Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

16 March 2013

Alala ng AFTER HOURS.


07:53 PM | 03/15/2013

After Hours, ang programa nun sa isang network na kung  tawagin ay MTV Philippines. Sobrang ayos lang niya kasi para siya yung “non-stop music” nun e.  Walang VJ na nagiintroduce ng mga video (o umeepal kung bad trip ka sa kanila), just the music videos lang ang umeere. Madalas ‘to nun umeere pag alas-tres (o alas-dos yata) hanggang alas-sais ng umaga.

Hindi ko alam kung bakit ko siya nakahiligan e. Parang yung feeling lang na sarap magsoundtrip habang bumibiyahe ka o sadayng nagchi-chillax lang sa lugar na iyong kinatitirikan.

Ang alam ko lang nun e mahihilig ako manood ng mga music video nun, pampalipas-oras  ko lang sa madaling-araw pag nagigising ako. Halo-halo lang yun, mula sa mga foreign pop at mga OPM. Yun pa ang panahon na astig pa ang mainstream at yun pa ang tila huling hurrah ng MTV sa Pilipinas.


Lalo na noong 2007, pagkagising ko sa sala nun, alas-kwatro y medya ng madaling-araw ng Sabado nun. Bago ako maghanda para magbisikleta, bubuksan ko na ang TV nun.

Wala lang, kahit ilang beses ko nang nakikita ang mga pagmumukha nila Jessie McCartney (sa kanyang mala-kaliwaang video na Just So You Know) hanggang sa mala-karmang tema ng video ni Justin Timberlake (yung What comes Around, Goes Around ba yun? Ah, ewan.), hanggang sa mga bangs ni Nelly Furtado sa Say It Right,  hanggang sa malamig na tinig ni Sitti nun sa I Didn’t Know I Was Looking For Love.

Kahit ilang playback na ‘to kada madaling-araw sa akin, hindi ako naalibadbaran. Bakit? Ayos ang mga tugtugan e. Buti pa nga ‘to e, hindi tulad ngayon na sing-lasa na lang ng bubblegum ang pop music ngayon.
Sabay pagdating sa commercial gap nun, lumalabas si Ramon Bautista. As in (imitating Ramon Bautista’s voice) “Hi Guys. I’m Ramon Bautista. And this? Is (guest) of (name of the band).” Pati pa naman ‘tong linyang ‘to kabisado e no?

Feel good music lang ang trip pag madaling-araw, ke radio man o TV ang mapagtripan ko nun. Nakakamiss lang e.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!