11:39 AM | 02/11/2013
psyblogger.com |
(Maliban sa mga usaping tulad ng pregnancy test, ha?)
Hindi ako isang sikolohista o ni isang eksperto sa anumang
larangan. Bagkus ay ang mga ilalahad ko lang dito ay resulta ng aking
obrserbasyon sa lipunan at sa tingin ko ay ang aking posibleng maiambag o
maitulong sa sinumang magbabasa nito.
Sa lipunan na kung saan ay naglipana na ang mga negatibong
bagay at ideya, isang bagay lang ang tila gamot sa sakit o ang solusyon sa mga
nagbabagang hinaing. Ang maging positibo ang pananaw sa buhay. Yan ay kahit sa
kabila ng mga hindi magagndang nangyari sa ating buhay.
Sabagay, ito ang kailangan ng tao lalo na kung lagi niyang nararanasan
ang mga ito.
Ang ma-stress sa kanyang trabaho at sa ibang mga bagay. Come
to think na ayon sa mga dalubhasa sa medikal na propesyon ay isang malaking factor
ang stress kaya nagkakasakit ang tao, o mas masaklap ay lumalala pa nga ito. Kaya
tumatanda ang tao nang wala sa tamang hulog.
Ang magpadala sa mga hindi mabubuting bagay na nakikita sa
paligid. Marami bang tao ang nambalasubas sa kapwa nila at hindi mo maiwasan na
mapansin ang mga ito dahil agaw-atensyon nga naman sila? Nanood ka ba ng mga
balita sa TV at napansin mo lahat na lang ay masasama ang nanngyayari mula sa
mga kakulangan sa gobyerno hanggang sa pagiging pasaway ng mga kapwa mong
mamamayan hanggang sa dumarami ang mga manloloko’t kawatan? Sabagay,
napakahirap naman yata ang isipin na paano mo nga ba ituturn ito sa positibong
side kung talagang hindi maganda ang nangyayari?
Pero posible yun ha?
May kasabihan nga naman na maihahalintulad sa tinatawag na “law
of attraction.” Ang anumang nangyayari sa iyong buhay ay resulta ng iyong
pag-iisip. Ibig sabihin, kung negatibo ang mga naiisip mo, para ka na ring
nag-aatract na mangyari ang mga negatibong bagay sa buhay mo.
Kaya madalas sa pagiging totoo, ang sikreto ng isang tao
para maging masaya siya ay ang pananatili ng kanyang optimistikong pananaw sa
buhay. Hindi sa sinasabi ko huwag kang maging realistic. I mean, sakto lang. Maging
open sa lahat ng posibilidad pero mas mag-focus ka sa bagay na posibleng
magdala sa iyo ng magandang resulta. Basta, it's all in the mindset kaya subukan mong mag-isip ng mga ikagaganda ng iyong buhay.
Huwag mong isipin na ang bawat araw ay pare-pareho lang ang
mga nangyayari at mangyayari sa iyo, kahit sa totoo lang e siyam sa sampung
beses ay ganun nga. Malay mo ‘di ba? Yung isa sa sampu na yun ang posibleng magdala
ng kakaiba pero magandang mga bagay para sa iyo.
Don’t let a bad moment ruin your day, ika nga sa Ingles. Ibig
sabihin, huwag magpadala sa isang hindi kanais-nais na pangyayari na iyong
naranasan kanina. Natrapik ka sa kalsada ng sobrang bigat at tagal? Ang haba ng
pila sa istasyon ng tren at terminal ng mga pampasaherong sasakyan? Napagalitan
ka ba ng iyong magulang at boss sa trabaho? Okay lang na magdaramdam ka for the
moment. Pero huwag mong hayaan na i-drive ka ng bad vibes para sa araw na iyun.
Kawawa ka sa bandang huli pag nagkataon. Kung kayang sirain ng isang bad vibes ang araw mo, kaya namang baguhin ng positive mindset ang buhay mo.
Tangkilikin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa iyo, mababaw
man o malalim (though aminado ang inyong lingkod na huwag naman sobrang babaw
at sobrang lalim – yung sakto lang ba). Natatawa
ka ba sa mga palabas na komedya, pwede yun. Nagbabasa ka ba ng mga magagandang
artikulo at balita? Isa pa yun. Naiinspire ka ba sa mga kwento ng tagumpay at
pagsubok nila? Gawin mo silang ehemplo para sa iyong sarili at gawin ang tama
at nararapat para masabi mo na “Damn! Kaya ko pala ‘to!”
Kontrolin ang stress. Labanan ito, tulad ng mga tipikal na
komersyal ng mga vitamins, samahan pa ng exercise, proper diet.
Kung relihiyoso ka, maaring idaan ito sa pagdarasal. Isipin na
lahat na nangyayari ay may dahilan pero para sa ikabubuti mo yan. At hindi
porket hindi niya tinupad ang bagay na dinadasalan mo e isusumpa mo na siya. Huwag
ganun, Diyos siya hindi Santa Claus, Genie o ultimo ang iyong "Sugar Daddy."
Maging pasensyoso ka sa mga bagay-bagay. Magtiyaga din. Hindi
lahat ng magandang pangyayari ay nakukuha sa isang upuan lang. D’yan din
lalabas kung gaano ka kataimtim magdasal, kasipag magtrabaho, ayusin ang
pagkakamali kung meron man, at maging hopeful para sa best mo. Ika nga ni 'tol
Robin Padilla sa kanyang commercial dati, “Huwag kang aaayaw! Think Positive!”
Sa kasabihan pa lang na iyan, malalaman mo na kung bakit ang mga tao, ke
mahuhusay man talaga o hindi ganun kahusay, e nagtatagal sa kanilang mga bagay
na minamahal at nagiging masyasa sila dito. Dahil sinasamahan nila ng sipag at
tiyaga ang pagiging optimistiko sa buhay.
Ngumiti ka. Ang ngiti ay madalas nakakapagpaattract ng mga
magagandang pangyayari, tao at ugnayan. Minsan nga, diyan nagsisimula ang isang
magagandang pagkakaibigan at pati na rin ang relasyon e.
Parang work and have fun lang. Ayos ‘di ba? Walang masama
kung magseryoso ka, pero isipin mo na lang na there’s a lot of good vibes in
store for you para sa araw-araw na nabubuhay ka.
Positive lang, mga parekoy.
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!