Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

28 March 2013

Ampong Hamog

4:57:23 AM | 3/28/2013 | Thrusday

Mapapatawad mo ba ang isang taong kinupkop mo, kung malalaman mo siya rin pala ang kumitil ng buhay ng anak mo?


Naging miserable ang buhay para sa isang Simon Celestino, 49 anyos, mula noong namatay ang kanyang unica hijang si Mariah. Ang dalagita ay napaslang dahil sa hindi niya hinayaan na makuha ng isang batang hamog ang kanyang pitaka nang ganun-ganun lang. Ang tanging alam lang niya ay bata ang nakapatay, pero hindi pa ito lubusang makilala ng otoridad sa panahon na iyun. At hindi rin siya masasakdal kung sakali man dahil sa menor de edad ang suspek.

Halos isang taon na ang nakalipas, pero sariwa pa rin sa alaala niya ang mga nangyari. At naghahanap pa rin siya ng hustisya. Umaasa na darating ang isang araw at makakamit niya ang inaasam na katarungan para sa kanyang lumisang anak.

Isang sabado ng umaga, dakong alas-9 nang nadatnan niya ang batang hamog na si Jimmy, 11 anyos, mababangga  niya si Mang Simon habang tumatakbo at tila hinahabol siya. Nabitawan ni Jimmy ang hawak na cellphone na halatang hinablot niya mula sa ibang tao.


At nahuli siya sa kasong pagnanakaw at dinala sa presinto, pero dahil naawa si Mang Simon sa kalagayan ng bata, inampon na niya ito.

Pulis: Naku, naku, naku… Jimuel Delos Santos, ikaw na naman? Naknampucha, pangilang kaso mo na ng pagnanakaw ‘to? Nihindi ka naming magagawang ikulong dahil menor ka.Simon: Ako na bahala sa batang ito. Pasensya na po sa ginawa niya.
Biktima: Aba, dapat lang no! (sabay singhal kay Jimmy) Kung alam mo lang tarantado ka, muntik na kitang ipapatay dahil sa pagnanakaw mo ng gamit ko! (sabay baling naman ng atenyon kay Simon) Hoy, Mister! Ikaw ba magulang niya?
S: Hindi.
B & P: OH. E bakit mo aampunin ‘yan? 
S: Kawawa e. Kahit loko-loko yan, wala tayong magagawa. Hindi siya pwedeng makulong. Pero hahayaan na lang ba natin na lumaki ang mga ‘to bilang isang ganap na gago?
P: (napaisip) Sige, pero sa kada kalokohan na gagawin niyan sa mga sumusunod na araw, ikaw ang mananagot ha? 
S: Sige, aakuhin ko na ang responsibilidad.
Pagkauwi sa bahay ay nag-usap sila.
Simon: Bakit mo ginagawa ang mga ganitong bagay? Nagnanakaw ka, nagkaroon ka pa ng kaso ng pabubugbog?
Jimmy:  Kasi po kailangan ko pong matustusan ang aking sarili. Nag-iisa kang po akong mamumuhay.
S: Bakit, asan ba ang mga magulang mo?
J: Wala po sila. Pucha, iniwan lang nila ako sa isang bangketa nun, dala ng mga gamit na 'to (sabay kuha sa kanyang bag na naglalaman ng ilang kapraso ng damit at papel na nagsisilbing birth certificate niya). Lumaki ako sa kalye na kasama ko ang mga batang hamog din, mga adik at palaboy. Pare-pareho kaming mga siraulo.
S: Ni hindi mo sila binalak na hanapin?
J: Wala na! 
S: Pero bakit? 
J: Magiging ganito ba akong kasama na tao kung hindi nila ako pinabayaan? 
S: Iho, alam mo, choice mo naman kung magiging matinong nilalang ka o hindi e. 
J: E ano pa ba magagawa ko? Yung mga kasama ko, laging humihithit ng rugby, pareho kaming natutulog sa tabing-ilog at kalye. Kung hindi kami makakadelihensya, magugutom naman ang aming mga sikmura. 
S:  Kaya ba may dala kang birth certificate sa kada pagkakataon na mahuhuli ka ng pulis? 
J: Opo. Pero kahit nakasaad dun ang lugar ng aking kapanangakan, pati na rin ang pangalan ng aking mga magulang, hindi ko na balak silang hanapin pa. Para saan pa? Iniwan naman nila ako. Tangina lang nila.
S: Kaya nga inampon kita, ‘di ba? Dahil mahirap ang mabuhay mag-isa, ang mamuhay sa lugar na hindi mo maaring tawaging tahanan. Ang mga tulad mo ay dapat mabigyan ng mga bagay na magbibigay-halaga sa 'yo bilang isang ganap na tao. 
J: Bakit n'yo po ito ginagawa sa akin? Ni hindi ko nga kayo ka-ano e. Minsan ba naiisip n'yo amg mga 'to? Pero sa totoo lang, manong, kahit tangina sira-sira na ang buhay ko... gusto kong maiba ang landas. Yung maituwid ba. Hindi ko nga lang alam kung paano ko 'to gagawin.
S: Yung totoo, gusto mo ba talaga magbagong buhay? 
J: ahh….ehh... Opo. 
S: Yun naman pala e. Sige, pag-aaralin kita, bibigyan kita ng mga laruan at damit… pero yun nga lang. Pagagawan kita ng mga gawaing bahay. 
J: Ayos lang po. Sige.
Sinunod naman ng bata ang mga bilin ng nakatatandang si Simon. Nakalipas ang isang buwan, pumasok na siya sa eskwela, nagging masipag na estudyante siya, naging masinop sa mga gawaing-bahay, talaganag nagbabagong buhay siya. Ibang-iba sa dating gawi niya. Tila alam na niya ang tama sa mali.

Habang si Simon, binusisi ang kanyang pagkakakilanlan. Inayos ang kanyang mga papeles sa eskwelahan at para maampon na rin niya ito, pati ang mga mahahalagang dokumento. Hanggang sa isang beses ay pumunta siya sa presinto para alamin ang kanyang record dun.

Simon: Sir, pwede po bang makahingi ng kopya ng mga nagawang kalokohan ng batang si Jimuel Delos Santos.
Pulis: Ah,  sige. Sandali lamang po. Maupo po muna kayo.

Naghintay nang mahigit sa 15 minuto ang matanda para mapagbigyan ng mga alagad ng batas ang request niya.

P: Mr. Celestino, heto na po ang record ng bata ayon sa aming blotter.

Halos limang pahina din ang nilalaman ng mga kaso ni Jimmy. Pero ang mas ikinagulat ni Mang Simon ay ang isang kaso ng pagpatay at pagnanakaw – at ang biktima ni Jimmy nun ay ang kanyang yumaong anak.

P: Mr. Celestino, humihingi po kami ng paumanhin sa matagal naming aksyon sa kasong ito. Si Jimmy po ang itinurong salarin sa kaso ng pagpatay sa inyong anak. Ayon sa mga nakasaksi sa kanyang hinalang kilos noon, nakita sa kanya ang mgagamit na cellphone, pitaka at ibang suot na alahas ni Mariah Celestino. At bago pa man niya maisangla ang mga naturang bagay, tinimbre na ito sa amin ng mga saksi. Kaya namin siya nahuli. At may ebidensya kami.
S: Ano yun?
P: Ang patalim na ginamit niya sa krimen. (sabay abot ng litrato ng ebidensya)
S: Bakit ngayon ko lang ito nalaman? Halos 1 taon na akong nagkukumahog para maresolba ito ha?! 
P: Ipagpaumanhin n'yo po, Mang Simon pero kami mismo ay hirap para sa kasong ito. Gustuhin nga namin na maikulong siya sa presintong ito pero wala kaming magagawa. 
S: Anong wala kayong magagawa? Wala akong pakialam! TRABAHO N'YO YAN! 
P: Pero sir. May umiiral na Juvenile Justice sa ating lipunan - ang mga tulad ni Jimuel Delos Santos na isang batang kriminal ay hindi mapupunta sa aming kustodiya, bagkus ay mapupunta lamang ito sa DSWD, pero dahil na rin sa kakulangan ng mga kinakailangang kagamitan sa kanilang, hindi ito maisakatuparan. Napapauwi na lang sila sa kani-kanilang mga tirahan, at walang katiyakan na magbabago ang kanilang napariwarang buhay. 
S: ANO? 
P: Ipagpaumanhin n'yo ang aming kakulangan, Mr. Celestino. Pero sumusunod lang kami sa dikta ng batas at ng sistema. 
S: Hindi ito maari. 
P: Pero wala rin po tayo magagawa. Kayo lang ang makapagpapasya sa puntong ito. Pero huwag lang po sana natin na ilalagay sa ating kamay ang batas.
Umuwi si Simon na tuliro ang isipan. Paano niya kaya haharapin ang mundo ngayong tukoy na ang taong mumitil sa kanyang kaisa-isang anak, at walang iba yun kundi ang batang inampon niya. Nagkabukingan na - ang maitim na sikreto sa insidente ay nabunyag sa hindi inaasahang pagkakataon.

Kung ikaw si Mang Simon, ano ang gagawin mo kung nalaman mo na ang taong inampon mo ay ang siyang pumatay sa anak mo? Mapapatawad mo pa ba si Jimmy? Mangingibabaw ba sa ‘yo ang paghihiganti para sa pagkaulila mo sa iyong sariling anak? O hahayaan mong manaig ang hustisya na humatol para sa kanyang nagawang pagkakasala sa iyo?

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

2 comments:

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!