Flashback to 2010. Hindi ako fan ni Vice Ganda, at aminado
ako na hindi na ako masyadong fan ng kanyang “makapilosopong-babaw na jokes”
(na nauso salamat sa Showtime at natampok sa Vice Ganda Syndrome ni Juan
Mandaraya).
Pero mas trip ko ang mga komedyante na bumibitaw ng satire
comedy jokes. Tulad nito, ang simpleng pamimilosopo sa mga sa mga tagline ng
mga campaign ads sa mga pulitko, lalo na umaakma ito sa panahon ng eleksyon
noon.
Ang ilan sa mga kataga na binitawan niya sa videong ito na
kinunan sa gig ng nasabing komedyante sa Islang Cove at inupload sa YouTube
channel ni Ivan Sinsin noong Abril 27, 2010 ay mga ito...
“At hindi naman porket kumain ka sa kalsada, mahirap! Pano kapag nagdrive-thru ka?”
“Aalagaan kita!” “Kaya ko na nga gumawa ng lahat no? Kaya ko
na nga magbate!”
“Ganto kami sa Makati!” “O pano kung Cavite ako, bat luluwas
ako? Okay naman buhay ko sa Cavite, ba’t iinggitin mo ko sa Makati?”
“Gusto ko happy ka!” “Sana tinanong mo ko kung ano
makakapagpa-happy sa akin e. Hindi yung... parang tanga! Kaloka!”
“Hindi ako magnanakaw.” “E ano, mangungutang lang? Tapos
wala nang bayaran?”
“Erap para sa mahirap!” “Papano yan mayaman na ako, ‘di na ‘ko
kasali? Dapat para sa lahat! Sa mayaman at sa mahirap, pantay pantay. Pag mayaman
special? ‘Pag mayaman ‘di pwede? Gago!”
"Naligo ka na ba sa dagat ng basura?" “Ang
baho-baho dun, maliligo ka?”
“Ano yung kay Gibo? Yung naka-eroplano siya? Puta ka
traysikel nga wala pang masakyan! (Nilo)loko
niyo kami!”
Pero sa kabila ng mga patawa, isa lang ang pinunto ni Vice
Ganda dito. Mag-isip-isip ang mga tao para sa kinabukasan ng bayang ginagalawan.
Para sa ikabubuti ba ng bayan at ng sinumang tao, maging maligaya ang bawat
isa.
At sabay segue sa kantang Ligaya.
Well, malay natin… sa ating pagagala sa mga comedy bar at
panunood ng mga gag shows e may makikita ka pa na ganito kahit papaano.
At sa totoo lang, mukhang ito na lang ang paraan para sa mga
tao sa lipunan na makialam sa mga nangyayari sa lipunan. Oo, idaan sa mga patawa
ang lahat.
Panoorin ang video sa ibabang parte ng post na ito.
Author: slick master | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!