Abusado ka
masyado e. Ayan tuloy.
Ang daming
naganap sa rehimeng hindi makakalimutan ng bawat Pilipino na nabuhay noong
dekada ‘80, mula sa isang marahas na diktadurya hanggang sa snap elections
hanggang sa nadaya diumano ang resulta, hanggang sa isang napakalaking
pakikibaka sa kalsada na kung tawaging ay Epifanio Delos Santos Avenue,
hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang isang diktadurya at naibalik ang
demokrasya sa ating bansa.
Pero, dalawampu’t
pitong taon na ang nakalipas... at ano na nga ba ang nangyari mula pa noong
Pebrero 25, 1986, maliban sa nagging over-crowd ang EDSA dahil sa MRT,
naglipanang mga mall, condominium, nagtataasang mga billboard at pasaway na mga
drayber?
Oo nga,
anyare? Hindi naman yata tayo natuto e.
It takes
time daw para magkaroon ng pagbabago sa ating bayan. Oo nga naman, pero 27
years is already a long run, and imbes na step by step sana e umaandar tayo
paabante e tila lago lang tayo umaatras. Dala ng mga utak talangka? Pwede. Dala
ng mga kritiko? Pwede. Pero dala rin ng emosyon? Mas lalo itong akma dahil
masyado tayong naghihimutok bilang isang lipunan.
Mantakin mo
ha? Lumaya nga tayo sa diuktadurya ni Macoy, pero umangat ba na tulad nung
dati? Kung hindi ako nagkakamali ay isa tayo sa mga bansang tinitingala noon sa
Asya. Ngayon? Tiger economy pa naman, buti nga umangat tayo ulit eh. Nagagawa pa
nating magpautan ng pera noon. Pero ang problema ay ramdam ba ‘to ng mayorya? Sabi
nga naman ng isang ekonomista noong nanood ako ng isang newscast noong nakaraang
weekend e, isa sa mga senyales ng pagtaas ng ekonomiya natin ay ang pagtaas ng
presyo. Hmm... ganun? Dahil marami daw bumibili at bumebenta. Ganun ulit?
Nagkaisa nga
ang mga magkakasapi sa minorya sa Maynila noon. Pero matapos ang pagpapabagsak
kay Marcos, anyare? Bakit tila bumalik yata tayo sa dating gawi? Hindi yata
tayo nakunento sa mga pinaglalaban natin? May kilos-protesta pa rin, nagkaroon
pa rin tayo ng matinding dibersyon bilang mga Pilipino.
Bente-syete
anyos na, pero sa halip na magmukhang matino ang Pilipinas, ay naku, parang
lumala pa yata ito nang dahil sa walang katapusang pamumulitika, paglobo ng
populasyon ng mga tao sa Kamaynilaan (bagay na nagbigay sa atin ng mataas na
rural rate imbes na sa ubranisyasyon dapat umusbong dahil sa dumamit ang mga
informal settler o sa madaling sabi... iskwater), naging ampaw sa sobrang babaw
ang taste ng mayorya sa lipunan mula sa musika, pelikula, showbiz hanggang sa
ultimo ang pagpili ng kandidato sa eleksyon. Mga naging wapakels o “walang
pakialam” sa mga nagaganap sa lipunan (Sabagay,
lecheng “political drama” kasing yan). Isama mo na ang political dynasty sa isa
sa mga sigalot na hindi masolusyunan kahit nagkaroon na tayo ng rebolusyon.
Lumaya nga
tayo, pero parang umabuso naman din tayo sa demokrasyang tinatamasa natin. Ano ‘to,
first time kang makawala sa koral mo matapos ang mahabang panahon na kinandado
ka sa isang rehas na bakal? Kaya ba tila lumipad ang sentido mo sa kalawakan ng
kawalan noong lumaya ka bilang mamamayan? Nakalimutan mo ang pagiging disiplinado at
isinasaisip ang pagiging nega sa mga naganap noon.
Oo, sa
sobrang laya mo, naiwan mo sa dekada ’80 ang common sense at dispilina mo. Kaya
nga ngayon ay nagagawa mo ang pagtatapon ng basura sa kung saaang-saang lugar
lang. Nagagawa mo ang maging balahura kung magsalita sa kalye. Ang magmaneho as
if na ikaw lang ang nagbabayad ng buwis sa BIR. May ganang mambatok ng traffic
enforcer at sindakin ang sinuman dahil may baril ka at feeling mong si Asiong
Salonga ka.
Kung idadahilan
mo ang “lagay,” at iba’t ibang uri ng corruption sa lipunan... Sino ba ang
naghalal sa kanila? Tayo din naman, ‘di ba? Ikaw bumoto d’yan, ‘di ba? Sinadya
mong magpunta sa tanggapan sa oras na hindi kanais-nais na pagkakataon, ‘di ba?
Pinagmamadali mo siya masyado para lang makuha ang mga requirements mo sa
gobyerno, ‘di ba? Kung oo ang sagot mo
sa isa sa mga tanong d’yan, e TARANTADO ka pala e. KASALANAN MO YAN! Asan ang
sinasabi mong prinsipyo niya? Nagpauto ka naman sa mga pangako at pautot n’ya? Nasaan ang ugali mo na pagioging masinop sa
mga bagay? Nakalimutan mo yata na lahat ng transaksyon na ginagawa natin sa
lipunan e may pinagdadaanang proseso, talagang may panahon na nilalaan o
tinatagal. At yan ang kailangan mong harapin.
Kung tama
si Macoy sa wika niyang “20 years from now, babagsak ang Pilipinas,” e hindi na
ako magtataka. At ano ang pinakadahilan nito? Ang pag-aabuso ng tao sa
demokrasyang hinahanap at tinatamasa n’ya ngayon.
Oo nga. Abusado
ka masyado e. Ayan tuloy. Anyare sa iyo?
May
kasabihan, everything happens for a reason. Kung masyado mong dadamdamin ang
pagiging marahas ng pamahalaan noon, kawawa ka naman. Nakakalimot ka sa mga
bagay tulad ng pagtimbang sa mga bagay-bagay, at ang katotohanan na pasalamat
tayo na may pamahalaan pa tayo dahil kung wala, ano na lang mangyayari sa atin?
Pero sa
kabilang banda, habang tinitimbang ko ang mga bagay-bagay na naganap, isang
tanong ang pumasok sa isipan ko: magkakontrapelo
ba talaga ang ating batas at ang karapatang pantao? Kasi napapnsin ko lang,
pag pinatupad ng otoridad ang batas ngayon, lagi itong kinokontra ng human
rights. At kapag wala naming implementasyong nagaganap, nagngangawa din sila na
bakit hindi ito maipatupad ng maayos. At ‘pag nireapso, may say pa rin sila. Ayos
lang yun, pero parang panay reklamo naman ang binibitawan nila.
Ano ba
talaga, mga ate at kuya? Ang labo n’yo rin e no?
At pahabol
lang sa kasabihan. Ika nga ng yumaong uncle ni Spiderman, “with great power
comes great responsibility.” Nabubuhay tayo sa demokrasya, which means na tayo
ay may mas higit na kapangyarihan sa ating bayan. Kaya nga nagawa natin na
mag-People Power at napatalsik natin sa pwesto si Ferdinand Marcos, ‘di ba?
Pero
kaakibat nito ang responsibilidad natin. Walang tinatawag na “absolute right”
(dahil kung ganun, para mo na ring sinabi na walang mas nakakataas pa sa atin).
Kahit ang freedom of speech natin, actually... may limistasyon din. Pero ibang
usapin na ’yun.
Basta, huwag lang tayo umabuso masyado.
Sana pinahahalagahan
pa rin natin ang demokrasyang tinatamasa natin imbes na magpakasasa sa mga
walang kato-atoryang bagay sa lipunan ngayon, isama mo na diyan ang
magpakababaw at “swag.” (swagin ko mukha mo d’yan e.)
Kaya nga
naimbento ang kasaysayan e. Kahit sabihin pa natin na may pagka-bias yan. Para hindi
tayo makalimot sa mga naganap noon at bagkus ay maging hakbang pa ito papunta
sa ating kaunlaran, hindi yung “holiday kasi e” ang gagawing dahilan kung bakit
ka walang pasok twing February 25 at iba pang petsa ng ating mga national
holidays sa kalendaryo natin.
Author:
SLICKMASTER | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!