Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

05 March 2013

Humiliation on-air.


11:16 AM | 03/05/2013

Hindi ako fan ng sinumang artista ng palabas na ito. Nakuha nga lang ang atensyon ko nito matapos lumabas sa popular feed ng tropa kong si YouTube ang videong ito. 


“YOU DON’T DO THAT TO ME!”


Iyan ang  isang matunog na linya mula sa biglang pag-interrupt ng TV host na si Willie Revillame sa kanyang palabas noong nakaraang linggo.

Napika siya off-stage, pero kelangan bang i-broadcast yun sa ere? Naintindihan ko, na kailangan niyang i-scold si Ethel Booba at Ate Gay at sabihin na lahat ay pangkatuwaan lang at para sa mga manunood ang ginagawa nila. And maybe nadala siya sa bugso ng kanyang emosyon.

Pero yan din ang problema kay Willie Revillame. Matagal ko nang napapansin yan, sa kada pagkakataon na iniinterrupt n’ya ang show n’ya kahit sa Channel 2 pa nun (siyempre, laman ng balita e). Sabagay, instinct na din kasi ng tao kapag napuno siya sa ilang bagay na nagti-trigger ng kanyang galit na emosyon, sumasabog siya na parang bomba at ayan na’t humanda sa pagharurot ng kanyang pagsisiwalat sa baho nila.

Oo. lagi siyang emosyonal. Pero hindi yan excuse para sabihin niya ang mga unprofessional na pangyayari sa ere.

Transparent siya? Maybe. Pero still, may kasabihan, “some things are better left unsaid.” Well, at least sa ere yun. The point is kung nagkakagirian sila dahil sa costume at resulta ng naging seryoso na ang atmosphere para sa bagay na yun, hindi na dapat pang binobroadcast yun. Kasi kung sasabihin mong unprofessional s’ya, e what more pa ang isiwalat mo ang kabulukan na ‘yan sa lahat ng nakakanood? Unprofessional din yun, no!

Sa kabilang banda, ito ang nagpapatotoo sa isang kasabihan na nabasa ko sa libro ni Lourd de Veyra, na “kadalasan ang mga dakilang artista, mga matitinding manlilikha ay sablay sa buhay.” Sa Ingles, The best artists are oftentimes the most inferior of human beings.**  Isa siyang halimbawa sa ganung kasabihan, patuinay lang siguro na walang perpekto at sakto lang ang balance ng tao sa mundo lalo na sa panahon ngayon.

Mahal n’ya ang programa n’ya? Hindi kataka-taka. Siya ang host, producer, nag-iisip ng anumang ikagaganda ng kanyang palabas. Binigyan n’ya ng break ang mga artistang tinira n’ya sa ere. At wala raw respeto si Ethel Booba ayon sa ilang taong nagbigay ng kumento sa video. Sabagay, nasangkot na kasi sa ilang kontorbersiya si Ethel e.  Pero ang pagmamahal sa anumang bagay ay sadyang unconditional. At ang pagsumbat sa mga bagay-bagay ay nakakapagpayabang sa tao. Yabang na nakakainis lang. Kaya…

Still, it’s unprofessional para i-broadcast sa ere ang anumang kaganapan sa backstage. You don’t do that to your audience.  And baka sabihin pa ng isa sa mga manunood ‘to… “you don’t do that to us!”


Author: slick master | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!