Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

22 February 2013

“Who’s to blame?” (Just My Opinion: Political Drama)


01:57 PM | 02/22/2013

Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos at sa gabi-gabing umiikot ang mundo, ito na lang palagai ang isa sa mga nilalaman ng mga balita: Ang dramatikang eksena sa pamumulitika, bow.

Si Senador Juan, tinira ni Senador Maria. Sa kabilang banda, nagkaroon ng resbakan at kampihan sa kani-kanilang panig mula sa hanay ng mga Kongresista hanggang sa mga Gabinete. At ano ang pinag-aawayan? Mula sa mga pondo sa proyektong di matapos-tapos kahit ang kontrata’y nagkakaupos na sa pagkakapaso, hanggang sa mga walang kakwenta-kwentang bagay tulad ng mga isyu na labas na sa mga argumentong tinatalakay, hanggang sa mas lalong personal na sumbatan, bangayan, trashtalk, laglagan sa partido, lipatan ng kampo, at iba pa.

Kaya tuloy ang dating e hindi masyadong magaling sa pakikipagtalo ang iilang mga pulitiko. Parang mga ewan lang, kaya tuloy ang mga mamamayan na tumututok sa TV e mas pipiliin pa na manood ng mga telenobela (kahit na mas bullshit pa rin siya sa pananaw ko). Ke “pare-pareho lang naman sila d’yan e.” O hindi naman kaya ay “asus, eksena lang ang mga yan! Para may mapag-usapan na naman!” O kung anu-ano pa.

Pero sino ba ang dapat sisihin sa mga ganitong kaganapan sa pamahalaan?


Una, ang mga pulitko mismo. Nasa Senado, Kongreso, o kung saang tanggapan ng ahensya pa ba ang mga utak n’yo? Walang masama sana sa matinding debate ukol sa mga panukala o proyekto na dapat ilaan sa ating bayan, pero kung hahaluan n’yo pa ng sandamukal na kulay yan na labas na labas na talaga sa usaping pulitkal, e ayun lang. Straight talk, no heavy bullshit drama, please? Leave it sa mga tao sa entertainment.

Oo, speaking of entertainment pala, accountable ang MEDIA sa mga ganito? Bakit kanyo? Siguro dahil sa isyu ng tabloidization ng mga nescast na kung saan ay mas ginagawa pang “over-big deal” ang mga katiting na bagay na nangyayari sa ating lipunan mula sa krimen, pambalitaan sa probinsya, off-the-court drama sa sports at private lives ng mga artista sa showbiz. Eh kung mababaw lang naman ang ganitong argumento sa pulitika, e bakit kelangan pang lagyan ng sobra-sobrang hype?

Anong mababaw? Tol, ang mga ‘yan, malalalim ang pinaghuhugutang emosyon. Ah, so ang sa lagay ba e dapat masyado tayong emosyonal sa pulitika? Sabihin na natin na ang lalaalim nga, e ano ngayon? Tulad ng iilang mga matalinong manunood ng telebisyon, hindi kami interesado sa kung ano ang sekwalidad ni Sendaor Bernardo Procorpio o kung siraulo ba ang isang Senadorang Delya Simang d’yan, kung bakit si Congress Abante Saguguilid ay napakaraming anak sa ibang babae, at iba pa.

And come to think na ang lawak ng kapangyarihan ng media. Trendsetter sila ng lipunang ito, kaya ang daming mga nagiging makitid ang utak at mababaw lang ang pag-unawa ngayon e.

At pangatlo, ang MAMAMAYAN mismo, maliban na lang kung hindi mo sila binoto ni minsan. Nagpapaniwala sa mga pautot ng MEDIA, at ng iba pang matataas na institusyon sa lipunang ito. Katulad nga ng sinabi ko sa nauna, naimpluwensyahan ba sila?

Saka ito ang matinding tanong. Sila nga ang nakaupo sa pwesto, pero sino ba ang tunay na may hawak ng kapangyarihan sa pamhalaan natin ngayon? Hindi ba tayo rin? Alalahanin mo, demokratikong bansa tayo, at ang mga taong nakaupo dun ay representasyon lang natin. (Kaya nga REPUBLIC OF THE PHILIPPINES, ‘di ba?) ibig sabihin, kung sila ay abusado, what more pa ang iilang mga mamayan? Kung sila ay masyadong madrama, e kasi tayo pinaunlakan naman natin ang kadramahan nila. Kung ang tatanga at ang bababaw nila... what more pa ang majority sa mga mamamayan?

O, ano, maninisi ka pa ba?

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!