Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

03 February 2013

Binabalewalang Babala (Ang 21 Sa Mga Senyales Ukol Sa Pagiging Pasaway Ng Mga Pilipino)

02/02/2013 12:07 PM

Parte na ng pagiging Pinoy ang pagsuway sa mga batas-trapiko. Bakit ganun? Of course, we’re living in a democratic country! What can you expect pa ba?

Minsan siguro e napansin (o baka pa nga ay nagawa) mo na ang mga ganitong sitwasyon sa buhay, sa ating pagmamasid sa kalye, ke gagala lang dahil wala kang magawa sa buhay mo o sadyang may lakad ka lang talaga.

Photo credit: fotothing.com

  1. Mga tumatawid sa kalsada kahit may nakapaskil na “No Jaywalking” sign sa eskinita. Minsan nga e may nakalagay pa na “Bawal Tumawid. May namatay na dito.” placard mula sa MMDA.

  1. Ito naman ang halos similar ang problema, alam mo na nga na may footbridge e sa kalsada ka pa tatawid mismo. Ano to, tinatamad ka o sadyang adventuruous ka lang talaga akt mahilig kang makipaglaro ng patintero kay kamatayan? Kunsabagay, 2 minutes na gamit ang overpass kesa sa wala pang 30 segundo sa pagtawid sa kalye. Pero ang bottomline dun, matigas pa rin ang ulo mo. Alam mo na nga na bawal e gagawin mo pa. Kapag nasagasaan ka, akala mo naman kung sinong naagrabyado, porket mas mahalaga ang buhay ng tao kesa sa sasakyan.
www.flickr.com
  1. Pero sa kabilang banda, alam na nga na may “Slow Down: Pedestrian Crossing” (o ang mga kahalintulad) may haharurot pa rin na mga bwakananginang mga motorista. Bakit nga ba nagkaroon ng lisensya ang mga gunggong na ‘to kung ultimo mga traffic signs e hindi sila marurunong? May lugar kung saan na dapat drayber ang nasa tama, at may mga lugar na tulad ng pedestrian lane na kung saan ay nasa panig ng hustisya dapat ang mga pedestrian.
motorcyclephilippines.com
  1. Umiihi kahit alam na may “Bawal Umihi Dito” na nakapaskil sa pader. Isang napakaantigong halimbawa ng pagiging pasaway ng mga Pinoy. Walang pakialam kahit may kasamang mura at mga katagang “ano ka, aso?” pa na kasama.
pulpolitika.wordpress.com
  1. Isang malapit na halimbawa. Alam mo na nga na may public urinal, e iihi ka pa rin sa labas. Pucha! Anong excuse nila? Mabaho ang urinal e. Sabagay, hindi kaaya-ayang tignan ang ganun. Pero sa kabilang banda, ala naman may mabangong ihi, ano! Adik ka ba?
superpasyal.blogspot.com
  1. Yung mga nagtitinda kahit may nakapaskil na isang akratula na “No Vendors Allowed,” o bawal magtinda sa nasabing lugar ang espasyo. Minsan nga habang nasa byahe ako ng dyip sa kahabaan ng Pasig, nakita ko ang karatulang “Bawal magtinda sa tapat.” Pero ‘wag ka, pare. Sa tapat nya ay andun ang mgakariton na nagbebenta ng mga bargain na pantaloon. Bwakananginang yan.
Uso ang mga ganito sa panahon ngayon mula sa sidewalks hanggang sa mga overpass. Alam na nga na sagabal sila sa daan, sige pa rin sila ng sige, basta kumita lang. pag sinita naman ng otoridad hindi pa rin yan aalis. Pag pwersahan silang inechepwera dun, sila pa ang may ganang magalit at magngawa sa publiko at media. Alam ba ng mga ito na hindi kayang takpang ng isa pang mali ang isang nagawa nilang pagkakamali?


  1. No parking na nga, pero nakapark ka pa rin sa tapat ng sign na yan. Ano ka, tanga-tangahan, o masyado lang tainted ang salamin ng sasakyan mo kaya feeling blind ang peg mo? Isa na rin ito sa mga tradisyon ng mga pasaway na Pinoy.
  1. Siguro kung wala pa tayong speed radar sa mga expressway e magiging talamak din ang problemang ito – ang overspeeding. Yung tipong alam mo na nga na 100kph lang ang maximum speed limit, pero 150 km/h na ang nababasa na ng iyong speedometer. Buti sana kung emergency ang trip.
  1. No loading ang unloading zone. Isa rin ito sa mga kapalpakan ng mga drayber at pasahero sa kalye. Pareho lang sila may mali kung ang sitwasyon ay ganito:
  • Kung yung drayber ay nagbababa at nagsasakay sa hindi dapat babaan o sakayan ng mga pasahero; o
  • Kung ang pasahero ay sumasakay o bumababa sa hindi tamang lugar na babaan o sakayan para sa kanila.
Buti na lang, may mga tsuper o kundoktor ng mga pampublikong sasakyan na nagsasabi sa mga pasahero ng “Dito po tayo bumaba. Bawal po diyan.” Kasi kahit papaano e alam nila ang batas, o kung hindi man batas e alam nila ang tama at dapat gawin sa mali at hindi dapat. Ang hirap kasi sa ibang pasahero parang gusto pa sa tapat ng pinto pa mismo sila ibaba. Mga tamad lang nila. E buti sana kung alam nila na responsibilidad pa rin nila bilang mga tangang pasahero na hindi dapat bumababa sa tamang lugar kung sakali man na masita ng isang traffic enforcer o kotong cop ang tsuper ng sasakyang sinasakyan nila.

www.motorcyclephilippines.com
  1. No left turn, right turn o U-turn. Self explanatory, pero minsan kasi may considerable excuse. O mabuti pa dapat e ayusin na lang nila ang sistema ng pagpapatupad nito.
  1. At minsan pa ay ganito, may one-way sign na nga, sige… dadaan pa rin ang mga mangmang!
  1. Alam mo yung sitwasyon na alam na nga na bawal bumusina dahil may mga aktibidad tulad ng klase sa eskwelahan o misa sa simbahan, sa kalyeng dadaanan mo pero meron at mayroon pa ring mga ipuputak pa rin ang kanilang busina. Oo, kahit alam na nga na bawal. Alam ba ng mga ito ang salitang bawal?
  1. Yung may babala na nga na “Don’t Block The Intersection” pero sige ka pa rin sa pagabante kahit alam mong makakharang sa ibang dadaan. Potek! Hindi lang ikaw ang nagbabayad ng buwis para magpagawa ng mga kalye ano? Ganyan din ang kaso sa “Don’t block the Driveway.”
sonofpriam.blogspot.com
  1. Ang always-ever-present na “Bawal Magtapon Ng Basura Dito” na karatula, pero may supot ng sandamukal na mga basura at patuloy na nagtatapon pa ang mga tao sa mismong lugar nito. Mga gago lang e no?
Minsan, hindi lang sa kalye nakikita ang mga ito. Kahit sa mga pampublikong lugar, usong uso din ang pagpapasaway. Tulad nito:

  1. Sa computer shop, may manunood pa rin ng mga website ng pornograpiya at iba pang mga pinagbabawal kahit may nakapaskil nga na “no surfing of porn sites.” Kahit tagalugin pa yan kako.
jaydee29.multiply.com
  1. Sa simbahan, at kahit sa mga bar na gimikan. May mga gagala pa rin dun na wala sa ayos ang porma kahit alam na nga na may dress code.
www.flickr.com
  1. Ito ang primero pero may pagkakaton na kunsiderable base sa dahilan at pagkakataon – ang “No ID, No Entry” policy. Yung iba, tamad lang isuot (pwede naming tanggalin pag nakalagpas na sa security, ang aarte lang). Yung iba, napapangitan sa itsura ng retrato nila o ng layout ng ID mismo. Yung iba, may sakit yata ng Alzheimer’s sa pagiging makakalimutin nila – sa sobrang pagiging ulyanin kako e ni sa blangko espasyo yata niya yata nailagay ang ID nya e hindi pa nya maalala. Kung aha slang yan, baka tinuklaw ka na.
  1. Yung “no minors allowed” sa mga lugar na pang matanda talaga. Minsan, idadaan sa face value. E pano kung 22 years old ka na pero mukha ka pa ring 17 anyos? ID lang ang panlaban mo. E kung siya 12 anyos pa lang pero dahil sa may bolas ng PR o mukha siyang matanda e nakakaalpas siya. Ay, naku.
  1. Sa gasolinahan, yung text ng text kahit na dapat ay nakaswitch off na yung cellphone mo. Siguro kung bouncer lang ang itsura ng gasoline boy, sasabihan ka lang niya ng “sir, bawal po magtext dito” o ‘di naman kaya ay, “sir, tingin po kayo sa kaliwa niyo sabay ang un among napansin ay ang “switch off your cellphones” sign.
At minsan, wala sa kalye o sa lugar ang pagiging matitigas ang ulo ng iilang mga kababayan. Nasa mga sasakayan pa mismo, parang ito:

  1. Yung magyoyosi ka kahit may nakapskil na nga na No Smoking sa tapat ng sign pa mismo. Actually, kahit saan talaga ito applicable. Pero may mga tao na nakakalimot yata na ang pagtanggal ng stress sa buhay ang inilalagay sa tamang lugar – tulad ng paninigarilyo.
  1. Ito naman ang aking napansin habang sumasakay sa LRT. Mga tao na kinukulit ang emergency button kahit mahigpit na ipinagbabawal. E wala naming emergency nun.
Iilan lang iyan sa mga pagkakataon na nagiging matigas ang ulo o umaakto na mangmang ang iilang tao pagdating sa disiplina sa kalye. Siguro ito na rin ang dala ng ating demokrasya. Kaakibat na nito ang pagiging pasaway, ang sumuway sa batas-trapiko.

Nakakalimot yata tong mga to na sila ang may puno at dulo ng sistemang ito. Kung marami man ang pasaway, ito ay dahil sa bulok na ito; at kung bulok man talaga, e kasalanan pa rin natin yan no.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!