Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 January 2013

Sa akin ang almusal, sa iyo ang hapunan. (Just My Opinion: The "Kabit" Film Story)

07:49 AM | 01/06/2013
Kabit dito, kabit doon. Dinaig pa ang mga jumper o magnanakaw ng kuryente, telepono at internet connection kung maki-"kabit" sa ibang tao. Lagi na lang na may ganitong klaseng tema sa mga ilang mga naglalabasang pelikula at telenobela na pang-telebisyon sa ngayon.

Si lalake na CEO at married na, ka-affair ang kanyang secretary. O hindi naman kaya ay, si babae naman na may asawa (at housewife lang ata) e na-fall sa ka-flirtan niyang lalake sa bar. Hanggang sa nagkaroon ng hidwaan ang isa't isa. Iskandalo, matatalim na salita't mga linya, at ang siste pa kamo, minsan dumarating pa sa patayan ang eksena. At sa bandang huli, yung dalawang orihinal pa rin ang magkakatuluyan. At halos ganito na lang palagi ang istorya.

Pero nakakaburyong na sa mata, inaykupo. Sa sobrang tindi kasi ng mga ganitong pelikula e hindi na rin kataka-taka kung bakit nauuso ang mga tulad ng "third party," "affair," "love triangle," "nangaliwa," at iba pa na tumutukoy sa relasyon ng tatlong taong nagmamahalan. Oo, tatlo nga.

Sinasabing ang pag-ibig na ganito ay pang-dalawahan lamang. Pero bakit nga ba laging may sumasabit na extra? Ano 'to, sadyang may ganito sa mundo para maranasan ng tao kung paano masiraan ng relasyon? 

Hindi naman siguro, ano? 'Wag tayo mag-generalize sa panghuhusga. Bagamat karamihan sa mga "ikatlong partido" ay sadyang naninira lang ng buhay ng may buhay, mayroon din namang nagsisilbing tagapamagitan at tagapag-ayos sa dalawang nagmamahalan. Depende nga lang kung ano ang kanyang sadya sa buhay, kung magpapakasarili ba o magpaparaya. Take for example, ang isa sa mga kaibigan ko na kahit naging "kabit" siya e hindi niya hinayaan na masira ang pamilya ng minsa'y kinasama niya. Alam niya ang tama at sa huli, ang nararapat pa rin ang kanyang ginawa. (Saludo ako sa mga taong ganun).

Yun nga lang, dahil talamak talaga ang nanggagago sa kapwa nila sa ganitong pamamaraan, talagang hindi maiiwasan ng mga iba (wag na natin isamsa ang mga sawsawero't mga mangmang) na maging masama ang pananaw nila ukol dito.

Kaya maliban pa sa mga bagay na tulad ng jejemon, maagang nagkaka-pamilya (yung wala pa sa wastong edad ang tinutukoy ko ha?), mga kenkoy sa mainstream culture, at kung ano-ano pa... ang mga palabas sa telebisyon at pelikula na naglalarawan ng "relasyong threesome" ay ang pinakabaduy na bagay na nauso na sa ngayon. Hindi na 'ko magtataka. Maraming tao nag-aaway, maraming relasyong nasisira. May pang-aagawan, ahasan, awayan, gantihan, panibagong resbakan, at kung anu-ano pa. Basta, sa ngalan ng pag-ibig sa kanilang kasintahan o kinakabitan.

Kaya maliban pa sa mga overly-attached na partner (na obviously e "obsessed" na), ito pa ang isang bagay na nakakalungkot (pero... ganun talaga e, nauuso siya) ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sumasama ang impresyon at depinisyon ng salitang "pagmamahal" e.

At sino ang dapat sisihin dito? Aba, e sino pa ba ang gumagawa ng mga ganitong bagay sa parehong realidad at sa pinilakang tabing? Ikaw na lamang ang tanging makakasagot diyan.

Hindi porket may matinding emosyon na ang isang linya na naglalarawan ng agawan at pighati sa pag-ibig e ayos na o maganda na. For the sake of commercial value, mabenta nga. Pero morality wise speaking... e ano? May sense ba talaga? Kailan pa ba naging okay sa lipunang ito ang maglokohan sa pag-ibig? Ang mang-agaw ng kasintahan ng may kasintahan? Ang maki-apid, o sa nasabing kahdahilanan ay makipagpatayan pa? Anak ng puta naman.

Ngapala, hindi rin siya maikaklasipika sa tinatawag na "high-class entertainment" para sa akin.

Kaya, anak ng puta naman ulit, tigil-tigilan na nga natin ang kabit na yan. Matuto naman tayo magmahal ng tapat at 'wag manood ng mga kabullshitan na ganyan.

author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. Paulit ulit na nga yang "affair" na plot sa mainstream Phil media. Hindi natin makakaila na meron ring polyamory (iba ito sa polygamy) na sisira sa dilemma ng mga "affair" na yan. Sa pagkakabasa ko, "man isn't naturally monogamous".
    http://www.lovemore.com/blog/?p=588
    Minsan, mga tao rin may pagkukulang dahil indoctrination nga ang "media".

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!