04:09 AM | 02/26/2013
Babala: hindi ko nilalahad sa blog na ito ang pangakalahatan ng
lifestyle ng mga nagtatrabaho sa graveyard shift. Dahil una, magkakaiba kami ng
trabaho; Pangalawa, iba-iba kami ng kumpanyang sineserbisyuhan; Pangatlo,
magkakaiba kami ng oras kahit pareho kaming nasa graveyard shift; at
pang-apat, magkakaiba ang aming mga
pagkatao. At panglima, kung hinuhusgahan mo kami masyado, nagkakamali ka sa
inaakala mo – TANGA ka lang talaga.
Lunes ng gabi, panibagong linggo para maghanap-buhay at ito
na ang hudyat ng panibagong oras sa aking pagtatrabaho – ang graveyard shift. Sa
totoo lang, sanay na ako sa puyatan bagamat aminado ako na sa malamang e
mag-aadjust pa rin ako sa gusto ko at sa mas gugustuhin ko.
Researcher ako sa isang kumpanya na ang lokasyon ay sa Eastwood
City, isa sa mga lugar na nakatatak na sa aking mala-alamat na memorya. Hindi ko
nga akalain na dito rin ako magtatrabaho e. Halos no hassle lang kasi madalas e
nilalakad ko lang ito mula sa aking tirahan.
Pagpasok sa opisina, 1 oras akong ahead sa simula dapat ng shift
ko. May pagkakataon nga na wala nang kape-kape, sumasabak na ako sa trabaho
dahil (ehem) kaya ko naman e.
Ang kalakaran sa trabaho ko ay umiikot sa isang bagay lang –
ang kompyuter. Halos wala na itong pinagkaiba sa pang-araw-araw na buhay ko,
dahil dito rin ako nakikipag-usap, at sa computer na rin ito ako naglalahad.
Sa halos buong walong oras ay nakatutok ako sa trabaho ko. Kung
tutuusin nga, parang hindi na uso ang break sa akin dahil sa jeskeng tagal ng
paghihintay mo para lang makababa ka sa elevator (mas mabilis pa yung jumingle
ka sa CR kahit babae ka e). E pa’no ba naman, para-paraan din ang iba e. Kahit paakyat
ang direksyon nito at pababa naman ang pakay nila e sasakay pa rin. Kaya ang
mga tulad kong kakain sa hatinggabi, ayan... nganga sa paghihintay.
Pero minsan, nakakatiyempo rin, salamat sa tropa ko sa ibang
department na lagi kong kasabay kumain sa pantry ng opisina namin. Haha! Kung hindi
man, apat na bagay ang nagsisilbing tagapagsalba ko – isang bote ng energy
drink na tulad ng Lipovitan, iced tea, kape, at syempre... tubig. (at malamang,
hindi ko yan pinagsasasabay-sabay, no? Kumusta naman ang sikmura ko pag ginawa
ko yun?)
Hindi madali ang magkalap ng mga bagay-bagay na kailangan
mong pagtrabahuan at ipasa sa kumpanya. Kung inaakala nila na parang copy-paste
123 ang mga yun, hindi. Mabusisi ito. Pero sanayan na lang ang dahilan kung
bakit ang mga tulad ko ay nakakapgproduce ng ganung karaming output.
Sila, payosi-yosi lang sa labas (syempre, bawal sa loob ng
gusali). Ako? Madalas niyan, titira ako ng pagkain bago umuwi. Kapag natapos na
ang lahat ng dapat kong gagawin sa gabing iyun. Pero hindi rin ako nagpapapetiks
masyado. Tamang chill lang, tulad ng preno-preno din, lalo na pag may time. Kawawa
naman mata ko kapag sinukdulan ko ang pagtatrabaho no? Pwedeng soundtrip din
habang nagkakape. Minsan nga, musika pa ang nagsisilbing motor ko para i-drive
ang sarili ko sa mood ng pagtatrabaho e.
Sa oras ng alas-singko ng umaga, tapos na ang isang gabi ng
paghahanap-buhay para sa akin. Pero madalas niyan ay hindi ako umaalis, lalo na’t
alam ko na sa malamang ay puno na naman ang elevator nito dahil sa mga kabaro
ko sa ibang kumpanya, at madalas, trip ko lang din tumambay at magpaantok bago
lumarga, at maglakad ulit pauwi at dere-deretso lang sa aking tahanan, este, sa aking sariling
silid-tulugan. Ni hindi ko yata napapansin na nakaksalubong ko na ang mga
kaibigan ko sa graveyard shift o ni yung mga kilala ko na papasok pa lang sa
kani-kanilang mga trabaho.
Maliban na lang kung payday ang usapan. Siyempre – nakasakay
na sa dyip yun. Wala na akong lakas ng loob na sumama sa tropa at uminom ng
alak. Utang-sa-boundary naman, ang dami ko pang gastusin na pagtutuunan ko ng
pansin, no?
Ayun, deretso na lang sa kwarto at presto... Zzzzz.
“What a night.” Yun lang. Corny no?
author: slick master | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!