Hindi lang
ito usapin ukol sa pagiging Pogi o Tunay Na Lalake.
Video: Sino Si Ramon Bautista? ('Yung Pogi) Official Music Video
Ang music
video na ito ay dinirek ni RA Rivera, prinoduce ng Nivea Philippines para sa
kanilang #LikeAPogi campaign last year. At ang mga umawit ay sila Lil Coli ng
187 Mobstaz kasama si Young Coli.
Sa kantang
ito nakalarawan ang ginagawa ng isang “Pogi.” Kasama na diyan ang pagiging
gentleman, mapagalaga sa kalikasan, tamang gawain bilang isang mamamayang
lalake, matinong estudyante, masinop sa gawaing bahay at iba pa. Sa mata ng mga
babae, ito ay mailalarawan bilang perpektong lalake.
Ang tanong,
meron ba nito ngayon? Meron siguro, kung maisasantabi niya ang labis na
pagiging macho o ideya na kung tawagi’y machismo.
Sa description
ng video nito na inupload ng channel na NIVEA Philippines... ang sabi ay
“These
days, being pogi is more than just having naturally good looks, it's about
having the right attitude that truly makes the difference.”
Ibig sabihin, wala sa itsura (o “hindi lang sa itsura,” kung
ipagpipilitan mo ang pagiging superficial mo) ang pagiging magandang lalake o “Pogi.”
Nasa kalooban din ito, at hindi ito nakikita sa kanyang paghuhubad ng saplot,
dahil ang kalooban na tinutukoy ko ay ang kanyang asal o ugali.
By the way, tampok din sa music video na ito sila Jun
Sabayton, Bart Bartolome, Lourd de Veyra, at iba pa.
Teka, dahil
ba sponsored at produced ito ng isang brand ng body and skin care product, may
pagka-tunog kommersyalismo diba? Pero ayos lang yan, may meaning kahit papaano.
Kung ganito lang sana ang mga umaandar sa mga advertising sa ngayon imbes na
kita sa produkto lang ang pagtuunan ng pansin, e ‘di everybody happy na siguro,
‘di ba? Everybody pogi.
Basta, para
sa akin ang tunay na pogi, parang mga rap sa kanta ni Raom Bautista.
Kung di
niyo ma-gets yan, dalawang bagay. I-Google mo na lang ang lyrics niyan o
hanapin sa duluhang parte ng libro ni Ramon Bautista na Bakit Hindi Ka Crush Ng
Crush Mo?
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!