09 February 2013

EDSA After 27 Years... anyare?


11:29 AM | 02/09/2013

Halos 27 na taon na mula noong naganap ang isa sa mga nag-iwan ng matinding marka sa kasyasayan ng mga akto ng rebolusyon sa ika-21 siglo, hindi lang dito sa Pilipinas, kundi sa buong mundo na rin.
Pero, ano na nga ba ang nangyari sa ating bansa?

EDSA after 27 years... anyare?

Ayun, ang naging avenue ng people power revolution, ay naging numero unong sakit ng ulo sa mga tao ngayon – lalo na pag rush hour! Dito mo makikita ang ibat ibang mukha ng lipunan ngayon.
Una sa madalas ay sobrang trapik lang, mula Balintawak hanggang North EDSA, sa ilalim ng Quezon Ave na nagpadagdag pa ng aberya minsan sa mga tsuper ng pamapasaherong dyip (Imbes kasi na tatawid sila at magyu-U-tun sa ilalim ng flyover e napipilitan silang umatras at dumaan ng overpass, ewan ko lang kung ganito pa rin ngayon dun.) hanggang sa Cubao. Hanggang dumating ng Ortigas, Guadalupe, Buendia, Ayala , Magallanes at Pasay. Madalas ay mabigat ang daloy ng trapiko sa kalsadang ito.

EDSA after 27 years... anyare?
Nagkaroon ng extension ang kalsada papunta sa Diosdao Macapagal Blvd, at ang pinakadulo nito ngayon ay sa SM Mall Of Asia. Malapit lang siya tignan mula sa Roxas Boulevard. Pero, akala mo lang yun.

EDSA after 27 years... anyare?
Nagkaroon ng MRT Line 3, bagay na kahit papaano e nagkaroon ng magandang (teka, maganda nga ba?) alternatibo para sa mga commuter. Pero sa kabilang banda, kung hindi heavy traffic ang mga sasakyan, heavy traffic din naman ang mga tao sa mga istasyon. E kung sa karamihan ng istasyon e ang hahaba ng pila (doon lang sa mga matao at madalas na sumasakay siyempre), what more pa sa mga tren mismo na akala mo e parang mga isdang sardinas na pinagkasya sa iisang lata (at partida, walang sabaw!).

EDSA after 27 years... anyare?
Ayun, naging isa sa mga pugad ng mga aksidente at kawalanghiyaan sa kalye. Maliban pa sa mga tulad ng C-5 at Commonwealth Avenue e naging isa rin ito sa mga kinalulugaran ng mga aberya sa kalye dala ng mga kawalanghiyaan ng ilang mga motorist, particular na ng mga bus na akala mo e parang nakipagkarerahan sa mga katrabaho sa ibang kumpanya. Sabagay, kelangan kumita e pero hindi ibig sabihin nun na kailangang pairalin ang personal na interes kung may responsibilidad ka naman na dinadala bilang si manong tsuper at ang kumpanyang pinaglilingkuran mo.

EDSA after 27 years... anyare?
Overcrowded na, hindi sa dami ng taong dumadaan o mga “pedestrian,” kundi dahil dumarami rin ang mga walanghiya sa mag sidewalk mula sa mga nagbebenta sa mismong daaanan ng tao hanggang sa mga pasimpleng dorobo.

Minsan nga napadaan ako sa isang overpass ng EDSA-Quezon Avenue at nakita ko ang karatulang “For Sale” at katabi nito ay isang bagong digicam, cellphone at ilang mga alahas na halatang pinitas ng isang magnanakaw mula sa kanyang nabiktima. E paano ka naman hindi maghihinala e yung taong nagbebenta kahit tulog e halatang snatcher ang itsura? Anak ng pucha. Tol, baka ito pa yung camerang ninenok mo sa tropa ko na dumaan dito ha? Sapakin na ‘to, boys!

At ito ang antigong lugar ng kalokohan at prositutsyon pag dis oras na ng gabi – sa may EDSA at Aurora Blvd.  

Oo, mga sidewalk vendors pa pala. Hindi sana masama ang maghanap buhay, pero daig pa kayo ng mga takatak vendor pagdating sa pagiging disenete eh. Alam nyo na nga na bawal yan, gagawin pa rin. Pag sinita ng otoridad, sila pa ang may ganang magmura sa harap ng media. Putangina naman. At hindi lang sila sa sidewalk naglipana, pati sa mga overpass din. Kaya sa halip na makadaan kami ng maayos, ayun. Napapakamot-ulo na lang ako.

EDSA after 27 years... anyare?
Ang demokrasyang tinatamasa natin ang nagdala sa ating kinalulugmukang sitwasyon sa ngayon. Oo, nakalaya nga tayo, pero sa sobrang pagiging Malaya natin... nasaan na tayo?
Kung sinabi nga ng dating diktador na si Ferndinand Marcos noon na 20 years mula noong napatalsik siya sa pwesto ay babagsak nga ang Pilipinas... hindi na ako magtataka. Kasi una, naungusan na tayo ng ibang bansa, salamat sa kanilang pagpapahalaga sa kultura at disiplina sa buhay. Habang tayo na isa sa mga nagunguna noon, ayun parang NGANGA na lang, salamat sa mga kababawan, pagiging “pasaway” sa batas-trapiko, tsismis at usaping lovelife, at ultimo ang istupidong pagiimpluwensya ng mass media sa atin.

EDSA after 27 years... anyare?
Naibalik nga sa iilang tao ang mga TV network na pgamamay-ari nun, nagkaroon ng magagandang programa at palataporma ang mga sumunod na admimistrasyon. Pero hindi lahat ay natupad at umusbong.

EDSA after 27 years... anyare?
Nagkaroon pa rin ng pagkilos laban sa gobyerno, parang wala lang din. May kudeta pa rin e. Dahil naganap ang Mendiola Massacre, nasundan pa ng EDSA dos, at Oakwood Mutiny.

EDSA after 27 years... anyare?
Ayun, ang daming umabuso sa ating demokrasya. Minsan, kailangan pa yatang maging barbaro ang isang tao para pakalmahin ang isang umaatking na siraulo. Para sawayin ba? Freedom of speech is absolute? Sure, oo nga naman. Pero... weh? May kalakip na responsibilidad pa rin ang lahat ng kalyaan natin noh, sa ayaw at sa gusto natin. Ganun talaga e.

EDSA after 27 years... anyare?
May corruption pa rin, at dumami pa yata lalo. Hindi lang sa hanay ng pamhalaan, pati na rin sa ibang mga pangkat ng tao sa ating lipunan. Sinasabi ang ilan sa mga nagdaang presidenta pagkatapos ni Marcos ay naging corrupt din (kahit small scale lang). Kaya nga naging isa rin ang Pilipinas sa mga tinaguriang most corrupted country nun.

EDSA after 27 years... anyare?
Ayun, sa halip na pasulong tayo... asan na nga ba? Nagmaniobra ata e.  Marami rin ang nagsasabi na parang umatras pa tayo lalo, naghirap lalo... parang hindi raw natin ginamit sa tama ang pagiging demokratiko natin. Ang ipinaglaban nila Ninoy at Cory para tamasan itong klase ng lipunan natin... ay, ewan. Basta, hindi na rin ako magtataka.

Pero ‘wag tayo mawawalan ng pag-asa. Nagsisimula pa pang tayo tumahak sa pagbabago eh.

At ayan na naman tayo sa “pagbabago” na iyan. Wala nang kamatayan, pero wala rin naming katiyakan.

Pero ito ang aking huling pahabol.

EDSA after 27 years... anyare?
May tsismis noong 2011 na balak ipanukala ang pagpapalit ng pangalan ng kalsadang Epifanio Delos Santos Avenue at gawin itong Corazon Aquino Avenue. At bakit ganun? Dahil doon raw nakilala ang diwa ng demokrasya, sa taong iyun at hindi sa kalsadang ipinangalan sa isang historyador. Sabagay, hindi na ako magtataka dahil hindi naman kilala ng mayorya si EDSA. (Oo nga, sino ba yun? Malamang bihira lang ang mga estudyante na makakrelate dito kasi hindi naman yata masyadong tinalakay ito sa asignaturang kasaysayan.)

Pero, parang ang sagwa lang ng dating kung mangyari yun. Dahil lalo na kapag bad trip ka sa rush hour traffic..

Pare 1: “Oy, alas-nueve y medya na ah! Anyare?”
Pare 2: “Tangina, dre! Ang trapik sa Cory (Avenue)!”

Syete. Tunog awkward nga.
author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

2 comments:

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.