Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

01 February 2013

Rewind: Abangan Ang Susunod Na Kabanata

02/01/2013 09:25 PM

memorykill.tumblr.com / bebsisms.wordpress.com
Isang palabas na nagsasabi na isang malaking moro-moro ang lipunan at Pamahalaan ng bansang Pilipinas. Isa sa mga sarswela na naglalarawan ng tatlong estado ng buhay sa bansa, mula sa mga elitista, hanggang sa may-kaya hanggang sa mga dukha.

Abangan ang Susunod na Kabanata.

Una itong sumahimpapawid noong ika-6 ng Enero, taong 1991, at tumagtal ng anim na taon. Bagamat noong nagkamalay ako sa mundong ito, madalas ko ito napapanood ng kada Martes, alas-9 yata yun ng gabi (kung tama ang aking pagkaka-alala). Kasama ang mga tanyag na artista sa katauhan nila Tessie Tomas, Noel Trinidad, Nova Villa, Joji Isla, Anjo Yllana, Carmina Villaroel, Jennifer Sevilla, Roderick Paulate, Sammy Lagmay, Winnie Cordero, Carmi Martin at marami pang iba.

Isang pamilya mula sa mataas na antas ng lipunan — mga "demi-god" kung tawagin – ang erpat ay korap na pulitiko, ang asawa naman ay pangsariling luho lamang ang inaatupag, at isang saksakan ng pagkabayolenteng anak (palibhasa may sapak sa utak). Samahan mo pa ng isang bodyguard na handang makipagdahasan sa iba maprotektahan lang ang kanyang pinaglilingkuran. Ang Pamilya Tengco na mas naihahalintulad pa sa pamilya ng dating diktadurya.

Photo credits: YouTube
Ang nasa ibang katauhan naman sa nasa middle class ay isang social climber na uhaw sa pagkamit ng kayamanan. Isang baklang beautician na asawa naman ay isang tangang night club dancer. Oo, tanga dahil sa isyu ng sekswalidad ng kayang kabiyak.

At sa lipunan ng mga pobre (teka, pobre nga ba?), ay may isang mama na palpak ang diskarte sa paghahanap ng mapagkakakitaan, at samahan mo pa ng isang asawa na walang inatupag kung ngawa nang ngawa sa kanya.

http://sydrified.blogspot.com/

Akda ito ng batikang direktor, kritiko at manunulat na si Jose Javier Reyes, sa direkyon ni Johnny Manahan. Sa kabila ng pagpapatawa, ang isa sa mga adhikain ng palabas na ito ay ang maging aware ang manunood sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran. Ano talaga ang nangyayari sa bansang Pilipinas noon, maliban pa sa mga nakakaurat na masasamamang balita na laging nakikita sa mga pambalitaan tulad ng TV Patrol at The World Tonight.

Hindi man ako totally aware sa mga nagaganap noon (dahil bata pa nga ako noong pinapalabas ito sa TV), ngunit hindi ko makakaila na isa ito sa mga palabas na nagpaalala sa akin ng magandang kalidad ng programa sa telebisyon noon. Alaala pa nga ito ng masayang childhood.  Iyun pa ang panahon na nagagawa pa magbiro ng media sa mga sitwasyong pulitkal at kasalakuyang kaganapan, partikular na ang ABS-CBN noon.
Photo credits: YouTube
Minsan habang pinapanood ito sa Jeepney TV block ng Studio 23, minsan pumasok sa isipan ko na “bakit kaya wala na ang mga ganitong palabas sa primetime TV ngayon? Panay romansa espesyal at mga karahasan-sa-ngalan-ng-pagmamahal na lamang ang nakikita?”

Isa lang masasabi ko, tulad ng pamagat ng palabas na ito at ng mga eksena sa lipunan... ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA!

Panoorin ang palabas na ito sa iWant.

REFERENCES:

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

8 comments:

  1. paborito ko ito noong 90's. ang galing mga artista lalo na sina tessi at anjo. panalo ang mga patama nila sa mga dapat tamaan. nakakatawa sobra.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo. sobrang hanga ako sa palabas na 'yan, lalo na kay dino (anjo) na parang natural na lang sa kanya yung ganung klase ng pag-acting.

      Delete
  2. Mas gusto ko mga comedy kesa drama. Itong Abangan ang isa sa mga magandang klaseng comedy na palabas noon. Sana maibalik mga ganitong palabas sa TV.

    ReplyDelete
  3. Sayang, di ko pa siguro naiintindihan ang palabas na ito dati.

    ReplyDelete
  4. This is so funny! hahahaha. Sana may ganito pa ngayon!

    ReplyDelete
  5. I remember watching this during my younger years. Family bonding kapag ito na ang palabas. :D

    ReplyDelete
  6. Di ko ata naabutan ito or siguro bata palang ako nung palabas to.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!