Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

05 February 2013

Walang Masama Sa Pagiging SINGLE Ngayong Valentines Day.


07:53 PM | 02/05/2013

Sinong bwakananginang mga nilalang ba ang nagpauso ng isang sablay na lohika ukol sa Valentines' Day? Na para lang ito sa mga magkasintahan at nag-iibigan

Ang Valentines’ Day? Asus, isang araw lang naman iyan e. Kaya bakit ba kailangang gawing big deal  iyan kapag SINGLE ka? Ito sinasabi ko sa iyo ha, walang masama sa pagiging single ngayong Valentines’ Day. Kaya tigil-tigilan mo muna ang paglulupasay diyan porket nabasted ka ng nililigawan mo o nakipagbreak sa iyo ang syota mo, dahil kahit nag-iisa at loveless ka, puwede ka pa rin maging masaya ngayong Araw ng Mga Puso. Ano na ang mga dapat mong gawin?

Unang-una sa lahat, mahalin mo ang sarili mo. Hindi ka mamahalin ng ibang tao kung ikaw mismo e mas mababa pa ang tingin mo kaysa sa kalapating mababa ang lipad ang tingin mo sa sarili mo. Hindi ko ibig sabihin na i-date mo ang sarili mo at i-sex o magsariling sikap ka. Have some piece of self worth and respect. Malay mo, sa V-Day pa mismo ka makahanap ng date. Ayos, ‘di ba?

Puwede ka namang magcelebrate ng Valentines’ Day kahit romantically sepaking e loveless ka. May tropa ka naman siguro na single din tulad mo, ‘di ba? O pinsan, kamag-anak? Celebtrate it with your family kung puwede rin lang naman. Minsan kasi ang pagmamahal ay hindi nahahanap sa pakikipagsyota at ligawan lang.

Walang masama sa pagiging single ngayong Valentines Day, kung wala ka namang pangdate. Aanhin mo ang paglulupasay mo kung wala ka namang datong kung sakali ay may lakad ka sa a-14 ng Pebrero? Alalahanin mo, ang V-day sa mata ng komersyalismo, ay pera. Kita yan. Bentahan mula sa resto hanggang sa sinehan hanggang sa motel. Samahan mo pa ng mga bagay na nauuso nun tulad ng bouquet ng rosas, pagkaing Italiano, ticket sa pelikula at ultimo ang condom.

Walang masama sa pagiging single ngayong Valentines Day, kung para sa iyo e ordinaryong araw lang naman ito pa sa iyo. Oo nga naman, minsan nga e mas espesyal pa ang mga araw na nakakasama mo ang taong mahal mo sa ibang petsa maliban pa sa Valentines Day. V-Day? Lilipas din ‘yan ‘no! Itulog mo na lang kung kaya mo o idaan sa kain ang lahat. Kung nababadtrip ka sa mga magsyota na naglalakad sa tapat mo, basain mo ang kalsada at sabihing “NO LOVERS ALLOWED TO PASS THIS ENTRY.” At ang sinumang lalabag ay mapaparusahan sa kasong offending your romantic feelings. (Chos!)

Walang masama sa pagiging single ngayong Valentines Day, kung wala ka naman talagang iniirog. Ano ‘to, may masabi ka lang na “may date ako?” Huwag ganun, “show off” ang tawag dun. Tandaan na hindi lang para sa mag-partner ang Valentines’ Day. Saka choice mo naman maging single or taken e, kaya anong problema mo dun?

Ke single ka man o taken, bitter ka man (pero’ wag naman sana masyado) o happily ever after, walang masama diyan kung VALENTINE’S Day ang usapan. Supot lang ang nagpauso ng “ang Valentine’s Day ay para sa mga magsing-irog lang.”

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!