Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

05 February 2013

Masamang balita.

04:35 p.m. | 02/05/2013

(Ang mga mababanggit sa blog na ito ay pawang mga halimbawa at koinsidensyal lamang.)

pelikulaatbp.blogspot.com
Sa isang araw na lumilipas ay may gabing naglalahad ng mga istoryang naganap, o pwede rin namang nailalahad sa papel ang lahat-lahat ng kaganapan sa nakalipas na araw. At madalas ay naririnig mo ang mga ito sa radyo o napapanood mo ang mga ito sa telebisyon.

  • “Bangayan nina Congressman Pedro at Senator Bernardo, umiinit!”
  • “Juvenile Justice Act, nakikitaan ng maraming butas! Mga kaso ng sangkot ang mga menor de edad, dumarami!”
  • “Isa, patay sa sunog sa Pasay!”
  • “Dalawang holdaper ang nakatakas mula sa hinihinalang kuta nila sa Caloocan!”
  • “Mga sinalanta ng bagyo sa Davao, humihingi ng tulong!”
  • “Presyo ng gasolina, tumaas!”

Parang halos siyam sa sampung aytem na ibinato ng mga tapaga-ulat sa mga tumatangkilik nito ay negatibo lagi ang laman. Okay lang sana kung matino pa ang mga salitang ginagamit e.

E paano kung hindi? Parang ganito?

  • “Kelot, nalitson ng buhay sa Pasay!”
  • “John, Hinamon si Willie!”
  • “Davao, binayo ni Pablo! Sampung bayan, winasak!”
  • “Pacman, tulog kay JuanMa!”

At sa mga report mismo.

Halimbawa ay nahuli ang suspek sa isang modus na ginawa niya sa Cubao. Madalas ang maririnig mo ay “swerte namang nahuli ang suspek sa Cubao...” Teka, ano ‘to? Parang ayaw mo pang mahuli ang gumawa ng kalokohan sa manner ng pagsasalita mo na iyan ah.

Pag may namatay... “minalas naman ang isang mama sa Kyusi nang masagasaan ito.” Sabagay, malas nga naman, pero may mas matinong salita naman para gamitin to di ba?

Ang taong duguan – “Naliligo sa sariling dugo.” Antigo siya, mabenta rin, pero... parang hindi tama.

Tunog tabloid diba? Pero mula pa noong nagsimula na magbago ng format ang mga sinusubaybayan nating mga palatuntunan sa telebisyon e nagkaroon din ng tinatawag na “tabloidization” sa mga newscast. Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit mga ganyang salita na ang napapansin mo, maliban na lang kung ang tanging source mo lang ay ang mga broadsheet na Ingles.

At kung papansinin ang mga laman, negatibo nga. Pero anong negatibo ang tinutukoy ko? Bangayan sa pulitika, krimen sa lipunan, kalamidad, at ultimo ang tsismis sa lovelife.

Negatibo na nga ang laman, ang sama pa ng mga ginamit na salita. Kung maalala ko ang sinabi ng ilan sa mga propesor ko noong nag-aaral pa ako, sadyang negatibo talaga ang perspektibo ng media sa Pilipinas ngayon. At come to think na trendsetter ng lipunan ang media. Fourth estate, ika nga. So kaya ba naging negatibo na rin ang tingin ng tao sa lipunan ngayon, lalo na sa pamahalaan? Well, madali magsabi at madali rin magbigay ng opinyon lalo na ngayon na nasa isang demokratikong lipunan tayo.

Pero huwag tayo maging masyadong nega, dahil kung may bad news, meron din namang good news, tulad ng mga ito.

  • “Donaire, wagi bilang Boxer of the year!”
  • “Manila Kingpin nanalo bilang best picture sa FAMAS!”
  • “Ekonomiya ng bansa, gumanda ngayong taon!”

Yun naman pala e. May magandang balita rin pala kahit papaano e. Anong problema?

Ayon sa iilang mga tao, hindi na raw balanse ang mga programa na naghahatid ng pagbabalita at pagbibigay impormasyon sa panahon ngayon.

Ganun?

Naalala ko ang debate ko nun sa aking Media Ethics class. Bakit nga ba mas umaalingawngaw ang masasamang balita kesa sa mga mabubuti?

Maliban sa mas nakakakuha ng atensyon ng tao e mabenta pa ito. Marketable, ika nga. Sabagay, dito lang nabibigyan ng exposure ang mga bagay na tulad ng rescue units, pulisya, at ultimo ang mga punerarya. Kunsabagay, napakabihira (kung hindi “wala”) kang makikita na ganito na nag-aadvertise sa mass media e.

Pero dapat ba sa lahat ng oras e mag-isip tayo ng negatibo sa lahat ng pangit na nababalitaan natin? Nasa sa atin kasi kung magpapadala tayo o hindi e. Kung meron na nake-carried away sa mga bad news, meron din namang nag-iisip “on the brighter side.” Sa mga krimeng nagaganap, maaring maiisip mo na nakakatkot na nga lumabas ng bahay o wala nang safe na lugar sa mundong ito. Pero sa kabilang banda, mapapaisip ka na mag-ingat ka at mapgakatino.

Yun nga lang, nasa lugar din. Hindi lahat ng bad news e on the brighter side palagi tayo maglalast resort. Nag-aaway na nga ang mga taong binoto mo, masaya ka pa dun?


Author: slickmaster | (c) 2013 sseptember twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!