Ito ang napala ko sa kakatingin sa ilang mga memorabilia sa
dekada ’80. Akalain mo, ang mga seryosong personalidad sa paghahatid ng balita,
mga mala-beauty queen din pala nun? Tulad ng napanood ko na isang episode ng
Goin’ Bananas (na umere sa Studio 23 noong Huwebes ng tanghali bilang parte ng
Tawa Way Zone ng Jeepney TV timeslot) na kung saan ay tampok na guest nun ang
mga babaeng anchor ng TV Patrol na si Angelique Lazo at Korina Sanchez.
At kung ihahambing mo ito sa kaasalukuyan, hindi mo
mahahalata sa mga ‘to ang itsura nila tulad nooong isang commercial ng dating
TV news personality ngayo’y senador Loren Legrada. Aba.
Kung panahon kasi ngayon ang pagbabasehan, halos wala kang
makikilalalang news anchor na nasa late 20s pa lang. Madalas mo na lang
mapapansin ang mga tsikas sa news department kapag reporter ito sa samu’t
saring mga beat.
Kaya ito lang ang aking napagtanto, ang mga senyales na
chicks ang isang broadcaster sa TV. Kapag...
Naging commercial model ito. Self-explanatory. Kung
nalalabuan ka pa rin, prima fache. O sa mas madaling sabi, pleasing
personality. Ang pagiging model kasi ang isa sa mga entry pass to stardom ng
ilang mga celebrity. Dito sila nagsisimula, unless kung child actress ka.
Kung naging child actress ka. Magaling ka na umarte,
magaling ka pa magkwento. Ayos.
Naging courtside reporter ito ng anumang miyembro ng mga
eskwelahang kasali sa UAAP o NCAA (pero mas elitista kasi ang tyingin sa UAAP).
Siyempre, magkahalong school pride,
sports, at communication skills na yan. Mas may dagdag na plus pogi, este,
ganda points kung atleta siya nun.
Naging DJ ito sa radyo. Ke student DJ program man o isa
talaga ito sa mga on-air personnel ng radyo, lalo na yung mga cliche type.
Sabay ja-jump in sila sa Tagalog format ng balita e no? Ayos lang yan, para
versatile sila sa lengwahe.
Naging campus heartrob. Parang yung nauna lang. Pag pang-chicks
naman ang itsura mo, yun na.
Nag-guest na ito sa isang palabas o pelikula. Uso ito noon,
lalo na kung may mga segment sa TV o eksena sa pelikula na kelangan may gumanap
na isang reporter at may iniinterview na character. Mas credible sila kesa sa
mga artistang gumaganap sa role nila, actually. Mas epektib ang akting.
O pwede rin sadyang elitista lang ang dating mo. Siyempre,
may konek. Authoritative ang istilo mo dapat pag humarap sa kamera e. Yung
tipong kaya mong mapaniwala ang tao sa mga sinasabi mo kahit na wa-poise ka pa
sa pagiging stand-upper mo sa isang live coverage. Like a boss, ika nga.
O, ngayon. Alam mo na? Sensya, wala akong maisip na ending
e. May naispatan na naman akong tsiks sa news.
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!