Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

19 March 2013

Bogart: “Pesteng Yawang Harlem Shake.”


11:18 AM | 03/19/2013

Pambasag-trip ba ang usapan? Ito, try mong tignan, pero wag mong seseryosohin yan ha? Kasi parody lang yan.


Sabagay, sa panahon ngayon na halos sinuman ay nahuhumaling sa sayaw ng Harlem Shake, ito lang yata ang pang-asar ng mga Pinoy d’yan.


Ang videong yan ay gawa ng isa sa mga YouTube sensation sa Pilipinas na Bogart the Explorer.  Sa video na yan makikita kung paano nagreact si Bogart sa isang worldwide dance craze na “parang tanga lang” sa mata ng iilan. As in, akala mo sayaw talaga mismo e parang nagkakagulo lang naman talaga.

Sabagay. Ganyan naman talaga ang party e, lalo na kung modernong kultura ang usapan. Magulo talaga.
Imbes kasi na mag-Harlem Shake e magtrabaho na lang dapat. Hindi ko man maintindihan ang word-by-word na translation sa dayakelto ng Bisaya, pero yan ang isa sa mga pinunto ni Bogart d’yan. Maliban pa yan sa dalawang beses na nanapak ang bida.

Ay, isama mo nap ala ang epikong parody line ni Willie Revillame d’yan.

LOL lang.

“Pisting yawa harlem sik, you don’t do that to me!”

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!