09:49 AM |
01/23/2012
Isang maikling
patutsada lamang. Ayon sa isang pahayagan sa China, ang Pilipinas ay ginawaran
nila bilang “The Most Romantic Destination.”
Ganun? Oo,
binase ito sa isang consumer survey na ginawa ng Shanghai post. Binigay ng
nasabing pahayagan ang parangal na ito sa Pilipinas noong Enero a-15, sa posh
Shanghai Peninsula Hotel by the bund, ayon ito sa press relaease ng Department
of Foreign Affairs.
Hmmm... sabagay,
hindi na kataka-taka ito. Pa’no ba naman? E likas sa pagiging romantiko naman
ang lahi ng Pinoy e, (oo, parte na ito ng ating kultura) at makikita ito sa panahon
ngayon.
Lumabas ka
ng bahay, mapapakinggan mo ang tsismis
ng kapitbahay, at ang isa sa mga paksang pinag-uusapan ng mga ‘to ay ang
lovelife ng kung sinu-sino na kilala nila. Parang ganito...
“Uy, alam mo ba si Pareng Tonyo, nahuli sila sa kwarto ng kabit niya!”
“Si Mareng Virgie, hindi na siya virgin kasi binahay niya ang boylet
niya kagabi!”
“Nagbreak sila Jona at Milo. Umiiyak nga ang lola mo dito sa amin
kahapon e.”
Hay, naku. Mind
your own lovelife na lang kaya, mga echuserang palaka?
Lumabas ka
ulit, gumala ka sa isang parke, mall o saan mang mga pampbulikong lugar at
kahit sa mga sasakayang pampubliko tulad ng jeepney, bus at tren, isa sa
sampung beses at least makakakita ka ng isang magsyotang magla-akbay,
nakaholding-hands o pagkamalas-malas mo pa... naglalaplapan. Wow, isn’t it
romantic? Kulang na lang gawing motel ng mga hinayupak na ‘to ang kinalulugaran
nila ha.
Pero kidding
aside, maraming lugar kasi ang nagsisilbing dating place ng mga magsing-irog e.
At hindi ito usapin ng date sa kama ha? Iba yun. I mean yung mga tulad lang ng
parke, amusement park, mall, o ultimo ang simpleng kainan na ginagawa ring
tambayan. Kung gusto mo ng mas astig, yung naglalako ng fishball. Mas sweet
kaya ang nagkasama kayong magkasama
habang kumakain ng tusok-tusok na fishball.
At kung sadyang
introvert ka at tamad kang gumala, e sit back, relax (?) and enjoy (“?” again?),
dahil hindi mo kailangang lumayo para lang makakita ng romantisismo. Subukan lang
manood ng TV andayn na ang telenovela na talagang nagpapakilig sa halos
sinuman. Well, at least yung matinong type lang na palabas ha? Uso kasi ang
selosan, nag-aalab na love scene, patayan sa ngalan ng pag-ibig at kung anu-ano
pang “twist kuno” pero kung tutuusin ay mas magandang tawagin na “bullshit.”
Oo nga
pala. Pansinin ang mga pumapatok na palabas sa takilya o kahit sa mga
naglabasang mga piniratang DVD kung local na sinehan ang usapan. Kung hindi
puppy love na love story, e mga affair. Halos tulad lang ng aking naunang nabanggit.
Sa mga
libro... maliban pa sa mga tulad ng Twilight series (oh, please?! Not this type.)
pahayagang tabloid at showbiz magazines, ang pinakapatok na babasahin ay ang
mga pocketbook na naglalaman ng isang nagbabagang-pag-ibig ang tema ng nobela.
Kung nasusuraan
ka sa sobrang kilig, making ka ng radio, yung masa type ha? Maririnig mo ang
mga walang kupas na love songs. Ayos lang yan pag siesta, pero kung sadyang
nakakabato na ang musika ng pag-ibig sa panahon ngayon...
Maglog-in
ka sa iyong Facebook at Twitter account (kung meron man) at ano ang madalas
mong nakikita na post maliban sa mga masasamang balita at jokes? Mga quotes,
mula sa pick-up lines hanggang sa emo quotes (oo, romantic pa rin yan),
hanggang sa mga patamang sumbat.
Kung di ka
pa maging romantiko niyan, e di sa cellphone. Almost the same things sa inbox,
either GM na iyan o PM lang mula sa iyong ka-text.
Ayan,
romance is not just in the air... but everywhere!
Pero... ‘di
ba ang romance ay ang shallowest type of love? So it means na “mababaw” talaga
tayo? Hmmm... *sabay himas sa baba*
At pahabol
na question. Hindi naman kaya binobola lang tayo ng China dahil ang init na
kasi ng tensyon sa West Philippine Sea/South China Sea territory? Kumbaga,
pampalubag-loob? Hmm, pero hindi nmaman tumalab ito kay Albert Del Rosario ng
DFA e. In fact, inakyat na sa korte ang usapin ukol sa sigalot sa teritoryo sa
pagitan natin at ng mga Intsik.
Ahh, ewan. Basta
romantic tayo no?
(source: http://www.interaksyon.com/article/53195/philippines-wins-most-romantic-destination-award-in-shanghai)
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!