Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

22 March 2013

EARTH HOUR: It’s not just an hour, it’s an attitude.

3/22/2013 2:27:54 PM 

Pasadahan natin ‘to tutal sa (ika-7 taon at sa ika-7 pagkakataon na rin) ay gaganapin ang tinatawag na “Earth Hour.” At magaganap yan bukas, a-23 ng Marso, taong 2013, mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi.

Maganda rin ang may mga tinatawag an EARTH HOUR kada taon. Ito rin kasi ang nagbibigay babala sa atin sa mga nangyayari sa ating kalikasan. Na dapat maging aware tayo sa ganun at pangalagahan natin ang ating mundo.

Ayon sa kanilang website, tayo ngayon ay humaharap sa mga kritikal na pangayayari at pagbabago sa ating kalikasan sa mundong ito. Isama mo na ang matinding sigalot na kung tawagin ay climate change.
Unang isinagawa ang Earth Hour sa Sydney, Australia noong Marso 31, 2007. Humigit-kumulang 2 milyon katao ang nakilahok sa pagpatay ng ilaw nun sa oras na alas-7:30 hanggang alas-8:30 ng gabi. At sa sumunod na taon, ito ay idinaraos sa mahigit 35 bansa. Hanggang sa lumago pa ito sa mga nagdaang mga taon. Kasama ang Pilipinas sa napakaraming bansa na lumalahok sa nasabing event.

Pero para sa akin, ang Earth Hour ay hindi lang ginaganap sa isang Sabado sa kada isang taon. Kailan dapat?

Kada araw, kada panahon... isipin natin ‘to. Ang earth Hour ay hindi lang pang-kalikasan. Hindi lang ito pagpapatay ng ating ilaw at kuryente sa loob ng isang oras. Bagkus, ito ang ating pamamaraan sa ating pagtitipid sa ating gastusin dun.  Ito rin ang pangunahing hakbang para makatulong tayo sa ating Inang Kalikasan. Hindi lang ito pakikilahok dahil lang sa nasa mainstream ito, maraming mga personalidad ang sumusuporta o dahil sa nakikita mo ito sa mga commercial gap (na may matching song pa ni Usher na “Without You”).

Hindi rin dahil sa mala-fiesta ang atmosphere ng Earth Hour ha? Masaya ang pakiramdam na nakikilahok ka sa ganito. Pero mas okay kaya kung kahit hindi earth hour ay nagiging responable tayo sa ating kalikasan, ano?


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!