Warning: This is an anti-romantic post. Pasintabi at pasensya na ho sa mga matatamaan dyan. Opinyon lang po.
Sa totoo lang, ano naman kung February 14 na? Ano naman
ngayon kung Valentine’s Day na?
Bakit ang daming mga tanga na ginagawang big deal ang isang
araw na hindi naman talaga kino-consider ng lipunang ito (pati na rin ng relihiyon)
bilang isang “holiday?”
Pucha, ang hihilig kasing makiuso e.
Kung last year, nag-rant ako sa mga kalokohan at pautot na laging
nauuso twing Valentines’ Day, ngayon… same thing pa rin e. HAHAHA! Pero pwera
biro. Tutal nauuso naman ang katangahan sa mundong ito ngayon.
Valentine’s Day na! E ano ngayon? Wala. Parang ordinaryong
araw lang e. May trabaho ka pa rin, trapik pa rin. So what the fuck is the big
deal? At dapat ba itong gawing big deal? Hindi naman ‘di ba? Ang hihilig kasing
makiuso e.
Valentine’s Day na! E ano ngayon? Bakit kailangan nga ba ‘to
gawing big deal? Tuwing Valentine’s Day lang ba tayo nagmamahal? Ang hihilig
kasing makiuso e.
Valentine’s Day na! E ano ngayon? Para sa mga taken lang
ito? Ulol. Ang hihilig lang ng mga tao na manghusga sa ganito – ang ilang mga
taken, nilolook-down ang mga single, lalo na sa usaping ganito. Ang sa lagay ba
e kailangan may minamahal ka sa buhay porket araw ng mga Puso na? E kung
i-reserach n’yo kaya ang tunay na kahulugan ng Valentine’s Day?
Hindi lang para sa mga taken ang Valentine’s Day. Para ito
sa sinuman. At wala itong pinagkaiba sa ganitong kasabihan. “Ang kasiyahan ng
isang tao ay hindi lang nakadepende sa estado ng lovelife nito.” Patawa lang
masyado ang mga mokong na yun.
Valentine’s Day na! E ano ngayon kung single ka? Tigil-tigilan
mo ang paglulupasay mo diyan. Hindi nga ito panahon para magkaroon ng
patweetums na sweet moments para sa pananaw mo, pero hindi rin ito panahon para
magpaka-emoterong palaka ka porket wala kang jowa, o binasted ka ng nililigawan
mo o sadyang dateless ka lang talaga.
Valentine’s Day na! E ano ngayon? Tulad ng dati, marami na naman ang
maglilipanang mga pautot mula sa concerts hanggang sa mga malalaking discount
rates sa resto, hotel, at iba pa. Dadami na naman ang kita at ang mga taong
kikita dahil dadami rin ang mga tatangkilik. Ang problema diyan e natatabunan
na ng ideya ng kommersyalismo ang tunay na diwa ng Valentine’s Day. Tanginang
yan.
Valentine’s Day na! E ano ngayon? Maglalabasan na naman ang mga magsyotang ginagawang parke ang mga kaliwa't kanang mga lugar sa paligid. Yung maka-akbay, wagas. Yung makadikit, wagas. Kung makahalik, akala mo nasa sinehan o walang nakakakitang mga inosente at mga konserbatibo. Tangina, sarap lang sipain ang mga 'to as if na sige ka sa kalyeng kinatitirikan mo at sabihing "Hoy, kung gusto n'yo ng walang distorbong lambingan at unlimited na laplapan e gawin n'yo na lang yan sa kwarto n'yo! Nahiya naman kasi sa nag-aalab na love scene n'yo!"
Pero lagi naman silang present, 'di ba? Oo nga, pero mas dumarami ang mga "love... err, sorry, PDA birds" kapag sumasapit na ang mga panahon na tulad ng Valentine's Day.
Valentine’s Day na! E ano ngayon? Maglalabasan na naman ang mga magsyotang ginagawang parke ang mga kaliwa't kanang mga lugar sa paligid. Yung maka-akbay, wagas. Yung makadikit, wagas. Kung makahalik, akala mo nasa sinehan o walang nakakakitang mga inosente at mga konserbatibo. Tangina, sarap lang sipain ang mga 'to as if na sige ka sa kalyeng kinatitirikan mo at sabihing "Hoy, kung gusto n'yo ng walang distorbong lambingan at unlimited na laplapan e gawin n'yo na lang yan sa kwarto n'yo! Nahiya naman kasi sa nag-aalab na love scene n'yo!"
Pero lagi naman silang present, 'di ba? Oo nga, pero mas dumarami ang mga "love... err, sorry, PDA birds" kapag sumasapit na ang mga panahon na tulad ng Valentine's Day.
Valentine’s Day na! E ano ngayon? Lalo na kung dateless ka? Bakit,
required subject ba sa panahon ngayon ang magkaroon ka ng ka-date o sadyang
desperado ka lang talaga? Kung hindi, huwag sumabay sa nakararami. Kanya-kanyang
panahon lang yan pagdating sa pag-ibig. Huwag kang papa-pressure sa mga mokong
at loka mong mga kaibigan. Pakialam ba nila kung wala kang lovelife at dateless
ka sa ngayon?
Valentine’s Day na! E ano ngayon kung may date ka? Pustahan bukas
back to normal ulit kayo niyan as if na wala na ulit mamamagitan sa inyong
dalawa, at pagdating ng February next year... “Uy, ate, date ulit tayo sa 14?” Eto
naman ang bruha, “Sige!” Hay, naku, diyan nasisira ang napakagandang imahe ng
tunay na pag-ibig at ng tunay na mukha ng Valentine’s Day. Sarap lang bigwasan
ng mga ‘to. *sabay iling*
Valentine’s Day na! E ano ngayon… kung taken ka at hindi mo
dinate ang partner mo? Walang masama dun. Hindi naman kelangan sa Valentine’s
Day lang kayo magpapakita ng pag-ibig n’yo sa isa’t-isa ah. Eh pa’no na lang
kung fully booked ang mga resto at hotel na tatamabayn n’yo sana? Walang celebration?
Sipain kita d’yan e.
Saka isa pa – mas espesyal pa kaya ang panahon na
nagmamahalan kayo kesa sa Valentines’ Day. Yan, ang hihilig kasing makiuso sa
anumang katangahan na iyan e.
Valentine’s Day na! E ano ngayon? As usual, usong-uso na
naman ang apaw-apaw sa sobrang babaw na romantisismo sa lipunan. May bago pa
ba?
Well, what can you expect pa ba? Valentine’s day e!
Valentine’s Day na! E ano ngayon? Kanya-kanya tayong pananaw
dito. Walang basagan.
Valentine’s Day na! E ano ngayon? Tunog bitter ba? Hindi,
TANGA ka lang talaga!
First version was published Feb. 13, 2012 - http://definitelyfilipino.com/blog/2012/02/13/valentines-day-na-e-ano-ngayon/
Author: SLICKMASTER | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!