Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

07 February 2013

DIGS! (Dynasty Inside the Goverment and Showbiz)


01:39 P.M. | 02/07/2013

Salamat sa Jeepney TV block-time ng Studio 23, at napanood ko ang isa sa mga antigong sitcom noong 1987 na pinamagatang “Going Bananas.”

At isa sa mga naka-agaw nang pansin sa akin ay ang segment ng naturang gag show na tungkol sa “dynasty.”  Bagamat mayorya sa mga spoof ng comedy program na iyun, satirical na ang dating ng segment na ito sa akin, bagay na siguro e nagbigay sa akin ng panghuhusga na isang kumpleto sa rekados na palabas noon ang Going Bananas. May dalawang panig, dalwang tao kada panig, at may tagapamagitan. Debate ika nga.

Ang aking mga naispatan, ang pangalan ng mga tao sa entertainment industry na hinahalintulad sa gobyerno kung dinastiya ang usapan, tulad ng ilang mga spiels na ito... (hindi sa eksaktong paglalarawan)


“...’di ba, si KC nila Sharon at Gabby?”
“... ‘yung si Lotlot na anak ni Ate Guy?”
“’Yung mga artista naman sa That’s Entertainment e puro anak din ng artista e!” ”Hindi naman lahat siguro.” “Hindi nga lahat, pero marami pa rin!”
“’Yung iba nga hindi dynasty kasi pinalitan lang ang pangalan para lang mapansin sa industriya e.”
“Dapat sana e pagbigyan din yung iba. Give chance to others, kasi lalo na kaming mga maliliit na tao dito sa industriyang ito...”

Pero... parang napansin ko lang.

Sa aking pagsasaliksik sa tulong ni pareng Wikipedia, iilan lang ang numero ng mga taong magkakadugo sa tunay na buhay na pumasok sa larangan ng enterainment.

Yung iba na pinapalitan lang ang pangalan ay hindi talaga dynasty. Nagkataon lang siguro, dahil sa mundo ng pagbibigay-aliw, kailangan may matindi kang pangalan na gagawin at dadalhin. Kung sing-pangit ng mga kolokyal na salita ang pangalan mo, malamanghindi ‘yan pwede. Pwera na lang kung iakw si Arvin Jimenez na mas nabigyan pa ng pansin bilang si “Tado.”

Parang minsan habang nilaliman ko ang lahat, hlos walang linya na namamagitan sa magkaibang pwesto ng showbiz sa pulitika. At ang dinstiya na tinutukoy dito ay magkakahalintulad lamang talaga. Ano ang tinutukoy ko?

Halimbawa, sa mundo ng pamamahala... ang ama ay mayor, ang ina nama’y congressman, at ang anak ay tumatakbong konsehal.

O pwede ring, ang nakatatanda ay kakampanya sa kanyang puwesto bilang senador, ang anak ay tatakbong kongresista... etc.

Sa mundo ng pag-aartista, may ganyan din. May anak ang dating magkaloveteam sa pelikula na naging isang aktor sa telebisyon, may kapatid pa nga ito na naging isang rakista, minsan pa nga e may pinsan pa nga ito na dancer at miyembro ng isang sikat na dance group.

Halos walang masama kung ganito. HALOS. Siyempre, may flaws ang usapanag dynasty, lalo na sa mundo ng politics. ‘Di ba parte ng ating saligang batas ang nagbabawal sa sinumang kamag-anak na tumakbo pulitka? Ayon nga sa Article 2 Section 26 ng Konsitusyon ay...
“The state shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may defined by law.”
So, in short, bawal talaga. Pero nasa lipunan tayo na ultimo ang mga mamamayan e sumusuway sa batas mismo. Asa pa tayo sa ganyan no?

May batas dapat na magpapatibay sa pagkontra ng estado sa dinastiyang pulitikal. Kaso, asa naman na tuluyan iyong maisasabatas, no?

At sa kabilang banda, sa mundo naman ng showbiz, halos walang masama din. Lalo na kung talagang...
Una, nasa dugo na nila amng pag-aartista, yung tipo na may sarili siyang distinksyon at istilo na pagpoportray sa sarili, hindi puwedeng ihambing na lang sa kanyang magulang, o kamag-anak nang basta-basta.

Pangalawa, trip sila ng mayorya, dahil sa angking talento niya at hindi sa katangahang pinapauso sa mainstream. At...

Pangatlo, pasado sila sa mga kritiko na tumitingala sa industriya ng entertainment. Yung mga husgado na alam ang kanilang ginagawa sa paghubog sa talento at pagpuna sa ilang mga dapat iwasto sa isang taong umaarte sa pinilakang tabing,

E pa’no kung may mga tao na ank nga ng artista, pero kung umakting e daig pa siya ng mga “extra?” O kung kumanta siya e daig pa siya ng mga taong nagse-“second voice?” O sa pagsasayaw e mas maayos pa gumalaw ang mga back-up n’ya? Ano ka, “si boy pick-up?” na kahit walang kaato-atorya ang mga linya e napapa-BOOM pa rin ang taumbayan dahil sa kanyang magiting na boy back-up (“i.e., “ang luoit mo talaga, pick-up!”)

Pero paglilinaw, huwag masyadong seseryosohin ang nabangit na halimabawa. Balik tayo sa usapan...

Hmm... ganun? Patay tayo diyan.

E paano yung mga tumatakong artista sa gobyerno? Hay, naku. Showbiz government nga naman oh. Pag-usapan natin yan sa isa sa mga susunod na arangkada ng aking mga tirada.

Basta sa ngayon, astig talaga ang mga lumang sitcom. Dapat nasa sirkulasyon ulit ng TV programming tong mga ‘to e.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!