17 February 2013

Offending the Hypocrites

02/17/2013 05:21 PM

Alam mo, mahirap makipagdebate sa mga usapin na may kinalaman sa relihiyon. Mas mahirap din lalo na gumawa ng kuro-kuro kung papasukan ito ng kulay tulad ng hahaluan ng isang relihiyosong sector ang usapan.

Pero minsan kasi, pang hindi alam ng tao kung ano ang tunay na pananampalataya sa pagiging ipokrito lang.

At minsan, ito pa ang nakakainis diyan – kung sino pa ang umaastang banal, yung ilang mga taong tinitingala natin, nirerespeto, halos samabahin natin sa loob ng simbahan o templo – ay mas masahol pa sa hayop o ni kay Satanas kung umasal sa labas ng mga relihiyosong lugar. Ika nga ng isa sa mga bunsong kaibigan ko sa blogging industry, yung mga taong “pakitang-tao lang” ang faith nila kay God, pero ang sasama naman ng ginagawa sa lipunan.

Parang si Sister na pagkaamo-amo ng mukha pag nasa loob ng kumbento, pero kung nasa labas siya halos wagas kung makapagsumpa sa kamalian ng tao, kung makapagmura akala mo siya ang siga sa Tondo. Ate, mawalang galang po, pero hindi po ganyan ang turo sa akin ng mga kabaro niyo po – akala ko po ba na mga mabubuti pong nilalang ang mga taong lumaki sa seminary at kumbento?

O si totoy na isang sakristan sa loob ng simbahan, pero kapag nasa kalye e akala mo kung sino na. nakalimot yata sa kanyang katinuan noong nakikipagtrashtalk siya habang naglalaro ng DotA.

O si Father na halos ka same scenario ni Sister. Paktay, yun lang. *triple facepalm*

Isama mo na rin yung mga taong wala nang inatupag kung hindi ang laitin ang ibang paniniwala ng tao. Okay, may bibira at sasabihin na “E sinasabi ko lang naman ang tamanag landas, bro.” Tsong, mawalang galang lang po ha? Pero may linya na naghihiwalay sa pagitan ng relihiyon at hipokresiya. Dapat alam mo po ito na iba ang nagpi-preach ka ng mabuting balita sa taong ipinagmamalaki nga ang kanyang pananampalataya sa Poong Maykapal and at the same time, pinagmukukhang masama ang pinaniniwalaan sa iba. Kung tunay ka nga na relihiyoso, dapat alam mo ang salitang respeto sa paniniwala ng iba, at kalakip ito ng ating kalayaan sa pagpili ng sasapiang relihiyon. Hindi iyan ang tamang pamamaraan ng panghihikayat sa iba na sumapi sa anumang pinaniniwalaan mo.

Yung mga tao na parang nanghihingi ng kapalit para lang ipagdasal. Actually, depende yan.

Yung mga taong simba nang simba, pero mura naman nang mura. Akala mo kung sinong mabait ang itsura pero tila sobrang sama naman ng kanyang bunganga. Kaya tuloy nagmumukhang show-off lang ang dating ng mga ‘to. I mean, parang nagmumukha silang “pakitang-tao” ang kanilang pagsisimba. Para masabi lang na kahit papaano e mababait sila.

Kung tutuusin, parang ang dating tuloy ay parang ganito. Ang pagiging HIPOKRITO ay walang pinagkaiba sa pagiging PLASTIK. Halos maikukumpara ito sa kasabihang “Ang sinungaling ay ang kapatid ng magnanakaw.”

At akala ko ba may separation of church and state? Bakit na lang ang wawagas ng ilang tao sa sekta ng relihiyon na makialam sa mga isyung panlipunan na hindi na wala na sa bounds ng katungkulan nila? Ni ayon nga sa ilang tao e hindi naman sila nagbabayad ng buwis, laging ikinakatwiran ang mga mahihirap. At ito pa… lalagyan ng kahulugang-relihiyon ang mga bagay-bagay kahit hindi naman dapat.  Katulad noong kasagsagan ng RH Law, sa dalawang pagkakataon na tatapusin na sana ang argumento e nanalanta naman ang masamang panahon sa ating bayan. At ayon sa mga kapariang ito, nagagalit na ang Diyos sa atin dahil sa karamihan sa atin ay pumabor sa batas na ito. E paano ba ‘yan? Naisabatas na? anon a ang mangyayari, may masamamng kalamidad na naman bang magaganap? Huwag naman sana. Pero kapag naganap yun? Sasabihin na naman na “nagagalit ang Diyos sa atin?” Hay, naku.

Puwede ba, huwag na lang natin lagyan ng kulay-relihyon ang mga usaping panlipunan?

Kaso, nasa demokratikong bayan tayo na ultimo ang sinumang hampaslupa e sumusuway sa batas and yet nagagawa pang magngawa sa media. Kaya, sorry na lang tayo.

At teka, ang excuse ba ng ilang tao na “hipkrito” sila ay dahil “tao lang sila?” Hmm… applicable sana. I mean, oo lagi naman tayo nakararanas ng kapalpakan aty kamalian sa buhay e. Pero may panahon kasi na kaya nating magtolerate ng isang mistake sa hindi. May kasabihan, “Mistakes happened more than twice (or even once) is already a choice and not by chance.”

Kaya bottom line pa rin dito ay… hindi excuse ang human nature para sa pagiging hipokrito ng tao.

Truth hurts, huwag maging hipokrito.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.