Sobrang obsessed lang ako sa ganitong laro,
magmula noong una akong nakahwak ng Samsung Galaxy noon. Pero as in hawak lang,
parang one-time na pinahiram lang.
Wika ko sa ate ko, “Tol, pahiram nga.”
(sabay tingin sa mga widget at nakita ang Logo Quiz na application)
Hmmm... Ma-try nga. Hanggang sa masagot ko
ang isang logo, hanggang sa isang logo, hanggang sa isang logo, hanggang sa isa
na namang logo.
At paulit-ulit na lang na parang tape na
hindi tumitigil kahit nakailang side-A at side B na. Nakapagtataka lang e.
Nakapaglaro naman ako ng mga tulad ng Temple Run, Angry Birds, at ultimo ang
Plants Vs. Zombies sa iPad ng putol ko.
Pero anak ng pating lang. Astig e.
Napagkamalan akong “matabang-utak” in an instant nang dahil sa Logo Quiz na ‘to
e. Natanong pako na “bakit hindi ka na lang magtrabaho bilang manghuhula?” To
which I replied, “Tol, laro lang yan. Huwag mong masaydong seryosohin. Pag sa
ibang bagay nabobobo din ako.”
Hindi ko nga alam kung paano ako naging
isang “game whiz” sa mata ng mga kumag na ‘to pagdating sa logo quiz bagamat
aminado ako na hindi ko naman ito napeperfect. Lalo na kapag yung local version
nito na kung saan ay panay mga logo ng iba’t ibang kumpanya at ahensya ang
nakalagay.
Mas madalas kong maiskoran ang nga popular
na logo mula sa kawalan.
Nakakatuwa lang siya laruin e. Kahit hindi
mo masagot ang lahat kada level e lagi akong nakakapag-unlock ng ibang mga
level.
Minsan nga kahit iba ang naglalaro ng Logo
Quiz na iyun, ako pa ang nakakasagot e.
As in pagpindot pa lang ng logo na ‘yun, ako na ang nakakaalam ng sagot.
Parang simpleng tanaw lang sa letrang Y na may exclamation point at alam ko na
Yahoo! na ‘yun.
At alam ko, madali lang yan. Pero sabagay,
iba-iba rin kasi tayo e kaya ang anumang mahirap sa iba, madali sa atin at ano
naman ang mahirap sa atin, madali sa iba.
Basta, trip ko lang ‘tong logo quiz na ‘to
e. Tara, peram nga at makapaglaro nga.
Author: slickmaster | (c) 2013 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!