiintindihan naman talaga ng mga tao ang pinapakinngan nila, 'di ba?), bagay na kailangang bigyang pansin din sa
ngayon ang mga bagay na may kinalaman sa rap at hip-hop lalo na’t parang nakilala
lang ang mga ito sa dalawang lipunan: mga jejemon at mga taong nanunood ng mga
rap battle sa YouTube tulad ng FlipTop at Sunugan.
Bago ako magbigay ng aking take sa kantang
ito, maari na iba ang intepretasyon ng tao base sa lyrics at pamagat nito sa
anuman ang nakikita ko.
Medyo may pagkagreen lang ang iilang mga linya, at
hindi mo siya mahahalata kung isang beses mo lang siya pakikinggan sa loob ng
isang upuan. Try niyo na lang pakinggan ng ilang beses.
Pero ang astig lang niya. As in astig pa rin pakinggan. Siguro kasi sa skill din ng taong ito, na matindi rin mag-rap like anyone else ngayon na nasa hip-hop scene.
Deretso lang eh.
Music video: (from http://www.youtube.com/user/batampasiggg)
Directed by: Jasper Salimbangon x Cristhian Escolano
Edited by: Jasper Salimbangon
Cinematography by: Cristhian Escolano x Elo Delenela x Paolo Magsino
Song produced by: Bojam of Flipmusic Productions
www.flipmusicproductions.com
Author: slickmaster | © 2013 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!