Ang blog na ito ay naglalaman ng mga patawa na nakalakip sa
mga matitinding mga pangungusap at salita. Ang magseseryoso ng sobra-sobra sa
blog na ito... tanga!
Hindi ako fan ni Stanley Chi dati. In fact, naisip ko nun
na “sino ba ‘tong Tsinoy na ‘to?” Suplado ba masyado ang dating? Maari, kung
pagbabasehan mo ang statement na iyan (pero utang-sa-boundary, magbasa ka naman
muna bago manghusga no!) Una, noong naispatan ko siya sa event ni Ramon
Bautista, at salamat sa tropa ko na may halos sing-interes ng utak na tulad sa
akin at nalaman ko na “ahh, siya pala yun.” Nakakatawa nga e, noong una ko
siyang napansin e suplado pose din ang pictorial peg niya kasama ang sandamukal
na mga lalake at nag-iisang babae na nakatingin lang sa camera nun.
Natapos ang event ni Stanley at pagdating ko sa bahay e agad
kong binasa ang libro niya. Nauna ko yata tirahin yung ikalawang Suplado Tips
nun, at pagkatapos nun ay binasa ko naman yung una.
At ito lang naman ang aking mga natutunan sa librong iyan. Hgindi
sa sinasabi ko na “okay ang supalduhin ang sinuman, ha?” Bagkus, ang punto ko
po dito ay ang pagsusuplado ay ginagamit sa wastong lugar. Ibig sabihin, kung
may dahilan kung bakit siya dapat supladuhin, NARARAPAT LANG. Kung ikaw ay
inaagrabyado sa pammamagitan ng pambabasag ng trip nila, kung sadyang
nakakatanga lang ang mga sinasabi nila sa iyo, o sadyang nakakapika lang.
(Kung typo man ang dating nito para sa inyo, ‘wag na kayong
kumontra dahil ganyan talaga ang istruktura ng mga salita at pananda ayon sa
mga librong nabasa.)
Yung tipong obvious na ‘di ba? Parang ang mga ito:
- Pag sinabi ng kasama mo, “Hay naku, Monday na naman,” hiritan mo ng, “Alam ko, tumitingin ako sa kalendaryo!”
- Kung may nagsabi ng “ANG INIT!” hiritan mo ng, “Eh di buksan mo ang aircon, problema ba yun?!”
- Kung malakas ang ulan at hangin tapos may baha, at may nagtanong ng, “May bagyo ba?” Sagutin mo ng “Wala! Guni-guni mo lang yan!”
Yung mga tao na hindi na iniisip kung nasa tama ba sila o
kung nakakasakit ba sila sa kapwa nila o ano? Parang ito:
- Kung may sumingit sa pila, tignan mo ng masama at sabihan mo ng, “Pumila ka ng maayaos!” para makonsensya siya at umalis na lang!
Yung mga tipong wala-sa-lugar-kung-mag-inarte. Sarap lang
nila mabanatan ng pagkasuplado. Tulad nito:
- Kung may maarteng babae na mahilig mag-Taglish pero di naman niya bagay, sabihan mo ng “I swear, I’m gonna make sipa you na!”
- Kung siksikan sa MRT at may nakasakay na maarte, humirit ka ng, “Kung ayaw mo ng siksikan, mag-taxi ka!”
- Kung madaming nagrereklamo sa bagong Facebook, hiritan mo ng, “Bumalik ka na lang kaya sa Friendster!”
Mga patotoong kasabihan, parang...
- Kung hindi ka niya type, wag mo nang kukulitin... matutuwa pa siya sayo! Ang taong INGGIT, walang humpay kung MAKALAIT!
- Wala yan sa tatak ng damit... nasa Nagdadala yan!
- Huwag mo na siyang tulungan, wala naman siyang utang na loob!
- Kung binastos ka ng kausap mo, murahin mo! Paminsan-minsan kailangan mong ipakita kung paano ka magalit!
- Huwag magyabang kung hindi naman kayang panindigan!
Mga resbak o rebuttal sa mga abusadong nilalang sa lipunan,
tulad nito...
· Kung hindi ka sinuklian ng tama ng taxi driver, huwag mong isara ang pinto!
Yung mga makukulit na nilalang. Sarap lang nila mabira as if
na suplado ka, parang ang mga ito:
· Kung panay ang yaya sayo ng kaibigan mo sa mga gimik at wala ka namang balak pumunta, sagutin mo ng “Busy akong tao dahil ginagawa ako para sa kinabukasan ko!”
O sadyang panuplado lang talaga. Parang...
- Kung may nakita kang kakilala mo sa mall, hayaan mo na siya ang unang pumansin sayo – kunwari di mo siya nakita!
- Kung gusto mong seryosohin ka ng chicks, huwag mong biruin... supladuhan mo!
- Kapag may nagpapa-picture sayo... Pumayag ka, pero wag kang titingin sa camera para isipin ng tao STOLEN SHOT!
At iba pa.
Nakakatuwa na may mga matitinding punto lang din ang librong
ito. Kahit ako nga mismo e nasapul din sa ilang mga hirit at patutsadang tips
ng awtor.
Sa halagang halos isangdaang piso, well... ayos din ‘to ha. Aminado
ang inyong lingkod na parte na rin ng personalidad ko (kung sakali na may
nakakakilala sa akin dito pero wag na lang tayo maingay ano po?) ang pagiging
suplado. At buti na lang, hindi ako nag-iisa na ganito, hehehe!
Minsan, tama pa rin ang naisulat ko nun sa Inside the Mind
of A Straightforward Guy. Minsan, mas okay pa ang maging suplado kesa naman sa
laging inaabuso. Kaya ang mga taong mangpa-power trip sa kanilang kapwa, nararapat
lang sila na supladuhan!
Verdict: 7.5/10
Kung hindi ka pa kumbinsido sa libro niya, ito... panoorin
mo ang testimonial ni Ramon Bautista.
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight
porductions
Ma try ko nga itong mga Suplado tips! hahahaha! sure akong sasampalin ako ng isa kong kaibigan nito! hehehe
ReplyDelete" Minsan, mas okay pa ang maging suplado kesa naman sa laging inaabuso"
Totoo to, minsan naaabuso yung pagiging mabait mo, tao din lang naman tayo, nauubusan ng pasensya.
hanapin ko ito sa NBS dito sa Bohol.
you should have this, man. hehe! astig lang niyan.
Delete