definitelyfilipino.com |
Laging kalbaryo ng halos sinumang pumapasok sa eskwelahan at nagtatrabaho sa kani-kanilang opisina ang tinatawag na “rush hour.” Minsan nga, may pagkakataon pa nga na sa inaakala mong ang bilis ng byahe mo porket alas 6 ng umaga ka na umali para sa alas-9 ng umaga na klase, hanggang sa mabulilyaso ka ng napakaliit at simpleng aberya tulad ng mga ito:
- May natapilok sa kalsada, palibhasa lango na nga sa kalasinga, e minaneho pa rin ang kanyang motorsiklo.
- O mga grabeng aksidente sa kalye. As in “major collission.”
- O pwede ring nang dahil sa isang bagahe na tinapalan ng sandamukal na masking tape, papasok pa sa LRT at siyempre, kelangang buksan ni Manong Security Guard yun.
- O yung punuan na nga yung jeep, pero ipagpipilitan pa ng barker na dosehan yan kahit actually sikip na sikip na ang sampung pares na mga commuter. Basta, sa ngalan nga naman ng kita oh.
Kaya minsan, kahit super-aga mo na umalis sa bahay mo, nale-late ka pa rin nang dahil sa mga aberya na tulad ng mga ito.
Kaya ito ang aking sampung payo para sa mga pasaway na laging nalelate sa kani-kanilang mga pasok sa paaralan at opisina.
Author: slick master | (c) 2013 september twenty-eight productions
roadragemanila.tumblr.com |
- Magdala ng pagkain sa byahe (kung on the go ka). Lalo na kung sa bahay e ligo-at-bihis-lang ang ginagawa mo. In short, magbaon ka. Mahirap kayang pumasok na walang laman ang sikumra mo. (‘Wag lag haling ha?). Kung sakalaing matrapik ka sa daan at tingin mo mahaba-habang byahe to e di take chances lang para kumain. Pero siyempre, bawal sa tren yan no.
- Parusahan ang mga abusaodong nilalang, ke drayber man o commuter, na hindi sumusunod sa batas trapiko. Sila ang tunay na dahilan kung bakit ambwakananginangyan e ang tagal-tagal n’yo nastuck sa kalsadang iyan (mga isang oras) na kung tutuusin e isang minute lang ang inaabot n’yo twing tumatakbo ang sasakyan mo sa speed na kwarenta kilometro kada oras. Ang daming factor – either ang drayber ay nagsasakay sa maling sakayan, bina-block ang intersection hanggang sa jam-pack na ang sitwasyon ng trapiko. O yung mga commuter mismo e abang nang abang at sakay nang sakay sa maling lugar. Tapos pustahan pag sila pa ang nasita ng traffic enforecer e sila pa ang may ganang magngawa ukol d’yan. Putanginang mga pasaway na ‘yan.
- Magdala ng eksaktong pamasahe. Ika nga ng kasabihan, “Barya lang po sa umaga.” Ito matinong tip, magpabarya kung kelan gabi na. Mahirap umangal ng “Hoy, tsong! Tangina mo, sukli ko!” sa byahe mong Libis hanggang Eastwood kung ang binayad mo naman ay buong isanglibong piso. Nagtaxi ka na lang sana. Buti sana kung sing-haba ng Alabang hanggang Malanday ang binabyahe mo.
- Huwag magdala ng sobra-sobra, lalo na kung sasakay ka sa MRT. Lalo na yung mga “props” lang nila. Pa-show off ba e hindi naman kelangan sa trabaho. Lalo na yung mga nakselyado ng duct tape. Hindi lang ikaw ang maaberya sa ginagawa mong yanb, tsong. Kundi pati na rin ang mga kapwa mo pasahero na mas nagmamadali pa yata sa iyo o kahit si Manong Sekyu dahil siya ang mapagbubuntungan ng galit kung “Bakit ba tangina ambagal-bagal ng sikyu sa entranced na ‘to? Military checkpoint ba ang peg?”
- Dapat ilabas ng mga otoridad ang kanilang “pangil.” Oo, ito kasi ang hirap sa iilang mga motorista, siksik kagad nang siksik basta makaraos lang sa rush hour traffic. Kapag isa ang umabante, sunod-sunod na ‘yan hanggang sa nakahrang na sila sa kalsada. Lahat, hari-harian. “E kami naman nagbayad ng buwis para patayuan ‘to ah?” ULOL. Kaya ang dami ring abusadong BUWISit sa kalsada na tulad mo! At sad to say, hindi kaya ng isang enforcer yan no. Kaso pag lumabas ang pangil ng MMDA o ng sinumang city traffic enforcer yan, pustahan, daming aangal. Tsk.
- Makinig ng radyo. At specifically, yung mga bagay na makakapgbigay say o ng update sa trapiko para alam mo na kung saan ka iiwas. Pero, mas magandang suhestyon ay yung mga palatuntunang makakapgbigay sa iyo ng ngiti sa labi mula sa tugtuging nakakarelax at nagdadala ng good vibes, hanggang sa mga tawanan galore. Meron diyan, hindi na lang ako magbabanggit. Kanya-kanya naman tayo ng taste pagdating sa “high-quality entertainment eh.”
- Mag-aral ng urban geography. At hindi mo kelangan ng kurso para ditto. Ang kailangan mo ay isa sa dalawang bagay na ito. Mapa (pero prefer ko yung road map na nakapaloob sa libro), o mga application tulad ng Google Earth kung may pagka-techie ka.
- Maglakad kung sobrang haba ng trapik. Hindi ka isasalba ng dyip mo kung 2 kilometro na lang mula sa sinasakyan mo papuntang opisina e hindi umuusad ang daloy ng trapiko mo. At lalo na kung naistuck ka na sa luga nay an sa loob ng kalahating oras. Yung mga kasama mo bumaba na pero ikaw hindi pa. Nahiya naman ang pagong sa bilis ng takbo niya kesa sa rush hour traffic na inabot mo. Keep moving, tol... on your own way nga lang.
- Keep calm. Magbaon ng sandamukal na psensya. Walang magandang idudulot ang init ng ulo sa isang matinding trapiko. Baka may makakabangga ka lang din d’yan... literally and figuratively. Sige ka, baka matulad ka sa mga road rager dun. (Sabay tingin sa T3 video nila Robert Carabuena at Saturnino Fabros). At minsan kahit mabadtrip ka, isipin mo na lang na makakarating ka pa rin, kahit ano ang mangyari.
- Maghanda ng MAAGA. Wala sa trapiko ang problema kung bakit nalelate ka (kawawa ang walang kamalay-malay na “traffic,” siya pa ang sisishin sa lahat. i.e., “Punyeta naman kasi e. Traffic sa C5!”). Nasa sarili mo iyan, lalo na kung babagal-bagal ka sa kilos mo. Hindi applicable ang pagka-cram sa mga taong kulang pa nang presensya ng utak pagdating sa ganitong sitwasyon.
Author: slick master | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!