02/02/2013 11:00 AM
Minsan ito winika sa akin ng isa sa aking
mga kaibigan sa kolehiyo noon: Ang kasaysayan ay kwento ng mga tao na nabubuhay
pa rin matapos ang mga nangyari sa nakaraan. Ang mga taong naka-survive sa
nakalipas ang mga taong naglalahad nito.
Minsan naisip ko, tama siya. Kaya may mga
pagkakataon noon na “bias” o one-sided ang mga nakasaad sa mga eskriptura ng
kasaysayan.
Kaya minsan ay naisip ko, hindi ba patas
ang kasaysayan sa ilang mga personalidad sa Pilipinas? Maliban pa sa “papet
repablik” ni Jose P. Laurel at mga lihim na iniuugnay kay Emilio Aguinaldo,
hanggang sa oligarkiya diumano ng mga Cojuangco, ay nakatago sa mga accounts of
history ng bansa ang mga kabutihang nagawa ng isang Pangulong mas kilala bilang
“diktador.”
Pero bakit nga ba hindi ito tahasanang
iniuulat ng mga guro sa kanilang mga kamag-aral? Parang hindi naman yata patas
yun, lalo na sa panahon ngayon na may panukalang batas na naglalayon na ituro
ang mga kasakiman diumano ng dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.
Unfair naman yata yun. Masyado na tayong
nagpaplanta ng mga negatibong bagay sa lipunan. E isa pang masaklpa na bagay
dyan e hindi naman tayo natututo sa mga nakalipas. Hindi tayo umuunlad.
O baka naman bitter lang ang mga nagpanukala
niyan dahil sa totoong wika niya noon na dalawang dekada raw mula ngayon ay bagagsak na daw ang Pilipinas?
Sabagay, noong kapanahunan niya, sa
kalagitnaan ng mga ulat ng karahasan ay nasasabi rin na angat naman ang Pilipinas sa ibang bansa.
Nakakatakot ba isipin na dalawa ang mukha ng bansa noon? Para
naman yata nating pinamukha sa mga musmos na napakasamang ehemplo si Macoy nun.
Sa totoo lang, wala namang ipinanganak sa ating mundo na talaganag maiitim
ang budhi.
Pero malamang, kung ikasasama talaga ng imahe niya, yan ay dahil sa sosyalera niyang asawa, at mga crony niya na mas ganid pa sa kanila. At hindi na rin kataka-taka kung bakit, lalo na kung dumating ang panahon na gawaran ng pabor ito pag nilaban sa korte.
Siguro ito lang ang aking pasada sa isyung
ito: maging patas sana
tayo sa panghuhusga ng ibang tao. Huwag tayo masyado mag-dwell sa mga
negatibong bagay noon. Dahil sa totoo lang, yan din ang dahilan kung bakit
hindi tayo umuunlad bilang isang lipunan. Imbes na umusbong tayo ay umurong,
nagpadala na ba tayo sa mga utak talangka?
Pustahan tayo, kahit sabihin na natin na 9
sa 10 bagay na naganap noong rehimen niya ay puno ng kasamaan at masalimuot na
bagay ay hindi naman yata makakaila na may mabuti pa rin siyang nagawa at
sadyang hindi lang tayo patas humusga. Palibahasa nagpapadala tayo sa mga
masasamang balita. Masyado nating pinapansin ang mga negatibong bagay sa halip
na dapat sana e
magpahalaga tayo sa mga magagandang nangyayari sa atin bawat araw. Unti-unti
tayong nilalason ng mga negativity sa ating lipunan.
Basta, timbangin muna ang mga ito bago
bago magwika. At kung ano dapat ang manaig, well, manaig. Umasa ka na lang na hindi ito maigagawad sa kabila ng punto ng mayorya.
Author:
slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!