Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

23 March 2013

Enough of Excessive Publicity, please?


9:08:48 AM | 3/23/2013

Ang daming balita na dapat ibalita sa radyo at TV. Ang daming mga pangyayari na dapat bigyang pansin. Ang daming mga sigalot sa lipunan ang dapat masolusyunan. At sa lahat-lahat ng mga istorya na umiikot sa nakalipas na mga araw, bakit ito pa? Ang conflict sa dating mag-asawa? Ang isa ay sikat na basketbolista at ang isa nama’y sikat na personalidad sa tinaguriang “fourth estate.” Ang isa na sumikat sa larangan ng palakasan sa kanyang sariling pagsisikap at ang isa nama’y pinasok ang mundo ng artista kahit siya ay anak ng isang dating senador at isang dating pangulo?


Halos wala itong pinagkaiba sa isang bagay na nauuso sa lipunan ngayon. Mga walang pakialam sa problema ng bayan, pero pagdating sa usapin ng lovelife ng isa, parang mga kabute ang mga tsismoso’t tsismosa kung magsulputan.

Mahirap humusga, mahirap pumanig sa isa. Mahirap magsalita, o magbitaw ng opinyon. At dahil dun, hindi ko tatalakayin ang isyung yan (hindi naman ako interesado sa mga naganap in the first place). Pero ito lang masasabi ko: Kailangan ba talagang pag-usapan ang isyu nila Kris Aquino at James Yap? Yan lang talaga ang nakakaalibadbarang bagay sa lahat – Masyado nang publicized ang lahat.

Kung hindi ito national issue, bakit ito naipalabas sa national TV? Kung showbiz lang ito, bakit ito umere sa TV Patrol, e sa halip dapat ay nasa mga tulad ng The Buzz lang umeere ang ganitong panayam? Siguro, dahil ang interviewee nun ay si Manong Ted Failon.

Pero still, hindi siya national issue e. Bakit kailangang pagtuunan ng pansin ‘to ng madla? Dahil ang nagsalita ay isang prominenteng personalidad? Dahil ba babae siya at National Women’s month ang buwan na ‘to?

Hindi siya national issue. As if naman na ang koponan ng San Mig Coffee Mixers ang naglalaro sa international basketball no?

Hindi siya national issue. Pero dahil kilalalang personalidad sila, lahat ng mga kaganapan sa buhay nila ay nagiging big deal. Proximity is one of the key elements in the news, ika nga.

Pero sa kabilang banda, ito lang din ang mabibira ko. Hindi porket isa kang icon sa mata ng publiko ay dapat i-expose mo ang lahat-lahat ng bagay sa mga tao. Masyado ka naman yatang transparent niyan. Hindi lahat ng tao ay interesado sa mga ganyang bagay. Kaya nga uso ang salitang PRIVACY, ‘di ba?

Malaki ang papel ng media para magbigay ng balita sa lipunan. Pero hindi lahat ng mga bagay ay dapat i-media. Pwede ba yung mga makabuluhang balita naman ang dapat naming makita? Hindi ang mga tulad nito? Kaya ang daming nagiging mabababaw na nilalang e.

Buti na lang, nagpalabas ng gag order ang korte sa Makati na nagpapatigil sa parehong kampo nila Aquino at Yap para ibulatlat sa publiko ang sigalot sa nasirang pagsasama nila. Aba, dapat lang no? Kayo-kayo lang naman makalulutas d’yan e, hindi naman ang sambayanang Pilipino, no?

Yun lang. Kaya tama na. Enough of the so-called “excessive publicity,” please?

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!