Si Calvin Baterna, 9 anyos, may katangkaran ang itsura pero patpatin. Hindi mo siya makikitaan sa itsura ng isang bully. In fact, parang ngang hindi siya makabasag ng pinggan e. At ang kanyang nickname ay “bakal” at “batas.” May tirahan siya pero madalas sa bawat araw e namumuhay siya sa isang sulok ng kanto sa Maynila. As in doon siya tumatambay, nanonood ng TV sa tapat ng kapitbahay, kasama ang mga kapwa tambay, at kahit nag-aaral. Namulat siya sa mga makamundong bagay na nakikita niya sa kalye. Mga taong nakikipagbangayan sa isa’t-isa, mga taong mali-mali na nga asal e lulusot pa sa kanilang mga kalokohan, pagkalap ng tsismis, mga kapwa niyang bata na nagiging tambay at kawatan na lang porket lagi silang nabubungangaan at naabuso ng kanilang mga nakatatanda.
Pero pinili pa rin ni Calvin ang maging matino sa kabila ng lahat. Natuto siyang maging mabuting nilalang sa tulong ng kanyang pag-aaral sa eskwela. Sumunod sa utos ng magulang kahit lagi siyang nasisigawan (dahil nga sa hirap ng katayuan niya sa buhay), magdasal ng mataimtim. Actualy, halos matinong bata naman siya e.
Pero kung may bagay siya na natutunan niya sa kanyang mga kabaro at kaedad – yun ay ang umasta na parang siga. Bagay na lagi namang kinokontra ng nanay niya, ke wala pa siya sae dad para umasta na parang ang nagas niya. Hindi na lang nagsasalita si Calvin pero tinutloy-tuloy niya ang kanyang pag-aangas sa kalye basta nasa tama siya, tulad ng isang sitwasyon na ito.
Isang araw kasi habang nakatanaw siya sa labas ng kanyang bahay, napapansin niya ang taong ito na laging nagtatapon ng basura sa kanilang tapat. Pagka-alis ng tao e agad niya inayos ang kanyang lugar, tinanggal ang basura at nilipat sa tamang basurahan ang tinapon ng loko. Pero pagkabalik niya may isang bag ng basura na naman ang bumulaga sa kanya. Napakamot ulo na lang si Cal.
Unang beses e pinalampas niya yun. Noong pangalawa e nagpasaway pa rin ang mama na ‘to kahit nagpaskil na ang kanyang pamilya mismo ng “Bawal po magtapon ng basura dito.”
Sa pangatlong beses na nahuli niya sa akto, pagkatapos niya magwalis sa kanilang tapat, sinabihan na niya ang lalakeng nakapambahay na damit pero halata sa itsura na siya ay isang pasaway na tao na, “Kuya, mawalang galang po. Pero bawal po magtapon ng basura dito.”
Sumagot naman ang mokong, “Hoy, bata! Umuwi ka sa inyo ha, at huwag kang makikialam sa mgha ginagawa ng mga nakatatanda!”
Dahil sa pakiramdam na e binastos na siya ng taong kausap niya. Sinipa ang basura palapit sa taong nagtapon ng basura sa kanya.”
Napikon naman ang loko. Aakmahin na sasapakin na sana ng matanda si Calvin, hanggang sa… nakailag ito at binatukan ang nakatatanda. Gaganti naman ito sa pamamagitan ng pagkwelyo sa nakababatang si Calvin at sinigawan siya ng “Bakit mo ginawa yun?! HA?”
Sabay hawi naman ng kamay nito si Calvin at sinabi na “Tangina ka! Ang tanda-tanda mo nga pero ang tanga-tanga mo naman!”

“Aba, sumasagot ka pa ha? Asan ba magulang mo?”
“HINDI MO BA NAKIKITA YAN, HA? O NAGBUBULAG-BULAGAN KA LANG?” Sabay turo sa karatulang “Bawal magtapon ng basura dito.”Sa gitna ng away nilang dalawa, napatingin ang kanilang mga kapwa tambay. Pero mas napahiya yata ang matandang lalake. May isang sumasambit ng “Ah, ah, wala ka pala e!”

Agad naman bumitaw ang bata, “Wag kayong makialam! Kayo din e. Pare-pareho kayo diyan. Mga magrereklamo kung bakit binabaha ‘tong kalye natin pero tapon naman ng tapon ng basura sa kapaligiran.”
Sambit naman ng isa sa mga matandang tambay, “Aba, iho, grabe ka naman.”
Sambit naman ng isa sa mga matandang tambay, “Aba, iho, grabe ka naman.”
“Bakit naman? E tignan mo ‘to. Alam ko panay reklamo kayo diyan kung hindi binabaha e ang dumi at ang baho ng paligid niyo. E paano naman kayo hindi magrereklamo e kayo din gumagawa ng mga problema niyo.”
Hanggang sa napansin ng mga ‘to na tama pala ang bata. Buti pa nga si Cal, nakakaalam sa mga tama at dapat gawin. E sila na mga matatanda? Ayun, NGANGA.
Kaya simula noong araw na iyun, e nagsikap sila na linisin ang kanilang paligid. Salamat sa taong nagsilbing batas-kalye sa kanila, si Cal.
author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!