12:47 PM | 01/09/2012
Hindi ako isang love expert, bagamat alam ko na natural na
sa isang relasyon ang nagkakaroon ng away. Pero moderation lang ha? Ang sobra
pa naman na ay nakakasama. Lalo na kung ang salita na lagi mong binibitawan pag
hindi niyo kaharap ang isa’t isa ay ang tinatwag na “panunumbat.” Wala itong
pinagkaiba sa tinatawag na “backstab” na kadalasan ay ginagawa ng isang tao sa
taong kinaiinisan lang niya, mortal na kaaway o kahit sa kaibigan lang pag
nabadtrip siya.
Pero isa sa mga karaniwang kamalian ng tao pagdating sa away
ay ang pagbibitaw ng mga bagay na as if na sila lang ang may nagawang matino sa
pagsasama nila. Wag naman ganun, mga ‘tol. Ano kayo, Diyos? O superior? Dapat
ba e ikaw lagi ang nagingibabaw sa relasyon niyong dalawa? E nagsama pa kayo
kung ganun lang. Alalahanin niyo na “give and take” palagi ang isang
relationship. At ang mga under de saya na yan? Mukha nyo! Pauso lang yan.
Madalas ko na itong napapansin sa mga babae kapag nag-oopen
sila ng mga problema sa pag-ibig. Bagamat may mga lalake rin naman na
nakararanas ng ganito. Ke siya lang daw ang gumagawa ng way para gawin ang
ganito, ayusin ang ganiyan… anak ng pating naman oh. *sabay hampas ng kamay sa
lamesa*
Kaya here’s a piece of unsolicited advice para sa mga taong
mahihilig magdrama sa harap ng mga kaibigan nila dahil sa nag-away lang sila ng
kanilang mga girlfriend o boyfriend . Bago kayo magbitaw ng mga tinatawag na
"sumbat" sa partner niyo, gawin muna ang mga ito sa inyong mga sarili:
Una, isipin mo
muna kung may nagawa ka ba na ikinasakit ng kalooban niya. Meron ba,
aber? Nabadtrip ba siya sa iyo matapos mo siyang pakainin ng sinigang na baka
na naglasa naman na may kahalintulad sa bulalo? O ‘di naman kaya ay ginastos mo
ang pera niya na nakalaan sana para sa pag-aaral ngt kanyang kapatid?
Pangalawa, isipin
mo muna kung may nagawa ba ang partner mo sa iyo na ikinasaya o ikinabuti mo.
In short, ‘wag kang “nega” (o kung hindi mo yan maintindihan – negative thinker)
na lagi mo lang pupunahin ang kanyang mga kamalian sa buhay. Ulit, may nagawa
ka ba na ganyan? Natuwa ka ba noong binigyan ka niya ng push-up bra para sa dibdib
mo sing patag na ng mga pananim sa Bulacan? Kung sumaya ka ba dahil magkasama kayo
buong araw habang nagwi-window shopping sa Mall Of Asia?
Kung isa sa dalawang
naunang tanong ay may sinagot ka ng OO, ibig sabihin ay “ang TANGA mo!”
Ngayon wala kang karapatan na manumbat sa partner mo, dahil
ipinapakita mo lang sa mundo ang pagiging hipokrito mo. Tanong ika nga ng Black Eyed
Peas sa kanta nilang Where Is The Love sa iyo, “Will you practice what you preach?”
At pangatlo... MAG-ISIP MUNA BAGO BUMITAW NG SALITA. Maaring
nagdesisyon ka na maging kayo base lamang sa emosyon na nararamdaman mo, pero
hindi yan excuse para magbitaw ng masasamang bagay sa kanya para lang mairaos
ang emosyon mo. Alalahanin mo na sa 9 sa 10 beses na nagbibitaw ka ng desisyon
mula sa iyong bugso ng damdamin e wala itong magandang naidulot sa iyo.
Sa madaling sabi.... MAG-ISIP MUNA BAGO GUMAWA NG HAKBANG O GUMAWA NG INGAY.
Sa madaling sabi.... MAG-ISIP MUNA BAGO GUMAWA NG HAKBANG O GUMAWA NG INGAY.
Yun lang. Corny ba?
Hindi. Mas corny ang mga tulad niyo na laging manunumbat sa partner niyo pagkana-bad
trip na ng sobra-sobra. Leche! Mag-mature nga kayo! At P.S. Kung hihirit mo ay dahil emosyonal kayo... weh? Emotional your face. Hindi pa rin excuse yan. Tsk.
Author: slick master | © 2013 september twenty-eight
productions
If men are from the planet of mars, and women are from the planet of venus, it only means that men and women are different from each other, different on their way of thinking and expressing themselves. But since reality is we are all living on the same planet (Earth).. Breathing the same air, and stepping on the same land, we can't expect anyone, including our partner to treat us the way we want to, we just have to embrace the fact that they will never do, and be contented on what they can give us, because even us can't give everything to them and yet, they stay and be with us, and in that case, that makes us all equal.. Emotional ang mga babae? So utak lang meron ang mga lalaki? (Kaya feeling ng mga babae sila lang nasasaktan?) Balikan natin, walang utak pala ang mga babae eh.. Ouch.
ReplyDelete