03: 42 PM |
03/10/2013
Babala: Ang blog post na ito ay sadyang
isinulat ng awtor bilang pagkundena sa mga taong mahihilig humusga na tao bilang
“bitter.” Kaya bago ka bumira ng bitter d’yan, magbasa ka kung ayaw mong masabihan ng TANGA.
Bitterness
is a state of emotion, and also of the mind. Kahit naman yata sino e dumaranas
sa pagiging bitter, aminin n’yo yan. Syempre, yun nga lang, dapat ito ay nasa
tama lang din. Hindi naman pwedeng habang-buhay na ganun ka, ‘di ba? Baka
tumanda ka bigla at dumami ang mga kulubot sa iyong mukha. Na parang napuno na
ito ng nagaalab na emosyon ng galit o hatred ang buong pagkatao mo.
Pero hindi
ito ang punto ng sulatin na ito.
After all,
ang pagiging bitter ay parte pa rin ng ating emosyon, lalo na kung nakararanas
siya ng isang matinding kalungkutan sa buhay. Ala naman magpapansit s’ya
kung...
Una, hindi
siya makakagraduate sa eskwelahan dahil sa mga suliranin sa akademika. Sino ba
naman ang hindi mababadtrip kung lahat ng kabarkada mo e magmamamartsa sa
commencement exercises ng eskwelahan mo, tapos ikaw... hindi? Yung tipong
mapapabira ka na lang ng mga salitang “’Ayaw ko na sumama pre,” kapag ikaw ay
inaanyayahan sa kanilang grad party?
O sa
konteksto ng relasyon, lalo na kung sa heart-broken na state. Ano bang magagwa
n’ya kung ang bagay na nakikita n’ya sa panahon nay un ay nakakasuklam o
nakasasama na para sa kanya? Yung tipong simpleng sweet talk sa lovelife e
umiiwas na s’yang pakinggan? May magagawa ba ang pagbira mo ng “bitter” sa
kanya?
Partang
ganitong usapan.
Girlfriend
1: Uy, girl! Tignan mo tong regalo sa
akin ng jowa ko!!!!
Girlfriend
2: Naku, gurl. Preno na muna ako sa
ganyan. Hayy...
G1: Eto naman ang bitter oh!
(O kung may
babasahin siya na kwento...)
DISCLAIMER:
Ang babasahin na ito ay posibleng naglalaman ng anumang kabitteran.
Tapos ang isa
sa mga kumento ay...
“Putanginang awtor ‘to! Bakit ka pa nagsulat?!
Ang BITTER mo, tangina ka! Pakamatay ka na!”
Parang ang
sarap lang sabihan ng mga kupal na ‘to na “Hoy
mga tarantadong nilalang. Matuto kaya kayo umintindi o mangilatis man lang bago
kayo bumira ng bitter d’yan. Sipain ko ang mga pagmumukha n’yo d’yan e!”
Palibhasa
ito ang problema sa lipunan na tila sinakal na ng media sa pamamagitan ng love
story bullshits, o ni ang pagiging tsismoso ng tao sa lovelife ng kabaro nila
bilang parte n gating kasalukuyang kultura. Pag may nagsalita na taliwas sa
pananaw nila, isa ang salitang “bitter” na ipupukol sa kanila.
Hindi ba
pwedeng may pinagdadaanan lang sila kaya nila nasabi ang ganun? Lahat naman ng
salita o kilos natin ay may kaakibat na dahilan, ‘di ba? Masyado naman kayong
nanghuhusga sa kanila.
Everyone is
entitled to their own opinion, ika nga. Kung bitter siya at ganun ang opinyon n’ya,
kahit ayaw ng tenga mo, wala kang magagawa at wala rin tayong magagawa. Ang sa
akin lang, kung alam mo ang pakiramdam n’ya matuto kang gumalang. Hindi yung
bibira ka pa ng “ang bitter mo” d’yan na hindi mo nalalaman ang pinagdadaanan n’ya.
Hindi s’ya
bitter. TANGA KA LANG TALAGA.
author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!